Felina Claudia Elizabeth Fernandez
Siniko ako ni Eula nang tawagin ni Jokim ang pangalan ko. Namilog naman ang mga mata ni Shane. Hindi siya makapaniwala. Nang makabawi sa gulat, napabaling ako sa mga kaibigan.
"Ako raw ba?" anas ko sa kanila.
"Oo! Dinig na dinig namin!" tumatawang sagot ni Eula. Kinikiliti na ako ngayon.
"Yes, Felina. Shall we have a photo together?" tanong pa ni Jokim.
Dumadagundong ang dibdib na napatayo ako at napalakad sa harapan. I caught some hostile glances from the self-proclaimed 'IT' girls ng FEU, sina Vivi at ang mga kaibigan nito. Hindi ko sila pinansin. Sinabi ko sa sariling enjoy-in ang moment kong iyon. Hindi naman kasi araw-araw na nabibigyan ako ng ganoong atensyon.
"Which professor required you to come here?" nakangiting tanong sa akin ni Jokim habang nagpo-pose kami sa camera. Kahit sa simpleng tanong na iyon, pinagpawisan ako. For a while ay nagka-mental block pa ako. Nakalimutan ko kung kanino kina Professor Ingles at Professor Linares ang guro kong nag-require sa aking um-attend ng talk ni JT Zaldua.
"Ah---I---I mean si P-Professor Linares. Prof ko siya sa media and culture," sagot ko after a few seconds pa. Embarrasing.
"Si Professor Linares pala. She's a nice lady," sabi nito.
Napatingin ako sa kanyang mga mata at naramdaman ko agad ang pagsikdo ng dibdib ko. Tingin ko hindi siya aware na ang ganda-ganda ng mga mata niya. Feeling ko rin ay wala rin siyang kamuwang-muwang na ang guwapo-guwapo niya. Lethal combination pala iyon. I mean ang guwapo na't hindi alam na guwapo siya.
"Hi, JT!"
Napalingon ako sa medyo breathless na boses ng propesor ko. Saglit na nagsalubong ang mga mata namin. For one split second, I felt like she sized me up. Parang hindi pa niya ako nakilala. Was I that impactless in class? Grabe naman ang propesor na ito! Nakakainsulto! Aba'y naka-dalawang klase na ako sa kanya, ah!
"Hi, Professor Linares. How are you?" bati ni Jokim at nakipagkamay na ito sa propesor kong bigla na lang ay pumagitna sa aming dalawa. Napaatras na lang ako bigla. Naisip ko, sabagay ay nakuhanan na kami ng kung ilang pictures. Okay na iyon. Babalik na sana ako kina Eula nang tinawag pa uli ako ni Jokim. "Felina!"
Nang lumingon ako, ngumiti siya. Iyong ngiti na nakakalaglag-salawal. Napalunok ako.
"Salamat! And I hope you enjoy my talk," sabi pa niya.
Si Professor Linares naman ay napatingin sa akin at bahagya akong tinaasan ng kilay. Pagkatalikod ko sa kanila, I rolled my eyes. The moment I sat beside Eula, kinurot nila ako nang kinurot ni Shane. Ang landi-landi ko raw!
Ngingiti-ngiti lang ako. I felt like I was the most beautiful girl in the auditorium at that time. Life is good. Naniniwala na ako sa kasabihan na ang buhay ay weather-weather lang. Tingin ko, that was my time to shine. Naiihi ako sa kilig!
**********
Jokim Thaddeus Zaldua
As I was delivering my talk, paminsan-minsan ay napapasulyap ako kay Felina. Hindi ko makakalimutan ang sinabi ng dad niya noong isang araw. This girl is his precious little daughter. The last person in the family who does not know his true sexuality. Sa mga mata ng babaeng ito ang kanyang ama ay isang babaero, philanderer, playboy, player, mahilig sa chicks, fvck boy...Wala siyang kaalam-alam na nagsusuot pala ng palda ang ama sa gabi. Poor her.
"Bakit ba mukhang sobra kang affected sa matabang babaeng iyon?" pang-aasar sa akin ni Rene kaninang paalis kami ng bahay. Nabanggit ko kasing medyo nag-aalala akong malaman ni Felina ang tunay na pagkatao ng kanyang ama at magkaroon ito ng malaking impact sa kanya. Kung siya raw ang masusunod, hindi niya pag-aakasayahan ng panahon ang dalawa. Hindi ko na naman daw kliyente si France. Tapos na ang sessions namin. At lalong hindi ko kliyente si Felina. So what's the problem kung basta ko na lang banggitin dito? Mas mainam nga raw kung dumistansya na lang ako. Hindi ko alam kung bakit. But there is something in her that gravatates me towards her.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #4: THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]
RomantizmFelina Claudia Elizabeth Fernandez has always been secretly embarrassed of her weight. From among her circle of friends, she has always been the chubbiest one. She blamed her weight for not having a suitor. At first, she is not bothered about it. Bu...