Felina Claudia Elizabeth Fernandez
"Felina!" tawag ni Jokim sa akin. Kumaway pa siya.
As soon as he acknowledged my presence, napatingin sa akin ang mga nagsidaan sa tabi niya. May mga pinangunutan ng noo. May iba namang nagsipagtaasan ng kilay. Pero wala na sigurong mas titindi pa kay Vivi at sa mga kaibigan niya. Kaagad sana nilang kinawayan si JT Zaldua para agawin ang pansin nito, pero sorry na lang sila dahil sa akin ito nakatutok.
Kinalimutan ko panandalian ang insecurities at ang huli naming pag-uusap. I knew I didn't show him my best self then. Naging halata ang kinikimkim kong hang ups no'n. But now, I have to show all my school mates that I am Felina, the confident, chubby girl who can attract the likes of JT Zaldua.
"Vivi, hindi ka pinansin ng tito mo?"
"Tito!"
"Come. May ipapakita ako sa iyo," sabi sa akin ni Jokim. Hindi ko alam kung talagang hindi niya narinig si Vivi at ang mga kaibigan nito o nagbibingi-bingihan lamang.
From the corner of my eye, I saw the bitch and her friends came rushing towards the gate. Lalapitan sana nila kami, pero nakaikot na noon si Jokim sa driver's side ng sasakyan niya at nakapasok na sa loob. Hindi na rin ako nagpatumpik-tumpik. Bago pa makalapit ang mga bruha'y nasa loob na rin ako ng kotse. Nakaabante na kami bago pa makalabas ng campus ang mga mahadera. Nakita ko sa side mirror na binigyan ako ng dirty finger ni Vivi. Napangiti ako. Grabe kasi ang panggagalaiti niya.
"Your dad told me you were into paintings. Tama ba?" tanong ni Jokim sa akin. Napasulyap pa siya nang hindi ako agad nakapagsalita. Nawili ako sa paggo-gloat kina Vivi.
"Ha? Ah---paintings?"
Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. Then, he smiled. Napasikdo naman ang puso ko. The smile which looked more like a slight twitching of his lips, made him looked so goddamn hot! Natuliro agad ang utak ko. Nakakainis! Bakit ako nagkakaganito sa isang out of my league?
"Yeah, paintings. Sabi ni France, mahilig kang magpinta noong bata ka pa."
Bumalik sa kamusmusan ko ang aking diwa. Naalala ko ngang dinadala-dala ako ni Dad sa park at nagpipinta kami roon. Dad was a good painter, that I knew. Pero ako'y wala talagang ka talent-talent where painting is concerned. Sinasaboy-saboy ko lang no'n ang pinta sa canvas na bigay ni Dad. Wala akong hilig doon. But I have discovered na kapag iyon ang pinag-uusapan namin at ginagawa ay kuhang-kuha ko nang buo ang atensyon niya. Saka binibili niya ako ng kung ano ang gusto ko basta samahan ko siyang magpinta sa parke o sa kung saan niya man gustong magpinta.
Should I be honest with Jokim about this? Pero baka isumbong ako sa daddy.
"Paintings pala. Umm. Okay lang," tanging naisagot ko. Hindi ko maamin agad na wala akong hilig doon. Nag-iisip pa ako ng paraan kung paano ko iyon maamin nang hindi makakarating kay Dad.
"Yup. Iyon nga ang kanina ko pa sinasabi." At humalakhak ito. Para bagang ini-insinuate na masyado akong lutang. "I know somebody you will surely love. She's a very famous contemporary painter. Narinig ko rin nga ang pangalan niya sa dad mo."
Famous contemporary painter. Mabilis kong kinalkal ang utak kung may nabanggit na pamosong pintor ang daddy na maaari ko ring kilala o nakadaupang-palad noon. Pero wala akong maalala.
Mayamaya pa'y dahan-dahang lumiko at tumigil ang sinasakyan namin sa harapan ng isang coffee shop sa bandang Taft Avenue. Pagkaparada ng kotse sa parking area no'n, mabilis na umibis si Jokim. Bababa na rin sana ako pero bigla akong natigil nang pinagbuksan pa ako ng pinto.
"C'mon. Ipapakilala kita sa kanya. I know her personally."
He seemed proud about it. Medyo hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya. Gayunman, sinundan ko siya sa loob ng naturang coffee shop.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #4: THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]
عاطفيةFelina Claudia Elizabeth Fernandez has always been secretly embarrassed of her weight. From among her circle of friends, she has always been the chubbiest one. She blamed her weight for not having a suitor. At first, she is not bothered about it. Bu...