11

258 13 0
                                    

WARNING⚠️FOUL WORDS AHEAD⚠️

Chapter 11

San na ba ako napunta?

Sa sobrang asar ko kanina basta nalang akong sumakay ng jeep tapos napunta na ako dito sa likod ng mall.

Kung saan ako tumambay nung umalis ako sa trabaho ko

Mabuti nalang kakaunti nalang ang tao dito

Gusto kong kumalma

Alam ko

Hindi dapat ganun ang mga salitang binitawan ko

Pero nasasaktan ako

Nasasaktan ako kasi ilang taon namin siyang hinintay

Ilang taong kaming naghirap

Ilang taon kaming umasa na dadarating din siya

Tapos kung kailan tanggap na namin na hindi na siya babalik

Na iniwan na niya talaga kami, na mas pinili niya yung babae niya tsaka siya mag papakita

Anong akala niya samin? Tanga?

Tangina

Ayoko na ulit makita yung mukha ni mama na gabi gabi umiiyak

Yung mukha ni Tim na naiinggit kasi wala siyang tatay tapos yung mga kalaro niya meron

Ayoko na ulit makita yon

Kasi ang sakit

Ang sakit sakit!

"Hey"

"Shit ka!" Nagulat ako nang may sumulpot sa harap ko.

Sa mukha ko mismo

"Bakit ka nanggugulat dyan?!" Sigaw ko.

"Kanina pa kita tinatawag. But you seem so preoccupied"

Tinignan ko lang ito

Bigla kong naalala yung eksena namin nung nakaraan

Tsk

"Ayos ka lang ba?"

"Pag sinabi kong hindi. Sasamahan mo ba ako?"

"Saan?"

"Iinom. Samahan mo akong uminom"

"W-what?"

"Samahan mo lang ako. Tsk. Bilis"

Tumayo ako at iniwan siyang nakatanga sa pwesto niya.

"Sasama ka ba o hindi? Sabihin mo lang"

"I'll just go with you. But I'm not going to drink"

Tsk

"Bahala ka"

***

"Wala ka bang balak uminom?"

"I told. I don't drink alcohol"

Tsk

Kanina pa kami umiinom dito

Mali

Ako lang pala

Nakailang bote na ako ng alak

Pero siya juice lang ang tinutungga

Weakshit talaga

"Yex, may tatay ka ba?" Tanong ko na ikina bigla niya.

"Of course. I have"

Napangiti ako ng mapait

Pricess Charming (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon