Felina Claudia Elizabeth Fernandez
"Hoy, ano ba!" sigaw ko sa dalawa.
Nakakagulat. Ang bilis ng pangyayari. Kani-kanina lang ay nag-uusap kami nang matiwasay, tapos bigla na lang silang nagsuntukan. Binalingan ko nga si Jokim at pinagsabihan bago pa siya rumesbak uli sa galit na galit na Mason. Dumudugo na pala ang bunganga nito.
"Tama na! Ano ka ba!"
Iyon ang nadatnan nila Dad at Tito Niko.
Nang makita ni Mason ang pagdating ng daddy ko, bigla siyang parang naging maamong tupa at in-exaggerate niya ang sugat sa bibig. Pagkakita naman ni Daddy ng dugong umaagos sa bunganga ni Mason nataranta siya. He turned to Jokim and glared at him while fussing over Mason.
Sa puntong ito, walang ibang iisipin talaga ang nakakakita kundi sisihin si Jokim dahil siya ang walang sugat. Magaling kasing umilag, pero kung tutuusin he was provoked by Mason.
"Nagpunta ka rito para manggulo? What is it that you want? It is clear that my daughter has made her decision already," sabi sa kanya ni Dad through gritted teeth.
"I am not a trouble-maker, Franz. You know that. Pero alam mo rin na hindi ako umaatras sa laban when I'm being challenged." Kalmado ang boses ni Jokim. Sinulyapan niya nang isang beses pa ang umaarteng Mason.
Nang mga oras na iyon, nairita ako sa huli. Natanong ko nga ang sarili, ano ang nakita ko sa gunggong na iyon noon? Kung ilang taon ko rin kasi siyang pinangarap.
Naningkit ang mga mata ng dad.
"I saw what I saw. Ikaw ang nakita kong nanuntok. Halata naman, di ba? Duguan ang boyfriend ng anak ko, samantalang ikaw ay ni walang ka-galus-galos."
Napamulagat ako sa narinig. Boyfriend ko kamo si Mason?!
"Dad, hindi---"
"Let's go, Fely. Hayaan muna nating resolbahin ng daddy mo ang gulo." At hinatak na ako ni Tito Niko palayo sa kanila.
"Teka lang po!"
Umiyak ang kalung-kalong na baby ni Tito Niko. Natigil ako sa pagpupumiglas. Nagkatinginan kami ng batang paslit. Nang makita kong may nagbabadyang luha sa kanyang mga mata, napangiti ako sa kanya. Kumawag-kawag siya papunta sa akin kung kaya napilitan akong kunin siya kay Tito Niko. She hugged me tightly.
"Aba at mukhang miss na miss ang ate ah!"
The little girl buried her face on my neck. Kiniskis-kiskis pa roon ang mukha bago tahimik na inihimlay sa balikat ko ang mukha. I felt kind of guilty. I resented her but here she is, seemingly loving me. Na-touch ako sa gesture niya kung kaya nakalimutan ko ang kaguluhang iniwan sa living room.
**********
Jokim Thaddeus Zaldua
"I cannot believe you are the one saying all these, Franz. Ano ba ang nagawa ko sa iyo? I just fell in love with your daughter!"
"Let's stop fooling one another, JT. I know your type in women. At hindi gano'n ang anak ko."
"Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin? And I cannot believe I am hearing this from a father. Ikaw ang nagde-degrade sa anak mo, Franz! Are you aware of that?"
He smirked at me. Then, he turned to the bastard and put his shoulder around him. He apologized on my behalf. Umalma na naman ako, pero hindi na ako pinansin. Mayamaya pa, may dumating na gwardya and they escorted me out. I protested and told them I have to speak with Felina first but they did not listen to me.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #4: THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]
RomantikFelina Claudia Elizabeth Fernandez has always been secretly embarrassed of her weight. From among her circle of friends, she has always been the chubbiest one. She blamed her weight for not having a suitor. At first, she is not bothered about it. Bu...