Chapter 22
Gusto kong sabihin na okay lang pero may iba talaga akong nararamdaman. Lalong lalo na nung gabing nakita namin si Dash.
Aba naman e yung gago biglang tumakbo pagkatapos mag wala doon. Ako pa tuloy itong muntik na masisi dahil sa nangyaring gulo mabuti nalang mabilis kaming sumibat ni Yex.
...
Magulo ang paligid pero tahimik lang ako nagmamasid sa dalawang tao dito. Lunes na lunes ang gulo gulo dito sa classroom, magulo nga pero yung dalawang pasimuno lagi sa gulo ag tahimik lang na nakaupo. Magkatabi sila pero nagtatalikuran.
Tsk
Ano bang trip sa buhay ng mga 'to?
Akala ba nila natutuwa ako sa pinag gagawa nila?
Psh
"Babe.."
"Oh?"
Isa pa itong katabi ko na kanina pa nangungulit.
Magulo na nga yung utak ko kakaisip sa dalawang bugok na yon nakikila sali pa itong isang bubwit na 'to.
"I want to ask you something"
Lumingon ako sa kaniya saglit at saka tumango.
"Nahihiwagahan talaga ako sa kinikilos ni Kuya! He's being weird. I mean he is always weird but this is different!"
"Oh?"
"I know you care less about this pero kasi naman! Lagi ko siyang nakikita sa harap ng laptop niya like he is searching for something tapos bigla siyang magdadabog"
"Baka naman nasiraan na talaga yang kapatid mo"
Hindi malabong mangyari yon
Binalik ko ang tingin sa dalawang taong minamanmanan ko habang patuloy pa rin sa pagsasalita si Sab.
"Hindi e may something talaga. Diba nagkita lang kayo last week?"
Naputol na naman ang pag oobserba ko sa dalawa dahil muli akong napatingin kay Sab.
"Oo, naniningil ng utang"
"Utang? Eeeh?!"
"Wag mo ng pansinin yon malapit ko naman ng mabayaran nang buo yon"
"Weird" sabi nito at tumingin sa akin. Tumitig sa akin.
Para bang kinakalkal niya ang laman ng utak ko
"Lalong naging weird" at hindi siya pa rin inaalis ang kakaiba niyang titig sa akin.
"Wag mo nga akong titigan"
"Owkay" may mapang asar muna itong ngiti sa labi bago inalis ang tingin sa akin at nakipag daldalan na sa katabi niya.
Tsk
Istorbo
Alam na may importante akong ginagawa
At muli
Binalik ko ang tingin sa dalawa
Hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang posisyon nila kung paano ko sila nakita
Magkatabi pero magkatalikuran
Maling mali talaga
Weird
***
Lumipas ang oras hanggang sa mag lunch break kami pero hindi talaga nagkibuan ang dalawa.
Kaya naman itong dalwang ugok ang kasama kong kumain ng tanghalian.
BINABASA MO ANG
Pricess Charming (ON-HOLD)
Teen FictionHindi siya tulad ng iba Maraming nalilito sa pagkatao niya Mapababae o lalaki ay nagugustuhan siya She will never be your damsel in distress But She can be your PRINCESS CHARMING That will charm your heart in any possible way Do you want to know he...