09

326 12 0
                                    

Chapter 9

Ilang araw na rin ang lumipas nang makalabas ako sa ospital

Okay naman na ako

Hindi na kumikirot yung sugat

Basta ba...

Hindi ko naririnig ang ingay ng tatlo

Sila lang naman ang dahilan kung bakit masakit ang ulo ko

Tsk

Andito ako ngayon sa room

Sinasamahan ko si Celine. Nagche-check kasi ito ng exam papers. At dahil ako ang Kapitan. Ako nalang ang sumama sa kaniya

"Celine"

Tawag ko dito

Kitang kita ko kung pa'no manginig ang kamay niyang pang check

Tsk

Wala pa akong ginagawa ganyan na siya

Anong akala niya sakin? Nangangain?

Di ko naman siya sasakmalin. Tsk

"Wag kang kabahan"

"H-hindi naman"

Hindi raw

Psh

"May alam ka bang mapapasukang trabaho?"

"H-ha? Anong klaseng trabaho?"

"Kahit ano basta 'yung may sahod"

Ang importante lang naman ay may pera akong makukuha.

Tinanggal na ako dun sa coffee shop

Kaya kailangan ko ng bagong part time

"O-oo meron. I-re-recommend kita kay Tita"

Napangisi ako

Okay pala

Pinatong ko ang kamay ko sa ulo niya

"Salamat" sabi ko.

Biglang namula ang mukha niya

May sakit ba siya?

***

Gusto kong magsisi.

Sa lahat ng ginawa ko sa buhay ko

Ito lang kaisa isang ginawa ko na pinagsisisihan ko!

Gusto kong magmura!

Gusto kong magwala!

Napatingin ako sa harap ng salamin dito sa comfort room

Baby pink off shoulder blouse

Black short skater skirt

Flat shoes

Nakalugay din ang maiksi kong buhok

May hairpin pang ribbon na kulay pink!

Pucha!

"George? Labas na hinahanap kana ni Ma'am" tawag sakin ni Mabel, nakilala ko siya kanina, 2 years na siyang nagtratrabaho dito.

Ilang beses pa itong kumatok bago ako sumagot. Dahan dahan kong binuksan 'yung pintuan. Kinakabahan ako. Ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito.

Ang gusto ko lang ay trabaho

Ang babaeng 'yon

Hindi ko alam na ganito pala dito!

Okay naman sana

Pricess Charming (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon