A/N: Pasensya na po kung madalang ang updates. Thank you po sa inyong suporta.
**********
FELINA CLAUDIA ELIZABETH FERNANDEZ
"Grabe! This guy is so guwapo talaga! Nang mamigay si Lord ng kgwapuhan, ang aga siguro nitong nagising para front row siya agad! I cannot believe there are men as guwapo as him roaming around Manila!"
"Ang swerte ng girlfriend nito! If I were her, ihi lang ang pahinga nito." At nagbungisngisan ang dalawang babae. Nilingon sila ng isang matrona sa harapan nila at pinatahimik. Ang ingay daw nila.
"Why don't you concentrate on the message, girls?" sabi pa ng ale. "Kung anu-ano ang binibigyan n'yo ng halaga!"
Hindi sumagot ang dalawa, pero nang tumalikod na ang matrona, ginaya-gaya nila ito at itinirik pa ang mga mata.
They are both mestiza-looking girls. Tingin ko mga college girls din sila katulad ko. I wonder kung kapitbahay namin sila o di kaya La Sallian. Ang aarte ng Tagalog accent nila. May kutob akong either taga-DLSU o Ateneo sila.
After a while, biglang natahimik ang dalawa. Nang binalingan kong muli'y nagkatinginan kami. They were looking at me with interest in their eyes. I felt uncomfortable. Umiwas ako agad ng tingin. Nang may nakipagsiksikan sa gawi namin, umurong na ako't pinagbigyan ko sila. I have a feeling kasi na na-recognize ako ng dalawa. Kailangan ko na tuloy lumayo sa kanila. Oo nga naman, no? Hindi malayong mangyari iyon dahil ilang beses ding bumalandra sa kung ilang tabloids at national dailies ang mukha ko gawa ng mga matatabil ang dilang reporters. Ayaw kong may marinig sa kanilang komento about myself. Sigurado kasi akong lalaitin nila ako.
Though my dad always reminds me not to believe other people's opinion about me, hindi ko pa rin maiwasan. Kaunting negative feedback lang ng ibang tao about my weight and my looks, bumababa na agad ang tingin ko sa sarili.
"Everytime I lose my self-confidence, my mom would always remind of this quote from an East Asian philosopher: A flower does not think of competing to the flower next to it. It just blooms. Have a good day, everyone! Thank you for coming!"
Dumagundong ang palakpakan ng audience. Napuno ang bulwagan ng MOA ng positive cheers at hiyawan ng appreciation for a wonderful talk. Kahit kailan JT Zaldua never disappoints, 'ika nga ng karamihan. Ang ganda na raw niyang panoorin, ang sarap pang pakinggan.
My heart was bursting with pride sa mga naririnig na pahayag ng satisfied audience. Kamuntik-muntikan ko nang ipangalandakan na kilala ko ang hinahangaan nilang life coach. Kaso siyempre, naunahan ako ng hiya at takot. Baka hiyain pa nila ako dahil sa inggit. H'wag na.
I was there because I missed him. Noong isang araw nang magkita kami sa labas ng building ng office nila Dad sa Makati, nagpakipot pa kasi ako. Sana isinantabi ko na lang muna ang pride ko.
Napahinga ako nang malalim. Gusto ko siyang lapitan ngayon, pero mukhang malabong makausap ko. Dinudumog siya ng mga tao, lalung-lalo na ng mga kababaihan. Karamihan sa mga ito ay mga college students like me.
Bago ako matuksong magpakapal ng mukha at lumapit kay Jokim, tumalikod na ako. I kept on reminding myself that this guy is the same man who made a fool of me online. Hindi biro ang ginawa niya sa akin. Niloko niya ako't pinaasa!
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang maramdaman kong nag-vibrate ang cell phone ko. Nang tingnan ko ang tumatawag, nakita kong si Eula na naman. Pagka-hello ko, humagulgol na ito. Nataranta naman ako. Bihira lang kasi umiyak ang babaeng iyon. Napatakbo na tuloy ako palabas ng venue para makahanap ng magandang signal.
"What's wrong?"
"Taba, where are you?"
Taba. Ibig sabihin, hindi pa naman between life and death ang sitwasyon. Hindi naman niya ako tinatawag na ganoon kung nasa seryosong problema.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #4: THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]
RomanceFelina Claudia Elizabeth Fernandez has always been secretly embarrassed of her weight. From among her circle of friends, she has always been the chubbiest one. She blamed her weight for not having a suitor. At first, she is not bothered about it. Bu...