CHAPTER THIRTY-FIVE

1K 69 14
                                    

Felina Claudia Elizabeth Fernandez

"Will you be my girlfriend?"

Ang ngiti ko ay napawi sa aking mga labi. I have to admit, I was disappointed. Hindi lang ako nagpahalata dahil siyempre, nakakahiya rin naman. Ayaw ko rin namang isipin niyang sobra akong atat sa marriage proposal niya.

"O-oo," kimi kong sagot. Napayuko ako pagkatapos.

"Yes!" napasigaw siya sabay suntok sa ere.

"Oy, ano ba?" At napalinga-linga ako sa paligid. Ang mga parokyano ng coffee shop na iyon ay napalingon sa amin. Nag-init ang mukha ko sa hiya. Si Jokim naman ay parang hindi naapektuhan. Ginagap pa niya ang kamay kong nasa mesa at dinala sa kanyang mga labi. As he was staring at me, he kissed it gently.

May gumapang na kung ano sa kamay ko at dumaloy sa buo kong katawan. May naramdaman akong warmth sa talampakan. Nawala ang pake ko sa paligid. Ang tanging importante lamang sa akin nang mga oras iyon ay ang lalaking kaharap ko. Never in my wildest dream did I ever think na darating ang araw na ito sa buhay ko. Daig ko pa ang tumama sa jackpot prize ng lotto.

"Hindi mo pagsisisihan ang pagsagot sa akin, Felina. Promise, I will protect you and make you happy."

Protect you and make you happy.

Ang haba na masyado ng hair ko. Palagay ko ay nadaig ko pa si Rapunzel this time.

"You don't need to promise, Jokim. Ayaw ko ng pangako. Ang daddy noon ay nangako ring si Mommy lang ang mamahalin niya. Look what happened."

Pinangunutan siya ng noo.

"Iba naman ang daddy mo sa akin. Sabi mo nga noon, your parents had a whirlwind romance. Tatlong buwan lang mula nang sila'y magkakilala ay napapayag na ang mommy mo na pakasal sa dad mo. Samantalang tayo---kelan nga tayo nag-meet? It seemed like ages ago. Ang tagal kong pinag-isipan kong ipu-pursue ko ang damdamin sa iyo. I even thought of discouraging myself from loving you. Kaso, iba pala kung ang puso na ang magdikta."

Parang sinilihan ang singit ko sa narinig. Kinilig ako nang sobra. Pakiramdam ko'y parang hinaharana. Pinagpawisan tuloy ako kahit hindi naman mainit sa loob ng cafe.

May katwiran siya. Ang tagal nga bago siya nagparamdam. Ilang taon. Akala ko nga'y mananatili lamang siyang isang pangarap.

"...you haven't confessed."

"H-ha?" Parang may sinabi siyang hindi ko narinig sa ingay ng mga bubuyog sa tainga ko at sa pagbalik-tanaw ko sa mga nangyari sa amin noong unang taong nagkakilala kami.

"I said I have told you I love you but you didn't tell me anything yet." And he smiled sheepishly. Napakamot-kamot pa ng ulo.

"Ah." At napangiti ako. Medyo nakaramdam din ako ng hiya na may kahalong excitement. Luminga-linga muna ako sa paligid bago bumulong ng, "I love you, too."

"What? I didn't hear you!" Pero ang lawak ng ngiti ng mokong. Pinaulit niya sa akin ang sinabi ko nang pabulong. Inulit ko naman. Hindi pa rin daw niya narinig.

"Ay, hindi ko na kasalanan kung bingi ka."

"One more time, please."

Pinagbigyan ko. Bumungisngis siya. Natawa naman ako.

Lumipat siya sa tabi ko at niyakap ako nang mahigpit na mahigpit.

"Teka. Nakakahiya sa mga tao."

"This is Italy. They don't give a damn."

**********

Jokim Thaddeus Zaldua

Nakitulog ako sa maliit na apartment ni Felina nang gabing iyon. And we did it. Not just once, twice, but multiple times! It felt like the first time again. Pakiramdam ko'y hindi ako magsasawa kailanman. I cannot wait to marry her so we can live together. Hinimok ko nga sana na magpakasal na kami doon para wala nang magagawa ang mga epal naming mga magulang. Ayaw niya. Respeto raw sa dad niya na ayaw na ayaw sa akin at sa mommy niya na parang gano'n din.

QUEEN SERIES #4:  THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon