Felina Claudia Elizabeth Fernandez
Nadaanan kong nanonood ng TV si Mom sa sala. Lalampasan ko na lang sana ito nang makita kung sino ang guest sa morning talk show! Si JT Zaldua! Kahit sa TV, ang ganda ng register ng mukha niya. He looked every inch a matinee idol. Daig pa niya ang ibang tinitiliang lalaking artista. Napasinghap ako nang mapatingin siya sa camera. Para kasing sa akin siya tumititig. Kakaiba ang dating ng bawat sulyap niya. Nakakakinig ng kalamnan.
"So, tell us, Mr. Zaldua. A lot of girls have been crushing on you. Sigurado akong marami sa televiewers natin ngayon ang naghihintay sa kasagutan mo sa tinweet na tanong ng ating masugid na tagapanood. Ano nga ba ang real score sa inyo ni Ms. Mira?"
Awtomatikong parang may pumiga sa puso ko.
"We saw your pictures together during your mom's intimate birthday party. You guys looked so bagay. Promise!" maarteng sabat ng isa pang host.
Nanggigil na ako sa tanong. The fact na nandoon din ako sa private party na iyon made the romantic issue even harder to swallow.
"We are just good friends. Yes, we used to be college sweethearts but that's all in the past."
Kumalabog ang dibdib ko sa sagot niya. Na-excite ako at siyempre, nagkapag-asa.
"So ang ibig mong sabihin ay mahilig ka pala sa mestisahing girl at slender?" kinikilig na tanong ng isang host na unang nang-usisa sa real score diumano nito at ng pintor.
Ngumiti si JT. Napasinghap ang audience. Ang iba'y halatang tila nagpipigil sa paghinga para hindi ma-miss ang sagot ng binata. Isa na ako sa mga iyon.
"That was before," pahayag nito. Hindi na nakangiti. Nagtilian ang audience lalo na ang mga chubby at obese.
"Ang ibig mo bang sabihin, okay na sa iyo kahit hindi slender ang girl?"
He smiled. Pero hindi na niya sinagot ang tanong..
"Asshole," pabulong na komento ni Mom at pinatay nito bigla ang TV. Napakurap-kurap ako at nagkunwaring napadaan lang. Dederetso na sana ako sa kusina para mag-breakfast nang magkomento siya. "I do not want you to see him anymore kahit ano pa ang sabihin ng daddy mo tungkol sa kanya. At h'wag na h'wag kang sumuway sa akin! I know his kind. At hindi sila magiging mabait sa isang kagaya mo!"
Napa-about face ako kay Mom. Hindi ko itinago na nasaktan ako sa mga sinabi niya. "What do you mean, kagaya ko?"
"You know what I mean! H'wag ka nang magmaang-maangan pa riyan. I know you have the hots for him. Stop it. Masasaktan ka lang! He's only good to you because your dad say so. Alam kong kahit papaano ay tinulungan siya ng daddy mo sa career niya. Without your dad, he's a nobody!"
"Hindi iyan totoo, Mom. He is a good life coach. Katunayan, ang dami niyang kliyente. He's good at what he's doing. He's inspirational!."
"Good at what he's doing? Inspirational?" Mom scoffed. "Ang sabihin mo, magaling siyang mambola ng gullible niyang mga kliyente. Sabihin mo nga sa akin, may kliyente ba siyang straight men? Hindi ba puro mga matrona, hopeless romantic college girls, at bading ang lumalapit sa kanya? And it's not because he's a good life coach! It's only because he's hot!"
Napasimangot ako. Sa isang banda kasi'y tama si Mom. Wala nga akong nababalitaang straight guy na kliyente ni JT Zaldua. Pero ang tingin ko naman doon ay dahil sa nature ng kulturang Pinoy. Most Filipino men don't feel comfortable asking for help. Not from a life coach!
"Malaman ko lang na patuloy ka pang nakikipagkita sa kanya, lagot ka sa akin." At inunahan na niya ako sa kusina.
"I'm already twenty-three years old for crying out loud!"
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #4: THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]
RomanceFelina Claudia Elizabeth Fernandez has always been secretly embarrassed of her weight. From among her circle of friends, she has always been the chubbiest one. She blamed her weight for not having a suitor. At first, she is not bothered about it. Bu...