Felina Claudia Elizabeth Fernandez
Nagkahiyaan kami ni Jokim nang matapos ang halik. I was so shocked it happened na hindi na ako nakapagsalita. Nanatili rin siyang tahimik nang kung ilang minuto. I wanted to look at him to have an idea about what he was thinking, pero naunahan ako ng hiya. Nang tangkain ko later on, nahuli ko siyang nakatingin sa akin. His eyes showed warmth. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa nakita kong expression sa mga mata niya. Pakiramdam ko'y may something siya for me. Na-excite ako sa ideya na baka mutual ang aming nararamdaman. Gayunman, hindi ko nakayanan ang makipagtitigan sa kanya. Tila napaso ako sa mga titig niya kung kaya bigla akong napaiwas ng tingin. I stared at my hands on my lap. At naisip kong, 'shit, ni hindi man lang ako nakapagpa-manicure!' Natanggal na ang pulang nail polish sa ibang kuko ko. Ang iba nama'y buo pa pero hindi na shiny. Napakuyom tuloy ako ng mga kamay. Nakakahiya!
"I hope you are okay now. Please do not get mad at your dad. He has reasons for not telling you," narinig kong sabi niya habang namomroblema ako sa unpolished nails ko. Pagtingin ko sa kanya, naka-focus na sa harapan ng sasakyan ang kanyang mga mata. He was trying to start the engine as well. Hindi ko nagustuhan ang kanyang sinabi.
"My dad told everyone except me!" Tumaas ang boses ko kaya napasulyap siya sa akin in the middle of starting the engine.
"Huh?" ang tanong.
Napakagat-labi ako. At umiling-iling na lang. Tumingin ako sa labas ng bintana. Kung kanina'y na-excite ako sa kiss, ngayo'y naisip kong baka ginawa niya lang iyon to pacify my feelings. Gusto kong magwala. Gano'n na ba ang tingin niya sa akin? Isang charity case? Papakitaan niya ng maganda to make me feel better about what dad is hiding from me?
"Do you want to grab some food before going home?"
Pinangunutan ako ng noo. Every time I get mad at my parents, they would always ask me if I want food. Ano ang tingin ng taong ito sa akin? Ano ang tingin nila sa akin? Masiba sa pagkain?!
Pero the thought of food made my tummy growl. Napakagat-labi ako sa hiya. I was betrayed by my own body! Nakakabwisit!
"Okay. We'll grab some food," sabi ni Jokim. There was a hint of laughter in his voice. Nainis ako lalo sa sarili ko, but more at him.
"Gutom nga ako but I am craving for my mom's dishes. Sa bahay na lang ako kakain. Pwede mo akong i-drop sa sakayan ng bus papuntang España."
"Ill drive you home. Don't worry."
"No need for that. Baka may press con ka pa or what."
He shook his head sabay sabi ng, "Wala."
I wanted to insist on making him drop me at a bus station, but I stopped myself when I thought he might misinterpret my actions. Baka iisipin niyang nag-iinarte ako to get his attention or nagpapa-hard-to-get. Shit, baka iniisip na niyang dead na dead ako sa kanya! Totoo iyon, pero ayaw ko sanang maisip niya!
Hindi na lang ako kumibo. Wala na kaming masyadong napag-usapan liban sa traffic. But it was just a one-liner conversation. I feel good in his presence kahit hindi kami nagkikibuan. I could spend the rest of my life just sitting beside him doing nothing! And I wouldn't feel bored!
Napasulyap tuloy uli ako sa kanya. At nahuli niya ako. Nag-init ang aking mukha at pakiramdam ko'y isa na akong hinog na kamatis sa pamumula.
Pagdating namin sa bahay, halos mag-aalas nuwebe na ng gabi! Ilang oras ang tinagal namin sa traffic sa Taft and along UST. Pagkakita sa amin ni Mom na magkasama, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin. Hindi masyadong nagpakita ng emosyon niya ang mommy ko this time, but I could sense her anger.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #4: THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]
RomantikFelina Claudia Elizabeth Fernandez has always been secretly embarrassed of her weight. From among her circle of friends, she has always been the chubbiest one. She blamed her weight for not having a suitor. At first, she is not bothered about it. Bu...