CHAPTER SIX

950 74 15
                                    

Felina Claudia Elizabeth Fernandez

Para akong namalikmata nang makitang dumaan ang grupo ng mga basketbolista ng school namin sa aming harapan. Natigil ako sa pagsubo ng banana cue, dahilan para ulanin ako ng tukso ng mga bully kong kaibigan.

"Naglaway na naman si Taba!" nakangising kantiyaw sa akin ni Eula. Humagalpak pa ito ng tawa. Natalsikan ako ng caramelized sugar mula sa nginunguya nitong banana cue. Tiningnan ko siya nang masama.

"Kung patay na patay ka pa rin kay Mason, bakit hindi mo ligawan?" dagdag naman ni Shanitot. Isa pa ito, sa loob-loob ko. Inirapan ko rin siya. Si Keri lang ang ngingiti-ngiti habang sinasabayan ako sa pagtingin sa nagdya-jogging na mga players.

Pinagpatuloy ko ang pagkagat sa banana cue habang pasimpleng sinusulyap-sulyapan si Mason. Pumunta ang grupo nila sa Freedom Park at umikot sila sa basketball court roon. Dahil nakaupo lang kami sa ilalim ng puno sa harapan ng Science Building, kaharap talaga namin sila. Nabistahan kong mabuti ang kabuuan niya. At siyempre pa, ang ano. Medyo bumakat kasi ito sa suot nitong jogging pants. Ang sabi-sabi sa campus talaga raw pinagpala si Mason kung kaya kahit naka-loose na shorts o pantalon ay makikita talagang namumukol ang hinaharap nito. Iyon nga ang lihim kong pinapasadahan ng tingin. At tingin ko, tama ang haka-haka! Lalo pa ngayong medyo masikip ang suot nitong jogging pants.

"Wow, daks!" tili ng isang bading. May isang grupong humalakhak sa hindi kalayuan sa amin. Nakantiyawan ng grupo niya si Mason. Dedma lang ang hunghang. Tingin ko nga'y gustung-gusto nito ang atensyon ng karamihan sa ano niya. Nagkukunwari lang na hindi aware.

"Mason, crush kita! I love you!" tili ng isang mapangahas na estudyante. Nakilala agad namin siya. Isa siyang senior Architecture student. Tumayo pa ito at rumampa sa harapan ng court. Nagsigawan naman ang mga kabarkada niya. No'n lang tumigil sa kadidribol ng bola si Mason at humarap sa babae. Hindi ito lumapit pero hinarap ang girl.

"I love you, too!" sagot din nito sabay kindat sa girl. Tumili ang babae at nagtatatalon pa. Sinabihan nito si Mason na lapitan daw ito dahil hindi ito pwedeng magpainit. Kaka-facial treatment lang daw kasi. Napasinghap ako sa sinabing iyon ng girl. Halos hindi na ako makahinga sa kakahintay ng isasagot ni Mason. Wala pa'y parang tinutusok na ang puso ko.

"Sowie. It's a prank!" sigaw nito at nagtawanan sila ng kabarkada. Napa-ooh ang mga miron. Ang lakas ng tawa naming apat.

Namaywang naman ang girl kay Mason tapos napahalukipkip. Nagmamaktol itong bumalik sa mga kagrupo. Lihim akong napangiti. Buti nga. Itong Archi student na ito ay kilala talaga sa campus na over-confident. Kung sa bagay, may ibubuga naman. Pam-beauty queen ang height nito saka super kinis ng balat. Maganda pa. The more I look at her, the more I feel miserable. Gustung-gusto ko talaga kasi si Mason. Siya ang first crush ko sa campus. Ang dahilan din kung bakit nagdagdagan ang insecurities ko. Noong mataas-taas pa ang kompiyansa ko sa sarili, nagparamdam ako rito. pero bago pa ako maka-first base ay nasupalpal agad ako.

"Stop dreaming, Porky. Hindi ako mahilig sa lechon!"

Yes. He was that mean.

Sabi ni Eula, nagbago na raw ito. I doubt it. Kung bahagi na ng pagkatao ang pagiging mapanlait, mahirap iyong baguhin.

Kakaubos ko lang ng isang stick na banana cue nang biglang tumayo si Eula at lumapit sa court. Pero gaya ng Archi student, tumigil din siya sa may bandang abot ng lilim ng puno. Pagkakita ni Mason kay Yolanda, kumislap ang mga mata nito. Wala pang sinasabi ang kaibigan namin ay tumigil na ito sa pagdidribol saka hinarap si Eula.

"Mason!"

"Yes! I love you, too, Yolanda Ysadora Anai! Sinasagot na kita!" At akmang tatakbo na sana si Mason papunta kay Eula nang biglang sumigaw ang baliw naming kaibigan ng, "Tange! Hindi ako! Crush ka ng best friend kong si Fely!" At nilingon niya ako. "Felina, tayo!" sabi pa niya sa akin. Napatingin ako sa mga tao sa paligid. All eyes na sila sa akin. Nag-init ang mukha ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Kung noon ito nangyari, noong mga panahong buo pa kahit papaano ang kompiyansa ko sa sarili, mga panahong hindi pa ako nasupalpal na hindi siya mahilig sa lechon, baka ay na-appreciate ko ang guts ng kaibigan ko. Pero iba na ngayon. Alam kong walang pakundangang mang-insulto ni Mason. Natatakot ako sa maaari nitong sabihin sa akin sa harapan ng mga kaeskwela namin.

QUEEN SERIES #4:  THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon