Chapter 16
"Nilalagnat ako"
Yan ang paulit ulit kong sinasabi sa tuwing kinakatok ako nila Mama.
Second day ng Foundation Day namin ngayon pero wala akong balak umattend.
Pakiramdam ko may sakit talaga ako nahihirapan akong huminga at ang lakas ng tibok ng puso ko, isama mo pa yung mukha ko. Ang init init ng mukha ko.
Pagkatapos ng nangyari kahapon umuwi agad ako. Hindi ko alam kung paano haharap sa mga tao.
Ang walanghiyang yon!
Kingina
Nakakahiya mang sabihin
Pero kingina niya
Ninakawan niya ako!
Ninakaw niya yung first kiss ko!
Sa pisngi lang naman pero..
Babawiin ko yon!
I mean-- lagot siya sakin!
Kingina lang talaga
"George! Di ka ba papasok?" Rinig kong sigaw ni Tim mula sa labas ng kwarto.
Kaya naman pumunta ako s pinto at binuksan ito.
"Tara"
"Ha?" Takang tanong niya
"Gala tayo, libre ko"
"Talaga!?"
"Ayaw mo?"
"Ako pa ba!? Hintayin mo ako. Magbibihis lang!"
Napailing nalang ako nang makita kong kung paano siya tumakbo papasok sa kwarto niya.
Bumaba naman ako papuntang kusina para uminom ng tubig
"Anak, may sakit ka ba?"
"Wala naman, ma"
"Bakit ayaw mong pumasok?"
"Gusto kong ipasyal si Tim. Namiss ko rin yung batang yon"
"Sigurado ka ba anak?"
"Yes, ma. Don't worry"
"Mag enjoy kayo ng kapatid mo. Papasok na rin ako sa trabaho ko"
"Ingat, ma" humalik ako sa pisngi nito bago siya umalis para pumasok sa trabaho.
Mahigit isang dekada na rin ng magtrabaho si Mama sa opisina nung iwan kami ng tatay namin. Kaya naman hanggat maaari kung kaya kong kumuha ng part time job ginagawa ko, dahil alam kong nahihirapan na si mama sa trabaho niya.
"George! Ready na ako!"
Lalong lumawak ang ngiti nito nang makita yung suot namin. Pareho kami ng suot na damit, ultimo pantalon at sapatos parehong pareho.
"Mukha tayong kambal diba?"
Inayos ko lang ang pag kakatali ng maiksi kong buhok.
White shirt
Tattered black pants
White sneakers
Ako naman ang napangiti ngayon
Ganito talaga kapag lumalabas kaming dalawa, gusto kasi ng Tim ng kapatid na lalaki kaya naman kapag nasa labas kami hanggat maaari gusto niya pa reho kami ng suot na damit.
Inakbayan ko ito. Magkasing laki lang kasi kami.
"Namiss ko yung ganito George"
"Kaya nga babawi ako, tara na"
BINABASA MO ANG
Pricess Charming (ON-HOLD)
Teen FictionHindi siya tulad ng iba Maraming nalilito sa pagkatao niya Mapababae o lalaki ay nagugustuhan siya She will never be your damsel in distress But She can be your PRINCESS CHARMING That will charm your heart in any possible way Do you want to know he...