CHAPTER TWENTY-FIVE

800 50 15
                                    

Felina Claudia Elizabeth Fernandez

I have to admit, sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin ni Dad, ang resentment, ang minsana'y sagutan din namin dahil sa mga choices niya sa buhay, hindi pa rin pala nawala ang imahe niya as an authority figure in my life kung kaya nang tumaas na ang kanyang boses sa amin ni Jokim ay nataranta ako. Jokim remained calm.

"You betrayed me." Mahina lamang ang tinig ng daddy pero tagos sa kalamnan ang galit at hinanakit nito kay Jokim.

Nakakuyom ang mga palad ni Dad sa kanyang tagiliran at ang bilis ng pagtaas-baba ng kanyang dibdib na para bagang tumakbo ito ng 100-meter dash. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin o sasabihin. Ang nangingibabaw sa akin ay hiya. Shit! Nalaman agad niya na nagka-sex life na ako! Gusto kong kutusan si Jokim. Bwisit siya. Bakit niya ako binuko.

Pumasok sa living room si Uncle Niko. Kalung-kalong niya ang anak nila ni Daddy.

"What's going on here? What's wrong, babe?" Nilapitan niya si Dad. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming tatlo. I lowered my gaze.

Pambihira! Mukhang hindi lang si Daddy ang makakaalam ng sekreto namin ni Jokim ngayon. Mukhang malalaman na rin ni Uncle Niko. Nakakahiya lalo! Shit!

"Leave JT and me for a while, babe," masuyong sagot ni Dad kay Uncle Niko. He kissed their baby's cheek and then he glanced at me. "You, too. I'll talk to JT alone."

You, too. Para lang akong langaw, ah. Wala nang 'Fely, baby' o hindi kaya 'Fely, anak'. Hindi na ako nagprotesta pa. I did as I was told.

Naunang lumabas ng living room sina Uncle Niko at ang baby. Bumalik sila sa hardin. Ako nama'y nalito kung saan pupunta. Ayaw kong harapin ang mga bading na bisita ni Dad. Ayaw kong maokray. Lagi na lang kasing pinagdidiskitahan nila ang pagiging chubby ko. Minsan, may iba pang taklesa na magsasabing paano ako naging anak ni Franz? Fashionable at kagandang lalaki raw ni Franz para magkaanak ng isang nerdy-looking, chubby girl.

I let my feet guide me. Binuksan ko ang isang pintuan pagkaliko ko from the living room. Nakita kong nursery room pala iyon ng bata sa ground floor. Nalula ako sa ganda ng wall paper. Para akong nasa isang munting paraiso. Kulay rosas ang buong paligid! Naisip ko agad, did my dad also go out of his way to do the same for me when I was a baby?

Binalikan ko sa alaala ang mga nakagisnan kong baby pictures namin ni Kuya. None of us had a grand room like this. Ang alam ko, sa simpleng bahay lang sa Laguna noon kami unang nakatira. We lived in a house my grandparents had given to my mom. Isang simpleng townhouse lang iyon.

Bago ako ma-consume na naman ng jealousy, naisip kong struggling artist lang noon ang daddy. Pagpe-paint ang unang pinagkakitaan bago nagtayo ng sariling negosyo. In short, wala pa siyang pera hindi kagaya ngayon na mayroon na silang construction firm ni Uncle Niko. At mas negosyo ito ng kanyang asawa kaysa kanya.

Tinaboy ko sa isipan ang mga negatibong thoughts patungkol sa baby sister ko at inisip kung ano ang pinag-usapan nila Jokim at daddy. Paano kung nagsuntukan sila? Bubugbugin ba ni Dad si Jokim? I tried to imagine it. At sa halip na matakot at mabahala, may namutawing ngiti sa mga labi ko. I cannot imagine my dad being a basagulero. Wala sa kanyang character. Though Dad is not a typical gay man who shrieks like a crazy teenager when excited, he is still gay. Malambot kahit mukhang lalaking-lalaki. Awkward para sa kanya ang makipagsuntukan. Siguro kapag nangyari iyon, talagang lalabas ang pagka-bading niya.

Mayamaya, nag-ring ang phone ko. Natigil ako sa kaiikot sa loob ng nursery. Hinahanap na kasi ako ni Dad.

Nasa sala pa rin siya at mag-isa na lang na nakaupo sa isang mahabang puting coach na nakaharap sa isang dambuhalang TV screen. Pasimple kong inikot ang paningin sa paligid. Jokim is nowhere to be found!

QUEEN SERIES #4:  THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon