A/N: Sorry for irregular updates. I was hoping to do it regularly but I had a lot of other tasks to do. Please leave me a comment. :) Thanks a lot!
**********
Felina Claudia Elizabeth Fernandez
Hindi na sumagot si Lonely Boy nang tanungin ko kung sino siya. Strange. Parang pamilyar ang way ng pagsagot niya sa message ko. Dati, kutob ko lang na baka siya rin si Jokim. Isipin mo na lang, ha? Ang profile pic niya ay kamukha ng kanyang pinsan.
Shit! Why did it take me a long time to put two and two together?! HE MUST BE JT ZALDUA! At iyan ang dahilan kung bakit parang si JT din siya kung magsalita!
I felt betrayed. Grabe ang naramdaman kong galit. All along ay pinaikot niya ako! Lahat ng pinakaiingatan kong sekreto ay nasabi ko sa kanya. At nag-anuhan pa kami one time online! Oh God! He must be laughing at me for a long time!
I logged off from my Tinder account and cried myself to sleep. Hiyang-hiya ako sa mga pangyayari. Gusto ko siyang sakalin at isumbong sa daddy ko. The thought of my dad made me want to cry more. Isa siya sa dahilan kung bakit ako napakapit kay Mr. Lonely Boy. Oh God!
Nag-vibrate ang cell phone ko. Tiningnan ko kung sino ang nag-text. Si Jokim! Kumalabog agad ang puso ko. The more that I was convinced na siya nga si Mr. Lonely Boy.
"I read the tabloid news. Sana hindi ka nagpapaapekto sa mga salita ng reporters na iyon."
May suspicion na ako na niloko niya ako pero his heartwarming text still warmed my heart. Nainis ako sa sarili. Gusto kong dedmahin ang text niya, pero napasagot ako. Punyeta!
"What news? I don't read tabloid news," kaila ko pa.
Hindi ko alam kung bakit kinailangan ko pang magsinungaling. Maybe, I wanted to have a long exchange of texts. Pero sinagot lang niya iyon ng, "Good" na may smiley sa dulo. Ano ang isasagot ko roon? Ilang minuto kong pinag-isipan kung sasagutin ko pa iyon o what hanggang sa nakatulog na lamang ako.
Nang umagang iyon, nagulat ako sa bumungad sa akin. A huge bouquet of flowers! Magkahalong pula at puting rosas. Ang nakasimangot kong ina ang tumanggap no'n dahil natutulog pa raw ako nang dinilever sa bahay namin.
"Do not forget your worth, no matter what other people say."
Sumilip si Mom habang binabasa ko ang card na kalakip ng bouquet. Sumimangot siya agad.
"Is that from JT Zaldua?"
"Not sure. Maybe. It's signed J.Z."
"Sa kanya na nga galing iyan! Nanliligaw nga ba ang hayop na iyan sa iyo? Sinasabi ko na nga sa daddy mo eh! Pedophile ang lalaking iyan!"
"Mom, he's just twenty-six years old!"
"Ang pagiging pedopilya ay hindi nangangahulugan na kailangang maging huklubang matanda ang taong sangkot! Ilang taon ang age gap n'yo?"
"I'm not a minor anymore, Mom. I'm almost twenty-two."
Nagsalubong ang mga kilay ni Mommy at pinamaywangan ako.
"You're still a child!" At galit itong tumalikod sa akin. Mayamaya pa, naririnig ko na siyang may inaaway na naman sa telepono. Minumura na naman niya ang daddy dahil sa mga bulaklak. Napabuntong-hininga na lang ako..
**********
Jokim Thaddeus Zaldua
Nakailang tawag na ako kay Felina, pero hindi niya ako sinasagot. Dumaan ako sa school nila to check on her, pero hindi ko siya na-timing-an sa labas ng gate. Dati-rati'y lumalabas siya around three in the afternoon. Ayaw ko namang pumasok at halughugin ang school nila for her though I know hindi naman ako tatanggihan ng gwardiya dahil kilala na nila ako. Suki ako ng unibersidad for any talks concerning life or counseling sa mga bata. Ang kinatatakot ko ay mabalita na naman na pinuntahan ko siya at mabigyan ng ibang kulay kaya stay put lang ako sa kabas. She has already suffered enough because of her involvement with me. Ayaw ko nang dagdagan pa iyon.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #4: THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]
RomantizmFelina Claudia Elizabeth Fernandez has always been secretly embarrassed of her weight. From among her circle of friends, she has always been the chubbiest one. She blamed her weight for not having a suitor. At first, she is not bothered about it. Bu...