CHAPTER EIGHTEEN

692 61 7
                                    

Felina Claudia Elizabeth Fernandez

May bumundol sa akin sa tapat ng isang gate kung kaya para akong naalimpungatan. Saglit pa akong nagtaka kung ano ang ginagawa ko sa tapat ng Gate 2 ng UST. Nang maalala ko kung saan ako galing, biglang uminit na naman ang ulo ko.

"It's you again? Watch where you're going!"

Napakurap-kurap ako nang bumulaga sa pagmumukha ko ang guwapong mukha ni Mason. He looked very irritated. Hinila siya palayo ni Grae, ang ka-teammate niya na kaibigan naman ni Yolanda. Ito ang bahagyang yumuko sa akin as if trying to apologize for what his as*hole friend did to me. Siya na nga ang bumangga sa akin, siya pa ang galit.

Siguro kung hindi mainit ang ulo ko sa ginawa ni Jokim na panloloko, I would have cowered and let Mason bully me. Pero sorry na lang siya dahil sa pagkakataong iyon gusto kong may mapagbuntunan ng galit.

"Bakit? Pag-aari mo ba ang daan?"

Si Mason naman ngayon ang napakurap-kurap. Nagulat siya sa pagtaas ng boses ko. Lalo siyang na-shock nang itulak ko pa sa dibdib. He glared at me at mukhang papatulan nga ako, pero maagap siyang naawat ni Grae.

"May laro pa tayo. Drop it," sabi nito sa hunghang.

Akala ko'y lalo akong iinisin ni Mason just like what he did before. Hindi naman pala. Nagpahila siya sa kaibigan papasok sa UST campus. Dederetso na lang sana ako sa paglalakad nang mahagip ng paningin ko si Thijs, ang ex ni Shane na Dutch national. May kaabrasiyete itong babae na pamilyar sa akin. Siya ang nanalong Miss Tourism 2011. Pagkapanalo nga nito last year, hindi magkamayaw ang mga Tamaraws sa pagbubunyi sa kanya. Pati kaming apat nila Yolanda, Keri, at Shane ay nakisaya pa. Punyeta! Siya pala ang aagaw sa kasiyahan ng friend ko.

Nilingon ko sila one more time at kitang-kita ko nang tapikin ni Thijs ang puwet ng bruha. Naghagikhikan silang dalawa and the bastard kissed her on the lips sa harap ng madlang pipol. I was shocked. And confused. Ang alam ko kasi'y bakla si Thijs. Iyon ang sabi sa akin ni Shane. Umamin daw ang hinayupak matapos nitong i-confront nang mabisto mismo ang pakikipagmabutihan sa isang basketball player ng Uste. Kaya, how come? What the hell is going on with that bastard?

Iyong pamomroblema ko kay Thijs at sa estado ng sekswalidad nito ay nakatulong ng kaunti para mawala sa pangtatraidor ni Jokim ang isipan ko. Nakarating tuloy ako sa bahay nang matiwasay.

"Where the hell have you been?" salubong sa akin ni Mom. Nagulat na naman ako. Lalo na nang paningkitan ako ng mga mata na animo'y galit na galit. Naisip ko tuloy na baka dumaan na naman ang daddy at naimbyerna na naman siya rito at ako ngayon ang pinagbubuntunan ng galit.

"May klase po ako kanina. Siyempre, sa school po," sagot ko sa kanya sabay mano.

"Dumaan ang lalaking iyon dito. He was looking for you and he was worried."

Lalaking iyon. Si Jokim?

I hate to admit it, pero dumagundong ang puso ko. Kinutusan ko ang sarili sa isipan. Hindi ako dapat nagkakaganito.

**********

Jokim Thaddeus Zaldua

I was more than relieved when finally, natapos din ang open forum sa isang talk na dinaluhan ko as a resource speaker. I vowed at the audience when they gave me a standing ovation. Napangiti ako nang makitang pinakamalakas ang hiyaw ng papuri ni Mira. Mukhang totoo nga ang ulat ng mga tabloids na espesyal pa rin ako sa dati kong nobya. Mayroon siyang TV guesting sana that day, pero kinansela nito para lang makadalo sa talk ko.

I searched the audience for her. Pinadalhan ko rin kasi siya ng invite. I kind of knew she wouldn't come this time, pero nagbakasakali pa rin ako. Pagkatapos ko ngang paunlakan ang ilan sa mga dumalo para sa selfie with me, pinuntahan ko na agad ang organizer at tinanong kung may dumating na Felina Fernandez sa show.

QUEEN SERIES #4:  THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon