Very short chapter :)
Chapter 8
Kumikirot yung ulo ko.
Pakiramdam ko may humamapas sa akin.
Mali
May humampas talaga sa ulo ko!
'Yung lalaking yon!
'Wag siyang magpapakita sa akin
Dalawang ulo niya ang bubukulan ko
Psh
Dahan dahan kong minulat ang mata ko
S-sandali! Kinapusan ata ako ng hininga!
Ang lapit!
Yung mukha niya ang lapit lapit!
"H-hoy. Anong ginagawa mo?" maangas kong tanong kahit na kinakabahan ako.
Bakit ba kasi ang lapit ng mukha nito sakin?!
"T-tinitignan ko 'yung sugat mo! Mukhang masakit"
"Natural! Gusto mo subukan ko sa'yo?"
"Why would I let you?!"
"Wala lang. Akala ko kasi gusto mong maramdaman 'yung sakit"
Bigla kaming natahimik. Wala naman kasi kaming paguusapan.
"Hoy. Salamat pala"
Marunong naman akong magpasalamat
Hindi nga lang halata.
"Ano 'yon?"
"Salamat"
"Ano ulit?"
"Isa pang paulit mo. Tatama na sa'yo 'tong kamao ko" banta ko. Pero tumawa lang siya.
Gandang ng ngipin. Kaasar
"Sorry"
Huh?
"Para san?"
"When I punched you"
Ahhh
"Paganti" nanlaki naman ang mata nito
"Why!?"
"Para naman maramdaman mo 'yung naramdaman ko"
"I already saved your ass!"
Ay oo nga
"Sinalo mo na lang dapat 'yung bote. Matutuwa pa ako sa'yo"
"No freaking way! I won't let anyone hurt me"
Wow
Ayaw masaktan
Takot
"Weakshit ka pala"
"I am not" nakasimangot pa ito. Para siyang si Sab.
"You are. Hinayaan mong babae ang masaktan kaysa sa sarili mo"
"Hindi ka naman mukhang babae" ako naman ang nagsalubong ang kilay.
Hayop 'to
Ngumisi ito sakin. Tapos inextend niya 'yung braso niya.
"I'm Yex"
"Alam ko" umirap ito sakin. Umirap!
"Oh common! Tell me your name!"
"At bakit?"
"Seriously!? Look! I'm trying to be nice here!"
Tsk
Ang arte. Gusto ba nito shake hands?
"I'm George"
Hindi ko sana kukuhanin 'yung kamay niya.
Kaso
Hinablot nito yung kamay ko
Ang lambot ng kamay! Kaasar
"So we're cool?" Tanong niya
"Yeah we're cool"
Ayos naman pala 'to
Weakshit nga lang
***
Tahimik lang kaming dalawa dito sa loob ng hospital.
Maya maya pa dumating na yung tatlo
Yung maiingay na tatlo
"George! Bakit ka nagpatama?!"
"Juskong bata ka! Aatakihin ako sa'yo!"
"Babe! What happened!?"Sabay sabay silang nagsalita. Kaya wala akong naintindihan.
Sa boses talaga nila sumasakit yung ulo ko. Hindi sa hampas sa akin.
"Ayos lang. Malayo sa bituka"
Tinignan nila ako. Yung tipong hindi sila makapaniwala sa narinig nila mula sa bibig ko.
"Epekto siguro ng pagkakahampas Tita"
"Susmaryosep na batang 'to!"
"Malayo nga sa bituka, utak naman ang napuruhan"Napapikit nalang ako
Kelan ba sila tatahimik?
"Kung gusto niyong mag ingay. Dun sa labas"
Sa wakas
Tumahimik din sila
Pero
Ilang segundo lang
Narinig ko na naman yung boses ng tatlo
Hindi
Apat na pala
Kausap nila si Yex
Mabuti 'yon at nang makatulog naman ako
***
"Ayos naman na siya sabi ng doktor"
Hmmm
Si mama?
Sinong kausap nito?
"Hindi pa siguro oras. Baka mabigla siya"
Iminulat ko ang mata ko. May kausap si Mama sa cellphone.
"Greg, nagkausap na tayo. 'Di pa handa si Georgina, wag mo sanang ipilit"
Greg?
Si Greg?
Tsk
"Mama!"
Kitang kita ko ang gulat sa mukha nito.
"Bakit kausap mo 'yan?!"
"Kinakamusta ka anak"
"Hindi ko kailangan ng panganagmusta niya. Sabihin mo wag na siyang tatawag!"
"Pero anak gustong humingi ng tawad ng tatay mo"
"Wala akong tatay!"
"Anak naman" kitang kita ko kung paano magsumao ang mukha ni mama.
"Ma naman. Hindi pa ba sapat 'yung pagpupursigi ko para di na natin kailanganin 'yang manlolokong 'yan?"
Tinakpan ko ng kumot ang buong katawan ko.
"Nakaya naman natin 'yung ilang taon na wala siya. Kaya hindi na natin siya kakailanganin pa"
Hindi na
Sapat na 'yung kami nalang
Hindi namin kailangan ang tulad niya
BINABASA MO ANG
Pricess Charming (ON-HOLD)
Ficção AdolescenteHindi siya tulad ng iba Maraming nalilito sa pagkatao niya Mapababae o lalaki ay nagugustuhan siya She will never be your damsel in distress But She can be your PRINCESS CHARMING That will charm your heart in any possible way Do you want to know he...