CHAPTER TWELVE

892 65 4
                                    

Felina Claudia Elizabeth Fernandez

Nalaman ng mommy na bumisita ako sa hospital kung saan naka-confine ang daddy. Minura ako nang minura. Hindi raw ako dapat naglalapit pa sa ama kong kahihiyan lamang ang dulot sa aming pamilya. Kung ang brother ko nga raw ay hindi sinipot si dad na kung tutuusin ay pinili nito noon na sumama sa aming ama, ako pa na sadyang pinaiwan sa mommy ko?

"I thought you did not give me to him? Iyan ang sabi n'yo noon sa akin," nalilito kong sagot. Iyon naman talaga ang paulit-ulit niyang sinasabi sa akin noon. She fought dad to get full custody of me.

"Ah, basta! Makinig ka sa akin! H'wag ka nang bumisita roon! Intiendes?"

Nanlalaki ang mga mata ni Mom. Kapag ganito siya, alam kong sobra siyang galit. Hindi na lang ako nagsalita pa. Sa mahinang tinig nagpaalam na akong pumanhik sa kuwarto ko. Bago niya ako payaganag umakyat doon, she made me promise na hindi ko na pupuntahan pa sa ospital ang dad. Malungkot akong tumango-tango.

Pagdating sa kuwarto, sakto namang may tumawag sa akin sa cell phone. Na-excite ako. Dali-dali kong kinalkal ito sa dala kong knapsack. Nang makita ko ang pangalan ni Yolanda sa screen, nadismaya ako. I thought it was Jokim. Ang sabi kasi kanina pag-alis ko ng room ni Dad, tatawag siya para sabihin sa akin ang lagay ng aking ama. Not that he was still in danger. Pero kasi tumaas ang blood pressure nito kanina dahil sa pag-eeskandalo ng asawa ng lalaking ka-live in niya.

Saglit ko lang kinausap si Eula. Nagtititili na naman ito tungkol kay Sir Maurr. Napangiti ako kahit mabigat ang loob ko kay Mommy. Paano ba naman, naghi-hysterical ang bruha kong kaibigan dahil sa nangyari sa mga feminine wash niya. Napagkamalan daw yata itong shampoo ng asawa niya at nangalahati agad ang kabibili niya lang.

"It was so expensive, damnit! I spent three hundred fvcking dollars on them! I-explain mo nga, Taba, kung paano iyon nangalahati na kahapon ko lang iyon binuksan! Kaninang umaga tatlong patak lang ang kinuha ko roon! Punyeta to the highest level!"

"Why don't you smell his hair?" pigil ang ngiting suhestyon ko. Nagkaroon ng patlang sa kabilang linya pagkatapos tumili na naman sa sobrang inis ang Yolanda. H'wag na raw akong dumagdag sa problema niya. Nilayo ko ang cell phone sa tainga at sinimangutan ang screen.

Iyon lang ang problema niya? Napailing-iling ako. Mabilis akong nagpaalam sa kanya at nahiga sa kama while staring at the ceiling. Ipinikit ko ang mga mata at pilit kong kinalimutan ang pagtutungayaw kanina ng babae sa ospital. Saka sinubukan ko ring burahin sa alaala ang imahe ng lalaking sinasabing pinagpalit ni Dad sa mommy ko. It was difficult for me to simply erase them from my memory. I thought about what Mom said about my father. Pati na rin ang mga pambu-bully na natanggap ko sa mga kaeskwela nang dahil sa kumalat na sex scandal ni Dad. Naghalu-halo ang emosyon ko at bago ko pa namalayan ay tumulo na ang mga luha ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal lumuluha. Pero nang bumangon ako para magbanyo at madaan ako sa salamin sa harap ng lababo, nakita kong namamaga na at namumula ang aking mga mata. Nahabag ako sa problemadong babaeng nakita ko sa salamin.

Natigil lang ako sa pag-e-emote nang makitang nagba-vibrate sa ibabaw ng kama ang cell phone ko. Pagkakita ko sa pangalang JT Zaldua parang tumalon sa tuwa ang puso ko. Hindi ko pa napapahiran ang mga panibagong luha sa pisngi, pero nakadikit na sa tainga ko ang phone.

"Are you all right?" tanong niya sa mahinang tinig. I knew he only meant to ask how I was. Na concern lang ito sa akin bilang anak ng pinaka-loyal niyang kliyente subalit nakiliti pa rin ako. Ewan ko ba. Simula kanina nang madatnan niya akong nakabukaka sa ospital gawa ng bruhang asawa ng lover ni Dad, parang nag-iba ang tingin ko sa kanya. Ang dating paghanga lamang ay biglang nag-level up. May matindi na akong pagnanasang nararamdaman sa kanya ngayon. Heto nga't narinig ko lang ang boses niya'y tila sinilaban na ang aking singit.

QUEEN SERIES #4:  THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon