Warning: errors
Chapter 5
"Kap! Namiss kita!"
"Angas mo ngayon Kap a!"
"Mukhang good mood!"
"Ako na magbitbit ng gamit mo Kap!"Tahimik lang akong naglalakad sa hallway kanina. Tapos ngayon makakasalubong ko 'tong mga 'to. At ang ingay ingay nila umagang umaga.
Inisa isa ko ang tingin sa bawat isa sa kanila.
"Grabe ka naman maka tingin Kap!" Sabi ni Denver habang pilit na kinukuha ang bag ko. Denver Fontalles, pinsan 'to ni Dash kaya pareho silang mukhang engot.
"Denver"
"Dash"
"Richardson"
"Matt"Natigilan silang apat nang tawagin ko isa isa ang pangalan nila.
"Siguraduhin niyo lang na wala kayong ginawang kalokohan dahil malalagot kayong lahat sa akin"
Sabay sabay silang napalunok ng laway nila.
"A-ano ka ba naman Kap! Syempre wala kaming ginawa!"
"Gusto ko lang namin pagsilbihan!"
"Tama! Tama!"
"Ikaw kaya favorite naming Kapitan"Sipsip ka talaga Matthew San Jose, siya ang kukumpleto sa F4, ang apat na Fuckers.
Isa sila sa grupo na laging sakit sa ulo ng mga teacher pati na rin sa akin.
Pasaway silang lahat
Di ko na sila pinansin at naglakad na. Inaaksaya lang nila ang oras ko.
"San ang punta mo Kap?"
"May pasok Dash. Sa tingin mo saan ako pupunta?"
"Sabi ko nga hehe"
"Kap! Kain muna tayo! Libre ko!" Sigaw ni Denver
"Busog ako"
"Hindi! Alam kong gutom ka! Wag ka na mahiya Kap!"
"Pag sinabi kong gutom ako gutom ako. Tsk. Umalis na nga kayo sa harapan ko. Sinisira niyo ang umaga ko"
Mabilis akong naglakad. At rinig na rinig ko ang pagtawag nila sa akin. Nakakairita sila. Ang aga aga sila agad sumalubong sa akin.
Pagpasok ko sa room. Tahimik ang lahat. Hmm. Himala. Bago 'to a.
Ginala ko ang paningin ko
Wala pa si Sab.
Kaya umupo na ako sa upuan ko
May narinig akong tumunog
Parang may nag crack
Tapos
Tapos....
Tangina
Bumagsak ako!
Kasabay nang pagsira ng upuan ko ang pagbagsak ko!
Dahan dahan akong tumayo. At tinignan silang lahat.
"Tangina! Patay tayong lahat!"
"Gago ka Philip! Bakit 'don mo nilagay!"
"Hindi ko alam! Gago! Yari tayo!"
"Magdasal na kayo tangina niyong lahat!"
"Shet talaga! Pakshet talaga!"Tinignan kong muli yung upuan. 'Yung nasirang upuan. Wala 'yung isang paa nito. Kaya pala.
Tinignan ko silang lahat.
Masamang masama
Kung pwede lang makapatay ang tingin
Patay na silang lahat
Dahan dahan kong inikot ang leeg ko. Sumasakit ang ulo ko sa kanilang lahat. Pati 'yung katawan ko masakit.
Lalong tumahimik ang paligid nang pumunta ako sa harapan.
BINABASA MO ANG
Pricess Charming (ON-HOLD)
Novela JuvenilHindi siya tulad ng iba Maraming nalilito sa pagkatao niya Mapababae o lalaki ay nagugustuhan siya She will never be your damsel in distress But She can be your PRINCESS CHARMING That will charm your heart in any possible way Do you want to know he...