Felina Claudia Elizabeth Fernandez
France.
Iyon ang paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ko. Paano niya nakilala si Daddy? At bakit mukhang ang close-close nila? Hindi nagpapatawag ng France ang daddy ko sa kahit sino na lang. Ayaw niya ng mga taong feeling close. Ibig sabihin lang nito ay magkakilala na sila at mukhang solid friends pa.
My mom eyed JT Zaldua with suspicion now. Kagaya ko ay hinalungkat din siguro nito sa utak kung na-meet na niya ito noon pero hindi lang sila pinakilala ni Daddy, kasi maging ako'y ganoon ang naiisip. Curious ako. Sobra.
"Who are you again?" tanong ni Mom. She looked beyond suspicious. May kung ano pang mababanaag sa mga mata nito. She looked kind of hostile now.
Pinangunutan ako ng noo. Bakit suspicious at hostile agad ang mommy?
"I'm JT Zaldua, po, ma'am. Kagaya ng sinabi ng asawa n'yo, I'm a life coach."
Life coach. Baka naging kliyente niya si Dad. Kung sa bagay, nagkaroon ng depresyon kamakailan ang daddy gawa ng paghihiwalay nila ni Mom. Ang alam ko no'n he sought help. Baka imbes na pumuntang psychologist o psychiatrist, sa lalaking ito pumunta si Dad. Hmn. Pwede.
"JT Zaldua," banggit ni Mom. Parang may gustong alalahanin pa. Kitang-kita ko nang biglang tila may lumambong na kalungkutan na may halong galit ang kanyang mga mata na para bagang may naalalang hindi kanais-nais.
Naging malamig na ang mommy pagkatapos. Parang nabuhusan ng yelo ang warmth na pinakita niya kanina kay Jokim. I don't get it. Bakit naman niya ikagagalit kong nilapitan ito ng daddy at nagpatulong sa depresyon nito? Saka, hindi naman nagamit sa korte ang ganoong kondisyon ni Dad. Actually, ang philandering ways nito ang bumalandra saka ang gross indifference to other people's feelings. At iyon ang naging basehan kung bakit unfit husband siya. Mayroon pa kayang ibang alam tungkol kay Dad ang lalaking ito?
"Sige. I have to clean the kitchen pa," paalam ni Mom kay Jokim. She simply nodded at him and ignored my dad. Tumingin naman siya sa akin at sinabihan ako ng, " Felina, dalian mo riyan, ha? Tulungan mo na rin ako pagkatapos."
"Your daughter has a visitor, Erma. Errands can wait," sabat ni Dad.
Nilingon siya agad ni Mom at binigyan ng matalim na tingin. She did not speak a word but it was obvious from how she looked at Dad that she did not want to be lectured on how to deal with me.
"Pasensya na sa asawa ko, JT," nakangiting paghingi ng paumanhin ni Dad kay Jokim. "Hindi ko talaga inasahan na magkikita tayo rito," dugtong nito. Umupo ito sa tabi ng bisita ko. Hinuli pa ang isang kamay nito't pinatong sa palad habang ang isa ay tumatapik-tapik dito.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa habang nakaupo sila sa harapan ko. Jokim didn't say much to him. He simply smiled.
"O siya, maiwan ko muna kayo rito," sabi ni Dad kapagkuwan at sinundan si Mom sa kusina. Wala pang ilang minuto, nakarinig na kami ng mga kalampag sa kusina. Parang may nahulog na mga kaldero't plato. I felt kind of uncomfortable. Napatingin ako kay Jokim at napahingi ng dispensa.
"I guess this is not the right time to visit me here. Thank you for the effort. I appreciate you dropping by tonight," sabi ko sa kanya.
Then, we heard another loud bang. Parang may humagis ng takip ng kaldero. Minadali ko tuloy na umalis na si Jokim para mapuntahan ko na ang nag-aaso't pusa kong mga magulang.
"I do understand. Do not be embarrassed."
Parang gusto ko nang itulak palayo sa amin si Jokim nang may marinig pang sunud-sunod na pagbagsak ng plato. Tumingin din siya sa direksyon ng kusina at medyo nag-atubili pang umalis bago tuluyang bumalik sa sasakyan niyang nakaparada sa tapat ng bahay.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #4: THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]
RomanceFelina Claudia Elizabeth Fernandez has always been secretly embarrassed of her weight. From among her circle of friends, she has always been the chubbiest one. She blamed her weight for not having a suitor. At first, she is not bothered about it. Bu...