CHAPTER THIRTEEN

817 76 6
                                    

Felina Claudia Elizabeth Fernandez

"Magsabi ka nga ng totoo, Felina Claudia." Galit ang mommy. Naniningkit ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.

"There's nothing to tell, Mom."

"Ano'ng there's nothing to tell? Maliwanag ang sabi ng reporter! Love triangle ang dahilan kung bakit ka sinugod sa eskwelahan ng babaeng iyon!"

Napabuntong-hininga ako. Sa loob-loob ko'y sinisisi ang sarili kung bakit nanood ako ng balita with her. Tuloy ay nasabon ako nang wala sa oras.

"Hindi mo ba kilala kung sino ang lalaking iyon? Don't you remember? Nang una iyang bumisita rito noon, dinedma ko! At alam mo ba kung bakit?"

Napakamot-kamot ako ng ulo. Ang drama talaga nitong mama ko.

"Ang JT Zaldua na iyon na kung tingnan mo'y akala mo kung sinong malinis na CEO ang kauna-unahang lover ng daddy mo!"

Tumalsik sa sahig ang iniinom kung tubig. Muntik ko nang mabitawan pati baso.

"Mom!" naibulalas ko pa. Naeskandalo ako. Si JT Zaldua's naging lvoer ni Dad? No!

"Naging magkaibigan lamang sila. Si Dad kasi ang nagbigay sa kanya ng kompyansa sa sarili. Si Dad din ang tumulong na sumigla muli ang kanyang career kaya natural lang na maging mabait kay Dad ang tao."

"Is that what he told you?" Umismid pa ang mommy. "Ang dami mong hindi alam!"

Napatitig ako nang matagal kay Mom. And for the first time since I knew about Dad's involvement with JT, nagduda ako. Paano nga kaya kung totoo ang sinasabi ni Mom?

Napayapos ako sa sarili. Hindi ko naiwasang maalibadbaran. I cannot picture them together in an intimate scene. Ang sagwa! Nakaramdam din ako ng pagkaasiwa dahil nitong huli'y pinagpantasyahan ko na si JT. In fact, I even tried to pleasure myself with him in mind.

"Ang JT Zaldua na iyon ay naabutan kong nakikipag-holding hands sa daddy mo! Ang hinayupak mong ama ay tila sarap na sarap. Hindi lamang nakontento sa ganoon, kinuha pa ang kamay ng bwisit na lalaking iyon at hinalikan pa! He was one of your dad's boy toys. Believe me. Isa siya sa mga rason kung bakit ko iniwan ang iyong ama!"

Napanganga ako. Hindi ko kasi alam iyon. Ang buong akala ko noon, nagkahiwalay sila dahil sa isang babae. Although hindi rin nagtagal ang relationship ni Dad sa girl na iyon, naging mabigat talaga ang loob ko roon lalo pa't halos ay magsing-edad lang kami. In fact, nag-aaral pa rin iyon sa college hanggang ngayon.

"That's not true, Mom. I know you guys broke up because of Jeannette."

"Is that what you think?"

Hindi ako nakahuma. Abala na ang utak ko sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ang hindi kayang tanggapin ng puso ko ay ang involvement daw ni JT sa dad ko. Ayaw ko iyong paniwalaan. Pero paano nga kung totoo iyon?

Nanlata ang aking katawan at tila pagod na pagod na umakyat na lang ako sa sarili kong silid.

**********

Jokim Thaddeus Zaldua

Napatingin ako sa screen ng laptop nang may makitang message para kay Lonely Boy. It was from Felina. Natigil ako sa pagre-review ng notes tungkol sa isang client. I read her message. Muntik na akong mapabunghalit ng tawa nang mabasa ko ang wino-worry niya. May affair raw sa isang sikat na life coach ang kanyang ama ayon sa kanyang ina.

"Okay ka lang, 'insan?" Sinalat pa ni Rene ang noo ko. Tinabig ko agad ang kamay niya. Malay ko ba kung saan nakarating iyon? Tapos idadaiti niya sa balat ko?

QUEEN SERIES #4:  THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon