Chapter 3
Sabado ngayon kakatapos ko lang sa shift ko sa isa sa pinagtratrabahuhan ko. Pero wala akong balak na tumao sa bar. Ngayon kasi namin balak gumawa ng video presentation ni Sab, sa bahay raw nila. Tsk.
At ngayon papunta ako sa isang convenience store.
May bibilhin ako. Yung props na gagamitin namin.
Yung ano--yung condom!
Ewan ko ba kasi kay Sab. Pwede namang sa iba niya ipabili. Psh.
Ilang minuto pa akong nakatayo sa tapat nitong convenience store bago pumasok.
Kinakabahan ako e
Baka maissue ako
Pumunta ako sa harap ng counter. Nakatingin sa akin yung babae sa cashier.
Mali.
Nakatulala siya sa akin.
Anong problema nito?
"Ehem" peke kong ubo.
"Miss?"
"Miss!" Asar kong tawag dito. Bakit ba patanga tanga siya sa oras ng trabaho?
"Yes sir?" S-sir?! Hindi ako sir! Gusto kong isigaw sa kaniya pero nanahimik nalang ako at tumingin sa gilid ng counter.
Yung c-condom
Maraming klase. Iba't ibang kulay. Iba't ibang flavor. Iba't ibang size. At iba't ibang brand. Alin ba dito yung tama?
"Sir? Bibili kayong condom?" Nag peke ulit ako ng ubo.
"A-ano bang maganda dyan?" Sabay turo doon.
"S-sir?" Tinignan ko ito. Namumula ang mukha niya.
"I mean--magkano?" Psh. Ba't ba ako nauutal?
"150 isang box sir" kumuha ako ng pera sa wallet ko.
"Isa box lang" mabilis niya itong nai-punch pero nang iaabot na nito sa akin yung plastik may humablot nito sa kanya.
"What the fuck is this?" Tinignan ko siya.
Kilala ko 'to
Siya 'yon!
Yung sumapak sakin na Kuya ni Sab!
"Condom?"
"I know what the condom is! Why the hell did you buy this shit?" nagpapantig 'yung tenga ko sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Masyadong masakit sa tenga.
"Gagamitin namin ni Sab"
"What the fuck?!" Owkay? Nagsilabasan ang ugat nito sa leeg.
Ramdam na ramdam kong gusto niyang pilipitin ang leeg ko. At ganun din ako sa kaniya.
"Dami mong tanong. Tabi. Pupuntahan ko pa si Sab" sabi ko at lumabas na.
"You're not going anywhere!" Rinig kong sigaw nito at hinablot ang braso ko.
Leche. Namumuro na siya sakin.
"Kanina pa ako hinihintay ni Sab. Di na kami matatapos niyan!"
"What the hell?! You're still insisting to do it with her?! Fucking hell!"
"Because I am her partner! We are suppose to do it together!" Nanlalaki ang mata nito na tila ba hindi makapaniwala sa narinig.
"Putangina! Kapatid ko 'yang sinasabi mo!"
"Tangina ka rin! Project namin ang nakasalalay dito!"
"Project?! Walanghiya! Sex project?!"
Ako naman ngayon 'yung nanlaki ang mata.
BINABASA MO ANG
Pricess Charming (ON-HOLD)
Ficção AdolescenteHindi siya tulad ng iba Maraming nalilito sa pagkatao niya Mapababae o lalaki ay nagugustuhan siya She will never be your damsel in distress But She can be your PRINCESS CHARMING That will charm your heart in any possible way Do you want to know he...