CHAPTER FOURTEEN

793 78 7
                                    

Felina Claudia Elizabeth Fernandez

Pagdating ko ng bahay, nagtaka si Mom kung bakit agad-agad akong dumeretso sa kuwarto ko. Usually naman ay sa kusina ang tungo ko at lumalamon agad na para bagang ginutom ng isang taon. Tinawag niya ako para bumaba dahil may hinanda siya sa aking light snack before mag-dinner, pero nagdahilan akong busog. Ganoon ako pag depressed. Kung ang iba'y nagbi-binge eating, ako nama'y nagpapakagutom. Well, at least, most of the time. Although may pagkakataon din namang lumalapang akong parang baboy.

Nang dumikit na ang likuran ko sa kama, awtomatikong bumalik sa isipan ko ang nangyari sa ospital lalung-lalo na ang ekspresyon sa mukha ng pinsan ni Jokim nang makuha nito ang ibig tumbukin ng huli nang umakbay sa akin. Hindi ko makakalimutan ang sinabi niya.

"Iyan po ang dahilan kung bakit nag-aalangan si 'Insan na magsabi sa inyo. Alam niya kasing hindi kayo boto sa pinili niya. Pero heto na't narito na tayo---"

Nang itinuturo niya ako kanina, para bagang ang panget-panget ko. Kung makatitig pa'y parang matetetanu kung tatagalan niya ang tingin sa akin. I was used to his insults. Kailan ba siya naging mabait sa akin? Simula noong napagkamalan ko siyang siya si Lonely Boy ay naramdaman ko nang pinandidirihan niya ako.

Teka. Hindi kaya picture niya talaga ang ginamit ni Jokim? Baka si Jokim talaga si Lonely Boy at ginamit niya lang na profile pic ang larawan ng panget niyang pinsan! Posible. Pero bakit? Other men go out of their way to photoshop their photos so they would look a lot better on Tinder. Naalala ko ang mga landian namin back and forth at ang minsang pagkalimot...Gosh, paano na lang kung totoo nga ang kutob ko't si Jokim lang din lagi ang kausap ko sa Tinder?

Lonely Boy and I really need to meet in person. Bumangon ako at binuksan agad ang laptop. Bago pa man ako makapasok ng Tinder, nag-ring ang cell phone ko. Si Eula.

"Tabbbbbaaaa!" tili agad ni Yolanda pagkarinig sa tinig ko.

"Ano ba! Lahat na yata ng tutule ko'y nagsilabasan sa tili mo. Saan na naman ang sunog?" angil ko sa kanya. I was tempted to end the call. Ngayong wala ako sa mood ay tinatamad akong makipag-usap sa kanya. Kaso nga lang ni-reject ko rin ang call niya noong isang araw. Na-guilty ako.

"Hindi na kita mahagilap, bruha ka. What the hell have you been doing all week? Sabi ni Shane inisnab mo pa siya noong isang araw. Kumaway siya sa iyo sa Freedom Park, pero dumeretso ka lang ng lakad. What's going on?"

Inisnab ko si Shane? Naku, never! Baka hindi ko nakita. Sinabi ko iyon sa kanya.

"Got yeah!" At humalakhak ito. "Now, that I have your attention, please listen...Si Maurr. Bakit gano'n iyon? Feeling ko may affair siya kay Ms. Mary!"

"Si Sir Maurr? No! NO! NEVER! Hindi balasubas si Sir Maurr. Ano ka ba! Bakit kung anu-ano ang iniisip mo sa asawa mo? Calm down, all right? Ang advance mo namang mag-isip."

Imbes na wala sana akong planong palawigin ang usapan, nawili ako sa problema ni Eula at nakalimutan ko ang akin. Saka ko lang naalala ang plano ko nang makatanggap ng text message mula sa lalaking nagpapagulo sa isipan ko.

**********

Jokim Thaddeus Zaldua

She wants us to meet. Paano ko sasabihin sa kanya ang totoo? Heto't may kasalanan uli ako. Kung bakit naman kasi of all excuses ay iyon pa ang naisip ko kanina. Dapat ay sinabi ko na lang ang totoo kay Dad. Problema ko pa tuloy kung paano pangangatawanan ang kasinungalingan ko without making her feel taken advantaged of.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang dumating na naman ang mensahe niya. This time nagkukuwento na siya tungkol sa dad niya at sa tampo niya rito for letting her find out the hard way na isa itong bakla.

QUEEN SERIES #4:  THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon