Felina Claudia Elizabeth Fernandez
I felt kind of awkward habang binabaybay namin ang EDSA patungo sa aking destinasyon. Nakadagdag ang lakas ng aircon sa kotse niya para lalo akong lamigin. Habang seryoso siyang nagmamaneho, napapasulyap ako sa kanya. Side view pa lang ulam na. Ang guwapo niya talaga! Walang binatbat si Papa P. Paanong hindi ako maniniwala na may gusto siya sa akin? Ako, si Felina Claudia Elizabeth Fernandez gusto ng isang Jokim Thaddeus Zaldua? No! NEVER!
Tama ang daddy. Hindi ko dapat hinahayaan ang sarili na mabola ng isang katulad ni JT Zaldua. Eh ano kung parang convincing niya umarte? It doesn't change the fact that we are miles a part when it comes to physical attributes. Kahit sabihin pang ang bait niya, lalaki pa rin siya. Sabi nga ni Dad, men are visual creatures. Mas pinapahalagahan ng lalaki ang hitsura kaysa ugali kaya nga beautiful bitches always get hot guys including the sensible ones.
"I love you, anak. But I have to be honest with you. You are just kind, if you know what I mean."
Napakagat ako ng kuko sa daliri. Gusto kong umiyak, pero nahihiya akong maglabas ng sentiments kay JT. Ayaw kong kaawaan niya ako lalo.
"A penny for your thoughts?"
Nagkasalubong ang mga mata namin nang balingan ko. Mabilis akong umiling at tumingin sa labas ng bintana. I was thankful na nag-vibrate ang cell phone ko. I had reasons not to answer him verbally. Naging abala ako sa pagdukot ng CP sa bag ko at pagbasa ng mensahe no'n.
"Sorry to send this by text. You don't need to come for an interview. We already found someone."
Awtomatikong nag-palpitate ang puso ko.
Fvck! Anong found someone?! Hayop to, ah! Bakit hindi man lang ako tinawagan ng punyetang ito? Gano'n lang ba ako ka walang kwenta?
Pipindutin ko na sana ang call button nang ma-realize kong hindi ako nag-iisa.
"What's the problem?"
Natigilan ako. Hindi ko maamin na pati job prospect ay tinatrato akong parang basura. Baka lalo siyang mawalan ng bilib sa akin. Hindi na nga ako kaaya-aya, reject pa sa inaplayan kong trabaho. Mabilis akong nag-isip ng dahilan.
"Dad wants to see me ASAP." Pinalungkot ko na ang boses.
Napa-preno siya bigla. Naalog ako.
"Sorry for that. What?"
Inulit ko ang sinabi.
Napakagat-labi siya.
"You're already an adult, Felina. How old are you---twenty-two-twenty-three?"
"Twenty-three---almost twenty-four."
Pinangunutan siya ng noo. I have to explain na matapos ng senior high school ko, nagtangka akong mag-aral abroad. Hindi natuloy kaya hindi agad ako naka-enroll. Ang ending, nagka-gap year ako. Kaya medyo may edad na ako nang nagtapos ng college.
"You are already an adult, Felina. You don't even need your parents' written consent when you decide to get married. Bakit nagpapa-control ka pa sa kanila?"
Napalunok ako nang marinig ang salitang 'married'. Bigla akong nag-init. I felt some kind of excitement na hindi maintindihan. Napa-imagine tuloy ako ng kasal namin sa simbahan. The moment I thought about myself walking down the aisle to be with him in matrimony, I immediately scolded myself. Pinilig-pilig ko rin ang ulo para mawala iyon sa isipan.
"Your dad warned me not to --- see you."
Nagulat ako. "He did?!"
Tumango siya.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #4: THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]
RomanceFelina Claudia Elizabeth Fernandez has always been secretly embarrassed of her weight. From among her circle of friends, she has always been the chubbiest one. She blamed her weight for not having a suitor. At first, she is not bothered about it. Bu...