Felina Claudia Elizabeth Fernandez
Walang akong ill feelings sa kung kanino mang friends ko, pero hindi ko lang talaga matanggap na mas naunahan pa akong ng babytot naming si Shane na magkaroon ng boyfriend! My gosh! Ang slow-slow ko talaga! Pagong! Loser!
Gusto kong tumambling nang kung ilang ulit sa Freedom Park kung ang pagpagulung-gulong ko'y makakabawas sa nararamdaman ko ngayon. Nape-pressure ako dahil ilang buwan na lang at twenty-three na ako'y kabilang pa rin ako sa hanay ng mga never-been-kissed-never-been-touched.
"Hoy! Nakikinig ka ba?" siko sa akin ni Yolanda. Pinamamaywangan na niya ako ngayon. Napakurap-kurap ako sa kanya. Ano na naman ba ang pinagdadada ng babaeng ito? Kung si Ms. Mary na naman at si Sir Maurr, wala akong balita for her today.
"Sorry, I was busy attending my classes today. Wala akong juicy news for you," sabi ko.
Ngumisi siya sa akin. "Ano'ng juicy news ba ang pinagsasabi mo riyan? All I was asking you was sama ka ba sa amin mamaya? Magsa-samgyupsal kami nila Keri at Shane. Si Shanitot raw ang taya dahil sinagot na siya ni Thijs Jansen, I mean sinagot na niya si Blonde." At humalakhak si Yolanda. Ako nama'y parang maiiyak deep inside. Oo, inggit ako. Inggit na inggit.
"Later ba kamo?" Tiningnan ko ang orasan. Mag-aala-una pa lang ng hapon. Isa na lang ang klase ko. Mamayang alas tres iyon at matatapos kami ng alas kuwatro y medya. Pagkatapos no'n ay libre na ako. Wala akong panggabing klase ngayong araw. Ganunpaman, nang malaman ko ang dahilan ng celebration, nagdahilan ako agad.
"Ha? Ang killjoy mo naman. Ikaw din. Ayaw mong kumain ng grilled pork? O sirloin?"
Naglaway ako. Masarap kasi ang samgyupsal sa Morayta. Naisip ko pa lang ang kakainin namin doon humilab na agad ang tiyan ko. Pero natitiyak ko naman na kapag sumama ako sa kanila, lalo akong magse-self pity. Lahat sila ay may special someone. Kahit loka-loka ang Yolanda, tingin ko naman ay nahuhulog na rin si Sir Maurr sa kanya. Halata naman sa mga nakaw na tingin ni sir sa kanya sa tuwing hindi siya nakatingin. Si Keri naman, although wala siyang BF ngayon nagkaroon naman noon. Saka may mga manliligaw ang Keri-Keri. Hindi lang isa kundi tatatlo pa. Isa sa kanila'y kilala ring crush ng bayan sa campus. Taga-Architecture. Guwapo. Mayaman din. Although, siyempre, hindi kasing yaman nila Keri. Ako lang ang walang-wala talaga. Katunayan, pati sa Tinder ay inaayawan ako. Nakakainis. First try ko noong isang buwan nang una kong mabalitaan na baka sasagutin ni Shane si Thijs. Pero ganoon siguro talaga ang kapalaran ko.
"O, nasabi mo na ba?" bungad agad ni Keri pagkalapit niya sa amin ni Yolanda. Kay Eula siya nakatingin. Nasa isang concrete bench kami sa ilalim ng isang puno sa Freedom Park nang mga oras na iyon.
"Ayaw daw, eh."
"Ha? Ba't ayaw mo, Felina? Grabe ka naman, oo. Tapos na raw ang shooting n'yo ah." Ang sinasabi niyang shooting ay ang project namin sa Comm Arts. Kamakailan kasi ay kinailangan naming mag-shoot ng isang TV commercial for a product. It was a commissioned work at pinayagan din kaming iyon na rin ang i-submit naming pang-summative assessment sa isang major class. Comm Arts major kasi ako.
Sa akin na ngayon nakapamaywang si Keri. Habang pinagmamasdan ko siya hindi ko maiwasang hindi mag-wonder kung saan nito nilalagay ang mga kinakain. Halos pareho lang naman kaming matakaw sa food pero siya'y slender pa rin at ang mga curves ay in the right places samantalang ako ay---hay.
"Alam n'yo naman ang sitwasyon namin sa bahay. Hindi na umuuwi sa amin si Dad. I have to help Mom in her catering business. Pag-uwi ko sa amin, kailangan ko pang tumulong sa negosyo ng nanay ko. Kapag ginagabi ako ng uwi, nasasabon ako. Alam n'yo iyan, right?"
Napabuntong-hinga ang dalawa. Nang makita ko sa hindi kalayuan si Shane at kasamang naglalakad papunta sa amin ang boyfriend niyang Dutch exchange student, nagmadali akong mag-ayos ng mga gamit.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #4: THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]
RomanceFelina Claudia Elizabeth Fernandez has always been secretly embarrassed of her weight. From among her circle of friends, she has always been the chubbiest one. She blamed her weight for not having a suitor. At first, she is not bothered about it. Bu...