WARNING⚠️FOUL WORDS AHEAD⚠️
Don't expect too much. Naisingit lang dahil nagkaroon ng extra time. Enjoy!
Chapter 21
Masaya na sana akong naglakad sa hallway ng school. SANA, pero dahil nasalubong ko na namang itong hayop na Salazar na'to, uminit na naman ang ulo ko.
Lalong lalo na't kitang kita ko yung ngisi niya na talaga namang nakakasira ng araw ko.
"Good morning, Santiago"
"Saan ang good sa morning kung ikaw ang sasalubong sa akin?"
"Ang init talaga ng ulo mo, sinasanay lang kita na makita ako tuwing umaga"
"Hindi na kailangan wala naman akong balak na makita ka sa araw araw. Tabi nga! Sinisira mo araw ko" inis kong sabi bago lagpasan siya.
Habang nasa tapat ako ng room namin, hindi ko mapigilang manibago sa sobrang tahimik ng loob.
Tatlong araw narin ang lumipas simula nang mangyari yung sa police station, at tatlong araw narin ang lumipas simula nang magbago ang maingay at magulo naming klase.
Nagsimula ito nang maging tahimik yung F4, di namin alam ang dahilan at walang may nagbabalak na magtanong kaya para kaming maingat na nagkakapaan sa dilim. Takot na may magawang hindi maganda at maging magulo ang katahimikan na meron ngayon.
Napabuntong hininga nalangako nang makaupo ako sa pwesto ko.
Tatlong araw ng tahimik ang lugar pero iba ang katahimikan ngayon dahil maging si Sab ay nakayuko sa pwesto niya.
"Hoy. Anong nangyari sayo?"
"H-huh?"
"Anong 'huh'? Pati ikaw lingaw na rin?"
"Sorry naman, late ka kasi kaya hindi mo nakita yung eksena kanina"
Eksena?
"Ikwekwento mo ba o kailangan magtanong pa ako sayo?" Napangiwi ito bago bumuntong hininga.
"I actually don't undestand what happened pero kanina kinukulit nila si Dash then bigla nalang siyang nagalit kaya ayon nagalit din si Richardson hanggang sa nagkasagutan sila at nag walk out si Dash"
Binalingan ko ng tingin yung tatlo sa sulok, nakasalubong ang kilay nila Denver at Matt habang si Richardson naman ay nakayuko lang.
Ano naman kayang nangyari?
Sa dalawang taon naming mag kakasama, ngayon ko lang sila nakitang nag away nang ganito. Nakakapagtaka na ang isang tulad ni Dash na may mahabang pasensya ay magagalit nang ganon.
Natapos ang umaga naming klase nang purong katahimikan. Maging ang mga professor namin ay nanibago sa nangyayari sa amin.
"Babe! I want spaghetti with meatballs!" Pag aaya sa akin ni Sab habang naglalakad kami palabas ng building namin.
Tumango lang ako bilang sagot.
"Woah! Bago yan a! Napapayag agad kita?!"
"Gusto mo ba humindi ako?"
"Of course not. Pero kasi naman! Everyone is so weird lalo na kanina yung mga classmates natin parang sinaniban ng kaluluwa ni Celine. It feels so off!" She whined then pouted after.
"Although it feels good when they are quiet but we all know that it's not us"
Tama siya. Gustuhin ko mang matuwa na may katahimikan din sa wakas ang room namin hindi ko magawa dahil alam kong hindi kami iyon kung hindi kami maingay.
BINABASA MO ANG
Pricess Charming (ON-HOLD)
Teen FictionHindi siya tulad ng iba Maraming nalilito sa pagkatao niya Mapababae o lalaki ay nagugustuhan siya She will never be your damsel in distress But She can be your PRINCESS CHARMING That will charm your heart in any possible way Do you want to know he...