CHAPTER EIGHT

922 73 14
                                    

Felina Claudia Elizabeth Fernandez

GRABE ang pamumula ng pisngi ng babae nang ulitin pa ni Jokim sa akin na hindi siya boyfriend nito. Nagmukhang hinog na kamatis.

Binalingan agad nito si Jokim at galit itong sinita.

"Hindi kita boyfriend? So ano ang ibig sabihin ng madalas nating pagkikita to have sex?"

Napakislot ako nang marinig ang sinabi ng girl, lalo pa ang paraan ng pagkakasabi niya nito.

Jokim scratched the back of his head. Tingin ko napahiya siya.

Hindi ako nagsalita. I waited for Jokim to say something about it. Although wala naman sana akong pakialam kung ginagawa nga nila iyon dahil they are both adults and at the same time mukhang may consent naman nilang dalawa, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil para bagang I was waiting for Jokim to deny it. Gustung-gusto kong ipagkaila niya iyon.

"Maui, stop. You're making Felina uncomfortable. Umuwi ka na sa inyo and we will talk about this on the phone later, okay?"

"No! We have to settle it right here, right now! Hindi pala kita boyfriend, ha? Pwes, huwag ka nang magpakita sa akin kailanman! Idildil mo kung saang mabahong p*ke iyang espada mong kulang na kulang sa talas!"

Nayanig ako sa narinig. Jokim seemed shocked at the vulgarity of her words as well.

Pagkasabi no'n ng babae tumayo siya at dumeretso na sa sliding door na nagse-separate sa private room saka sa kinakainan ng ibang customers. Marami-rami na ring FEU students ang nandoon and they were glancing at our direction from time to time. Siguro nase-sense nilang may nangyayaring confrontation sa loob ng silid na iyon.

As if those words were not enough, nang nasa bandang pintuan na si Maui, lumingon pa ulit siya sa amin. Nakabukas na ang sliding door no'n at naririnig na siya ng ibang kumakain doon.

"Ang yabang mo, Jokim! Juts ka naman! Yes, that's right! JUTS with a capital J! Tama lang ang pangalan mong JT. JUTS t*ti!"

Napamulagat ako. Sobra akong naeskandalo sa narinig. Si JT naman ay nagpipigil ngumiti. Hindi ko maintindihan ang lalaking ito. Dapat sana ay inaawat niya si Maui. Aba'y, nakatawag-pansin na siya. Marami-rami nang customers ng Jollibee ang napapahagikhik sa pinagsasabi nito.

"Aren't you going to say something to stop her?" asik ko sa kanya. Ako ang naiinis for him.

"Let her. Kapag galit ang tao, hindi mo dapat pinipigilan or else lalong manggagalaiti. Let her pour out all her emotions into her words. It will make her feel better afterwards."

Pero kabaliktaran ang nangyari kay Maui. Dahil tila walang epekto iyon kay Jokim, lalo itong nagalit. Hinarap nito ang mga customers na pasulyap-sulyap sa kanya.

"Kilala n'yo ang lalaking iyon sa loob? He's JT Zaldua, the hot life coach. There's a reason why he goes by the name JT. It's short for juts t*ti!. That's right, folks! Juts t*ti!"

Naghagikhikan ang karamihan sa mga customers. Pero kataka-takang Jokim seemed not affected. In fact, he even smiled at what Maui said about him. Napapailing na lang ako.

**********

Jokim Thaddeus Zaldua

"'INSAN!" sigaw ni Rene. May hawak itong dyaryo sa isang kamay.

Natigil ako sa pagbubutingting ng sasakyan sa garahe at hinarap siya.

"What are you shouting about?"

"Shouting-shouting about ka diyan! Heto basahin mo!" At pinagduldulan niya sa akin ang entertainment section ng isang kilalang dailies sa bansa.

Kinuha ko ang dyaryo sa kanya at binasa nga ang sinasabi niyang artikulo. Nakabalandra doon ang nakangiti kong picture na ginagamit ko for my website as a life coach. Pormal na pormal ang hitsura ko sa larawan. Naka-light blue long sleeves ako at itim na pantalon. Mukhang kagalang-galang. Kabaliktaran naman sa image ko roon ang isinulat about me.

QUEEN SERIES #4:  THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon