Felina Claudia Elizabeth Fernandez
Hindi lang si Eula ang nakapaikot sa akin nang idilat ko ang aking mga mata. Nandoon na rin si Shane at Keri. Pinapaypayan nila ako. May dalawang professors na lumapit sa amin at nagmando sa mga kaibigan kong dalhin daw nila ako sa clinic. Bago pa makasagot ang tatlo, may tinawag ang mga ito. Mayamaya lang ay may tumatakbo nang medical staff ng clinic. Bigla akong napaupo nang matuwid sa bench kung saan ako hiniga ng mga kaibigan ko.
"Bilis! Ang stretcher!" sigaw pa ng nurse sa dalawa nitong kasamahan. Nang makita kong dumami na ang nakapaligid para mang-usyuso, napakapit ako sa kamay nila Eula at Keri.
"Let's go!" anas ko sa kanila. Ngarag ang boses.
"No, Felina. We need to let them check you up," tanggi ni Keri agad.
"Ano ba? Pinagtitinginan na ako ng mga tao rito. Nakikita n'yo naman di ba?"
Lumayo si Eula sa tabi ko at hinarap ang mga miron. Sa mataray niyang tinig sinigawan niya ang mga ito lalung-lalo na ang grupo nila Vivi na nakangisi pang nagvi-video sa amin.
"The show is over, guys! Now, go!"
Nang hindi tumalima ang mga manonood at may nagtangka pang mang-video kagaya nila Vivi nilapitan ito ni Eula para agawin sana ang mga cell phone, pero mabilis silang nagsipulasan habang tumatawa. Grabe ang pag-init ng pisngi ko at nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko.
"It's all right. Nandito kami," bulong ni Shane sa akin. Tumabi pa siya at yumakap.
"H'wag na lang po, ma'am. I think she's okay now," narinig kong sabi naman ni Keri sa mga nurses na lumapit.
"We will check on her. Baka need niyang tingnan din ni Doc. Nasa clinic siya ngayon."
Mabilis akong umiling. "Okay na po ako."
To prove my point, I stood up and grabbed my friends' hands at dali-dali nang lumabas ng cafeteria. Humabol na lang si Eula sa amin.
Wala akong maiharap sa mga kaeskwela ko nang mga oras na iyon. Pakiramdam ko'y pinagtatawanan nila akong lahat. Lahat ng nakakasalubong namin ay tumatawa at nagbubulungan. Sigurado akong nakapanood na sila ng viral video ni Dad at ng male lover nito. Gusto ko nang magpalamon sa lupa.
"Hold your head high. Wala kang kasalanan," mando sa akin ni Eula. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Sa tuwing yuyuko ako, pinipisil niya ang aking kamay. Pinaningkitan ko nga siya ng mga mata. Ang bruhang ito. Babaliin yata ang aking mga daliri!
"Ano ba?" asik ko sa kanya.
"Do not give them what they want. Kung mahihiya ka o maiiyak dahil sa nangyari lalo ka nilang pagtatawanan, believe me. Mas mabuting ipakita mo sa kanila na hindi ka apektado. Eh ano ngayon kung may sex video ang dad mo? Si Kim Kardashian nga meron. Pinagkitaan pa niya!" sabi pa ng bruha saka tumawa. "Isipin mo, ha? May Kim Kardashian ba tayo ngayon kung wala ang sex video na iyon? Malay mo, this is the start of good things to come."
"Ano naman kayang good things iyan, Yolanda? My God! Tumigil ka. That's toxic positivity," angal agad ni Keri.
"Anong toxic positivity? Totoo namang sumikat si Kim Kardashian dahil sa sex video niya noon. Kaya malay natin? Baka magka-reality TV show pa si Tito." At ngumisi ang Yolanda.
Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at sinimangutan siya nang todo. "Problemado ako, Yolanda Ysadora Anai!" asik ko sa kanya.
Bumuga ito ng hangin. "Ikaw nga ang tinutulungan. Ano ka ba?"
"Felina! Bading pala ang dad mo? Grabe, ha? Ang galing niyang magsisid, ha?" sigaw sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Vivi. Hindi ko namatandaan ang name niya. Basta ang alam ko, sumali siya noon sa Miss Manila pero hindi nanalo.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #4: THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]
RomanceFelina Claudia Elizabeth Fernandez has always been secretly embarrassed of her weight. From among her circle of friends, she has always been the chubbiest one. She blamed her weight for not having a suitor. At first, she is not bothered about it. Bu...