Felina Claudia Elizabeth Fernandez
I should be happy. The hottest guy in PBA is giving me his undivided attention! Ito ang matagal ko nang pangarap since I saw him in our college orientation program. Kinilig ako nang todo nang bigla na lang siyang lumingon sa amin ni Yolanda. Kaso nga lang at that time, mas si Eula ang feel niya kaya nakontento na lang akong tingnan siya at pangarapin mula sa malayo. But now, I have his interest. Nililigawan na ako at long last! Isipin mo iyon? Si Mason de Vera na crush ng bayan, nanliligaw na sa akin!
But why am I not ecstatic? Dapat ay nagsusumigaw na ako hanggang Pluto. Pero ba't gano'n? Wala nang thrill? Hindi na ako kinikilig gaya ng dati?
"Felina---or should I call you Fely?" Mason gave me his sweetest smile. Kumikislap ang kanyang mga mata habang sumusulyap sa akin.
"May tatawid na lola," sagot ko. Medyo naiilang sa lagkit ng tingin niya.
Bumalik sa highway ang atensyon niya at nag-slow down pa siya.
"Hindi ko alam na anak ka pala ni Tito Franz. Kaya pala mukhang pamilyar ka sa akin when I saw you in college noon."
Tito Franz. Nagulat ako doon, ah. It sounded like he was close to my dad. Sa totoo lang, medyo kinabahan ako dahil mahilig sa pogi ang ama ko. H'wag lang sana siyang magkamali.
"You know my dad?"
I prayed hard na hindi totoo ang nasa isipan ko.
"Yeah. He's friends with my dad since college. Nakikita ko siya sa tuwing may pa-party ang daddy sa amin. But I just never connected him with you." Sumulyap uli siya sa akin at ngumiti.
The gesture was far from what I usually get from Mason de Vera. Ilang beses ko na ngang nakurot ang sarili ko dahil parang nananaginip lang ako. How could a guy like him changed a hundred eighty degrees just like that? What gives?
He just never connected him with me.
Hindi na ako nagtataka roon. Sa totoo lang, lahat ng nakakakilala sa daddy ko'y ganoon din ang komento. Sino ba naman ang mag-aakalang magkakaroon ng katulad kong anak ang aking ama? Dad is a fashion icon of his generation. Health buff pa. Guwapo. Attractive. Walang mag-aakala na lampas na siyang singkwenta dahil sa napaka-youthful ng kanyang mukha. Idagdag pa ang kanyang pagiging malinis sa katawan. At laging mabango. Malayo pa lang ay mapapansin na siya ninuman.
"I know. I don't look like Dad."
"Oh no! That's not what I meant!" And he chuckled. Ang sexy ng tawa niya. Gayunman, hindi nakalampas sa pandinig ko ang mga sinabi niya. Pinangunutan ako ng noo. Ano ang ibig niyang sabihin? Not what I meant. Medyo nasaktan ako.
"You are pretty in your own right, Fely. Plus you have a very good skin."
Pretty in my own right. In short, panget. Lalong nangunot ang noo ko. Tama nga ang kutob ko. Ang hayop na ito! Kung hindi lang siya nagda-drive ang sarap hambalusin.
Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil nag-ring ang phone ko. It was JT.
**********
Jokim Thaddeus Zaldua
Grabe ang paninikip ng dibdib ko habang sinusundan ko ng tingin ang papalayong sasakyan ng hambog na PBA player na iyon. Gusto ko sana silang habulin, pero hindi ko na tinuloy dahil nakalagok ako ng ilang kopitang wine. Imbes na magmukmok sa isang tabi, I decided to go home.
Nakauwi na ang hinayupak na Rene sa bahay. Ang dami nitong kuwento, pero isa lang ang tumimo sa isipan ko. Nakarating na raw sa mga magulang ko ang kahibangan ko kay Felina. Napag-alaman din daw nila ang naging reaksyon ni Franz sa relasyon namin ng anak niya. And mom had only one word for me. Estupido!
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #4: THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]
RomanceFelina Claudia Elizabeth Fernandez has always been secretly embarrassed of her weight. From among her circle of friends, she has always been the chubbiest one. She blamed her weight for not having a suitor. At first, she is not bothered about it. Bu...