WARNING⚠️FOUL WORDS AHEAD⚠️
Chapter 13
Tahimik lang akong nag aalmusal habang sila mama at Tim ay kanina pa nag iingay sa tabi ko.
"Anak! Foundation Day niyo ngayon ba't ganyan na naman ang gayak mo?!"
"Ma, hayaan mo na angas kaya ni George"
"Tsitsinelasin kita Tim! Sinabing Ate ang itawag mo sa ate mo!"
"E Ma! Siya nga yung may ayaw e! Baka gusto niya talaga Kuya ang itawag ko sa kaniya"
Sinamaan ko nalang sila ng tingin habang umiinom ng gatas. Ang aga aga ang ingay nila.
"Ma, walang problema sa suot ko"
"Anong wala?! Meron! Malaki! Palagi nalang pantalon ang suot mo ni hindi pa kita nakitang nag suot ng skirt!"
Bigla kong naalala yung pinapasukan ko. Kapag nalaman ni mama na ganon ang suotan namin sa restaurant siguradong tuwang tuwa 'yon.
Mabuti nalang talaga at pansamantala lang yung uniform namin.
"Umamin ka nga sakin Georgina! Tomboy ka ba?!"
"Ma naman! Tsk. Papasok na nga ako" sabay labas na ng bahay.
Rinig na rinig ko mula sa gate yung sigaw ni mama. Kahit kelan talaga. Tsk
***
Napangiti ako nang makita ko ang buong paligid ng university. Maraming stalls na nakahanay sa paligid, may mga pagkain, palaro at pang souvenirs. May mga bandiritas din at may naririnig akong masasayang musika. Syempre hindi mawawala yung booth sa bawat classroom.
Mukhang pinaghandaan talaga nila.
Pero nawala ang ngiti ko nang may makasalubong akong nakakapangit ng araw.
"Santiago, mukhang good mood ka ngayon"
"Kanina good mood ako kaso nakita ko 'yang mukha mo, Salazar"
"Wag kang mag alala, matutuwa ka sa supresa ko sayo. See you later, Santiago"
Kumaway pa ito sa akin bago umalis.
Tsk
Ilang minuto pa bago ako makarating sa room namin. Ineenjoy ko pa ang paligid, minsan lang maging ganito kasaya sa lugar na 'to kaya sulitin ko lang.
"Hoy! Dalian mo Richardson! Wag muna tanga ngayon!"
"Di ko nga mahanap! San niyo ba nilagay?"
"Hey! Stop yelling hanapin niyo nalang!"Nangunot ang noo ko nang tignan ko silang lahat sa loob ng classroom. Nagkakagulo sila.
Anong meron?
"Bakit kayo nagkakagulo?"
Sabay sabay silang nagpunta sa pwesto ko at sabay sabay na nagsalita.
Wala akong maintindihan
"Pwede ba? Tumigil kayo. Sab, anong nangyayari?"
Sabay lingon kay Sab
"Yung costume na ginawa natin kahapon nawawala"
Nawawala?
"We didn't know what happened pero kanina pa namin hinahanap kaya lang wala talaga"
Mukhang may sumasabutahe sa amin.
Tsk
"Ayusin niyo muna yung paligid saka tayo magplano"
"Bilis!"
Wala na silang sinayang na panahon, mabilis silang kumilos para ayusin yung ginulo nila.
BINABASA MO ANG
Pricess Charming (ON-HOLD)
Genç KurguHindi siya tulad ng iba Maraming nalilito sa pagkatao niya Mapababae o lalaki ay nagugustuhan siya She will never be your damsel in distress But She can be your PRINCESS CHARMING That will charm your heart in any possible way Do you want to know he...