CHAPTER NINE

923 74 14
                                    

Felina Claudia Elizabeth Fernandez

Hindi ko alam kung paano siya sagutin. Hindi pa kasi dumating sa punto na masusukat ang totoo kong damdamin tungkol sa paksang iyon.

Well, does size really matter?

Sa tingin ko kung mahal na mahal ko talaga ang lalaki, hindi ko na maiisip iyon. Sa pagkakatanda ko kasi'y madikit lamang ang dulo ng daliri ko sa crush ko noon ay natutuliro na ako. How much more kung gawin na namin ang ginagawa ng isang couple? Palagay ko'y sobra pa sa tuliro ang mangyayari sa akin. Baka mapahiyaw-hiyaw na rin ako.

Siyempre, hindi ko naman masabi sa kanya iyon lalo pa't nasa harapan, sa driver's seat ang antipatiko niyang driver na pinaglihi yata sa simangot. Imbes na sagutin siya nang deretsahan ay natawa ako kunwari.

"Kung nagawa ng babaeng itanong sa iyo iyon iisa lang ang ibig sabihin no'n, she does not truly love his fiance. So if I were her I would end the engagement now. It's less expensive that way than go through an annulment later on," sabi ko pa.

Dahan-dahan siyang napangiti. Saka tumangu-tango. Hindi na siya nagbanggit ng tungkol doon hanggang sa makarating kami sa amin sa Legarda.

"Salamat sa paghatid sa akin, ha? I really do appreciate it," sabi ko pa.

Pabiro siyang nag-hand salute bago bumalik sa loob ng kanyang sasakyan. This time sa tabi na siya ng driver niya naupo. Hindi pa sila nakaaalis, nagsalita ang pinsan niya.

"Bakit ba nag-aabala pa tayong maging mabait sa tabachoy na iyon? Sino ba iyon?"

Hindi ko na narinig ang sagot niya. But his cousin's comment pierce through my heart like hell. Pagdating ko nga sa kuwarto ko ay iyon agad ang naging mensahe ko kay Lonely Boy. Sinumbong ko ang sinabi ng panget na pinsan ni JT.

"Don't be hurt by senseless comments of insensitive people. It's a projection. They say it because they are insecure themselves."

Natuwa ako sa sagot ni Lonely Boy. Na-imagine ko si JT sa kanya. Tingin ko kung binanggit ko iyon kay Jokim iyon din ang maisasagot no'n. Teka. Paano kaya kung si Jokim at si Lonely Boy ay iisa? Baka ginamit niya lamang ang picture ng pinsan niya? Kaso lang, bakit naman niya gagawin iyon? A lot of guys would go out of their way to enhance their looks and not vice-versa. Pwera na lang kung hindi date ang hanap nila sa isang dating app.

Hindi ko na sinagot ang mensahe ni Lonely Boy. I shut down my lap top and went downstairs. Plano ko sanang tulungan ang mom ko sa ginagawa niya, pero hindi ako natuloy sa kusina. Pababa pa lang kasi ako ng hagdan naririnig ko na ang galit na galit niyang boses. I could also hear a familiar male voice yelling at her, too. Ang daddy!

Papanhik na lang sana ako pabalik ng kuwarto nang bigla akong matigilan. Mom was hurling accusations at Dad. Nanlalalaki raw ang daddy ko. Teka. Did I hear it, right? Hindi ba dapat nambababae? Ang alam ko may ka-live in ito ngayon. Isang kolehiyala na pumapasok sa St. Scholastica. Paanong...

"Lower your voice!" galit na sigaw naman ni Dad kay Mom.

"Bakit? Ayaw mong may makarinig sa atin? Eh totoo namang iyang putotoy mo ay wala nang ginawang matino kundi mangpututoy din! Sana hindi ka na nagbalatkayo pa! Sana hindi mo ako pinaniwala! Sana----walanghiya ka! Papatayin kitang hayop ka!"

Nang marinig kong lalong napasigaw si Mom sa huli niyang tinuran, napatakbo ako sa kusina. Nakita ko si Dad na sinasaksak niya nang kung ilang beses ang kung ilang oras na dinisenyong cake ni Mom. Pati ako'y na-shock.

"Dad, stop!"

Saka lang ito tumigil sa ginagawa. Nang makita ako sa pintuan ay nabitawan niya ang kutsilyo at nakita kong tinakasan pa siya ng kulay. Ang mommy ko naman ay napahagulgol nang makitang durog na durog na ang cake na ilang minuto from now ay kukunin na ng buyer.

QUEEN SERIES #4:  THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon