Ughhh!!! Yung feeling na mahaba na yung naisulat mo, tapos nawala lang. :((( i wanna cry!!!!!! Sorry kasi late. Nadelete kasi yung sinulat ko. Kaya kailangan kong mag isip ulit.
Chapter 22
Halos dalawang linggo na rin akong nagtatrabaho bilang yaya ni Zanty dito sa mansyon.
Nagtatrabaho ka nga ba?
Of course!
Continue tayo. Papansin kasi yung iba eh.
Ayun nga, dalawang linggo nakong nakatira sa mansyong ito. Hindi naging madali ang dalawang linggong iyun lalo na kapag nakasama mo ang magkapatid na Villaraza. Parang aso't pusa ang dalawa. Away ng away..
-Flashback-
"What's that?"
Napalingon kami ni Zandro mula sa aming ginagawa nung magsalita ang kanyang kapatid mula sa likuran.
"Scrabble." Seryosong sagot ni Zandro at bumalik ulit ang atensyon nito sa tiles niya.
Kanina pa kami naglalaro at feel ko matatalo na siya. Bwahaha. Kaya seryoso na siya ngayun at nag iisip ng mabuti. Siya na ang magfoform ng word. At mga 8 minutes na siyang nag iisip.. 8 minutes niya nang tinititigan ang tiles. After 10 years pa ata siya makakaform ng word. "This is really unfair. Life is hard without vowels." Nakaismid na sabi ni Zandro. Ang malas niya kasi pagdating sa pagbunot ng tiles. Ang papangit ng letters. Kanina pa siya nagrereklamo."Dapat may time to eh. Kanina pa yan. Tagal tagal mo mag isip." Pagrereklamo ko. Hindi namin pinansin si Drew na nakatayo sa likod ni Zandro. Mukhang tinitingnan din nito ang tiles ni Zand at nag iisip din kung anong word ang pwedeng iform.
"You can put RHYM before that letter E." Sabi ni Drew kay Zandro at tinuro yung letter E.
"Don't teach me." Inis na sambit ni Zandro at tinakpan ang tiles para hindi makita ng kanyang kapatid.
"8 minutes and you haven't form a word? Such a shame. It just took me 10 seconds." Pang iinis ni Drew dito. At mukhang effective naman ang kanyang ginawa dahil mukhang naiinis na si Zandro at nagpipigil lang.
"Ulitin natin. Nawalan ako ng gana." Sabi ni Zandro at ginulo ang mga tiles na nakaform na.
"Ang daya! Mananalo nako eh!" Walang hiya tong lalaking to ah. Palusot lang siya kasi wala na siyang maisip. Tapos ang posibleng word na pwedeng iform, nasabi na ng kapatid niya. Madaya talaga. "Ayoko na. Madaya ka."
"Blame Drew for that."
Tiningnan ko si Drew at tiningnan ito ng masama. Buti hindi ito nakatingin sa akin at nakatutok ang atensyon nito sa kanyang kapatid.
"Is it my fault that you're a dimwit?" Nakangiting saad ni Drew.
"Damn you. I'm not stupid." Inis na wika ni Zandro.
"Such a shame. Can't form a single word for 8 minutes. " Pag iinsulto pa nito lalo sa kapatid.
"Let's see if you can beat me in this game." Paghahamon ni Zandro kay Drew.
"Try me." Sabi ni Drew at umupo sa tabi ko. "You'll be the scorer Adriana." At inabot nito sakin ang notebook at ballpen. Hinalo halo na nito ang tiles at kumuha sila ng tig iisang tile para malaman kung sino ang mauuna.
"I got C." Nakangiting saad ni Zandro. "Stands for Cruz." Pahabol pa nito at kinindatan pa ako.
Mukhang excited ito dahil malaki ang chance niyang mauna. Ngumiti pa ito ng nakakaloko kay Drew.
"I got A."
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Zandro at inagaw ang tile kay Drew. Tiningnan nito iyun kung totoo ba na A nga yung nabunot niya.
BINABASA MO ANG
Rock, Heart, Baby!
Random"That's why you're here. I'm offering you a job." Napangiti ako sa sinabi ng poging lalaki sa harapan ko. Sa wakas magkakatrabaho na din ako. Kahit sekretarya lang, okay na sa akin. Pero napangiwi ako sa kasunod na tanong nito. "Will you be.."