Felina Claudia Elizabeth Fernandez
Hindi na kami nagsalita pa ni Jokim. Parang kapwa nakikiramdam na lang sa kung ano ang saloobin ng bawat isa. Damang-dama ko ang tibok ng kanyang puso dahil magkalapat ang aming dibdib nang mga oras na iyon habang isinasayaw niya ako sa isang lumang kanta ni Leif Garrett. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon dahil lumang-luma na ang awiting iyon. Alam ko lang ang singer dahil paborito siya ni Daddy. Para raw siyang si Justin Bieber ng mga kapanahunan niya.
Kahit wala nang sali-salita, I felt at peace. Mayroon pa kaming hindi pagkakaunawaan ng damuhong ito, pero panatag ang aking kalooban. Ganito lagi. Sa tuwing kayakap ko'y ibayong kapanatagan ang nararamdaman ko. I could be like this forever and not get bored.
"Ehem!"
Kapwa kami nag-angat ng mukha sa biglang lumapit. Si Mason. He was only looking at me. I hate to admit it but the bastard looked so handsome. Ang guwapo pa rin niya sa kabila ng kakaibang bihis! Siya lang yata sa mga bisita ang naka-jacket ng pang-business suit na maong ang kapares na pantalon. Gayunman, mukha pa ring kagalang-galang.
"May I have this dance with you, Fely? Favorite ko ang song na ito, eh. Sakto sa nararamdaman ko ngayon. I was looking for someone to love." Halos binulong na lang ni Mason ang huli niyang sinabi. Napakurap-kurap ako sa narinig. Years ago, this would have sent my heart to outer space sa kilig. Nakakainis. Five years too late.
Naramdaman ko ang pagpisil ni Jokim sa baywang ko. Na-sense ko rin ang biglang pag-init ng kanyang ulo. His eyes radiated anger.
Dahil ayaw kong gumawa na naman sila ng eksena katulad ng nangyari sa mansion nila Dad at Tito Niko sa Rizal, ako na ang nakiusap kay JT. I told him isasayaw ko lang saglit si Mason tapos ay babalikan ko siya. Napakagat-labi siya at tingin ko ay lalong nainis pero hindi naman ako pinigilan.
Mason was all smiles. Hindi ito nag-aksaya ng panahon. Agad na hinapit ang baywang ko.
"You smell so good, Fely. I like that perfume. And you look so gorgeous, too. My, oh my. Hindi ko alam kung bakit hindi kita pinansin dati noong college tayo. I wasted a lot of time!"
Naasiwa ako. Ayaw kong pinapaalala niya sa akin ang panahong nilait-lait niya ang hitsura ko.Ang daming bad memories ang napukaw noon. Parang narinig ko na naman ang tawanan ng mga kabarkada niya.
I felt kind of uncomfortable.
"Tama na ang pambobola. Nautusan ka lang naman ni Dad, eh."
Napamulagat siya at napatitig sa akin nang matiim. Tapos bigla itong naging defensive.
"Of course not! Hindi porke magkaibigan ang mga daddy natin ay maaari na akong utusan ninuman. I am my own man, Fely. Desisyon ko ito."
"Okay." At nagkibit-balikat na ako.
Gaano man ako ka pinupuri-puri ngayon ng damuho, hindi ko na ramdam. Iba na ang gusto kong mambola sa akin.
"Congratulations nga pala. Ang sabi ng dad mo ay natanggap ka sa isang scholarship abroad. Ang galing mo talaga! Ikaw na! Beautiful na, brainy pa."
Napatingin ako sa unahan. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Dad. He raised his wineglass to our direction and emptied it. Napalingon din sa kanya si Mason.
"Your dad is one cool guy. Gusto ko ang daddy mo. Chill lang siya. Hindi kagaya ng erpat ko na halos ay humihinga na sa batok ko minsan. Nakaka-tense. Nakaka-pressure. Ang dami niyang demands. Nakakabwisit na."
"Ganyan din naman ang dad ko."
"Ows? Ang bait kaya ni Tito Franz."
Hindi na ako nakipagtalo pa. I couldn't wait to be done with the dance. May gusto pa akong balikan. A part of me is kind of scared. What if na-bore siya at lumayas na? Walang interesanteng tao sa paligid. Puro artist. And they are all talking, bragging most of the time of their so-called masterpieces!
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #4: THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]
Roman d'amourFelina Claudia Elizabeth Fernandez has always been secretly embarrassed of her weight. From among her circle of friends, she has always been the chubbiest one. She blamed her weight for not having a suitor. At first, she is not bothered about it. Bu...