Prologue
Life is like a battle field. You have to be strong to win the battle and be wise enough to outsmart them.
Dahil hindi pwedeng pa-petiks petiks ka lang sa buhay.
Napabuntong hininga nalang ako nang matapos na ang shift ko dito sa trabaho ko. Next destination. Iyong isa ko pang trabaho.
Yeah. Marami akong trabaho dahil kailangan 'yon sa buhay. Kung mahina ka walang mangyayari sa'yo.
5:00 pm
Hmmm. Di pa naman ako late at mabait naman si Mr. Chu kaya ayos lang.
"Hey! That's my bag! Give it back!"
"Somebody help me! Help!"
Napalingon ako kung saan nanggagaling yung ingay.
Isang babae
May hinahabol itong lalaki
Papunta sa direksyon ko
"Somebody help! You thief! Give it back!"
Thief?
Magnanakaw?
Psh
Mukhang mababanat na naman ang buto ko
Pinatunog ko ang daliri ko sa kamay at inayos sa pagkakaipit ang maiksi kong buhok.
Malapit na sila. Ilang metro nalang.
Konti nalang
Tinignan ko ang mukha ng lalaki. Tsk. Pangit na nga nakuha pang magnakaw. Ano pang maipagmamalaki niya?
Ayan na. Malapit na siya
Bago pa man ito lumagpas sa akin sinagi ko ang katawan nito kaya napahinto siya.
"Gago ka ba!?" Sobrang sama ng tingin niya sakin.
"San punta mo?"
"Wala kang paki umalis ka sa dadaanan ko!" Aish. Lalo siyang pumapangit kapag galit.
"Padadaanin kita. Ibigay mo lang 'yang bag sakin" napangiwi ako nang bigla itong tumawa. Kadiri siya tignan.
"Boy, kung gusto mong dumiskarte maghanap ka ng iba. Ako ang nauna dito" t-teka! Anong boy?! Gago ba 'to?
"Tigas naman ng ulo. Sabing akin na" napipikon na akong kausap 'tong isang 'to!
"Tangina ikaw 'yung makulit! Tumabi ka!"
Nakita ko ang pag amba nito ng suntok kaya inunahan ko na siya. Mabilis kong hinawakan ang braso nito at walang hirap na binalibag sa daan.
Napalakas yata 'yung balibag ko
"Ang ayoko sa lahat 'yung hindi nadadaan sa pakiusap" hinablot ko ang bag na kinuha niya at lumapit sa pwesto ng babae.
Tulala lang itong nakatingin sa akin.
"Sa susunod ingatan mo 'yang gamit mo" iiwanan ko na sana ito nang hawakan niya ang braso ko.
"A-ang gwapo mo" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Can you be my boyfriend?"
T-teka! Sabi nang hindi ako boy!
BINABASA MO ANG
Pricess Charming (ON-HOLD)
Novela JuvenilHindi siya tulad ng iba Maraming nalilito sa pagkatao niya Mapababae o lalaki ay nagugustuhan siya She will never be your damsel in distress But She can be your PRINCESS CHARMING That will charm your heart in any possible way Do you want to know he...