Chapter 10
Napalingon ako nung may kumatok sa pinto. Palagi ba talagang may pumapasok sa kwarto na to?"Bukas yan." Malakas na sabi ko para marinig ng tao sa labas.
Hawak hawak ko ang kamay ni Zanty. Mejo friends na kami ngayun, hindi niya na ako sinasabunutan. Pero hindi ko sure kung ngayung araw lang to mabait o hanggang bukas o sa makalawa.
"Kain na po ma'am." Sabi ng babae na nakatayo malapit sa pintuan. Nakasuot din ito ng uniporme na kagaya kanina kay nana Rosy, pero mukhang bata pa ito. Mas bata ng onti sakin. 21 ako eh. Ito siguro, 19 pa lang.
"Ayy, wag mokong ima'am. Parehas lang tayo. Hehe." Sabi ko habang binubuhat si Zanty.
"Ahh, eh ikaw ho ba yung magbabantay kay Zanty?" Nag aalangan itong tumingin sa bata. Siguro natatakot din ito sa demonster na hawak ko.
"Oo, ako yung bagong yaya ni Zanty."
"Hindi kasi halata. Ang ganda niyo po kasi. Tapos kutis mayaman." Sabi nito.
Napangiti ako.
Flattered ang lola niyo! Maganda ako. Rinig niyo yun? Maganda.daw.ako!
"Ano ba, inuuto mo naman ako eh. Hehe. Pero salamat ha." Ngiting sabi ko.
Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa kaliwang bahagi ng kwarto ni Zanty. Alas onse na. Kailangan na ngang kumain. Anong ipapakain ko sa batang hawak ko? Kumakain na ba to ng kanin? Siguro kumakain na. Two years old na eh.
"Hindi po kita inuuto, hmmm. Ano nga po ang pangalan mo?" Tanong ng maid na hindi pa rin inaalis ang tingin sakin. Ganun ba ako kaganda? LOL!
"Adriana. Adri for short. Ikaw? Ano pangalan mo?
"Anne po. Ang ganda ng pangalan niyo, kasing ganda niyo po."
"Hindi mo sinasabi, artista ka pala." Nakangising sabi ko. Haha. Anne curtis.
"Pangalan lang po yung artista. Hehe. Bakit po ikaw yung yaya ni Zanty? Hindi bagay sayo ang trabaho." Prankang sabi nito.
Oo nga naman. Dapat sinabi niya to sa harap ng boss niya. Para naman malaman ng Drew na yun na hindi ako bagay maging katulong.
Gusto ko tong Anne na to.
"Mahabang kwento. Basta may utang ako sa boss niyo, at para mabayaran ko, babantayan ko tong anak niya." Sabi ko habang tinitingnan si Zanty na seryosong nakikinig sa usapan namin. "May itatanong pala ako sayo."
"Ano po yun?" Tanong ni Anne.
"Asan mommy ni Zanty?"
Natigilan si Anne sa tanong ko. Ano ba ang meron at parang nag iiba ang atmosphere pag tinatanong ko ang mga tao dito kung saan ang mommy ni Zanty? Ano ba siya? Monster din kagaya ng anak niya?
Malamang, ganun nga.
"Ahhh eh, hindi ko po alam. Sige po, bumaba na po kayo at nakahanda na ang pagkain." At nagmadali itong lumabas ng kwarto.
What's wrong with everyone?
Omg. Nagiging english speaking na ang subconscious mind ko.
Hinawakan ko ng maayos si Zanty at lumabas na din ng kwarto. Pinulupot nito ang kamay sa leeg ko. Natatakot sigurong mahulog mula sa pagkakahawak ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa loob ako ng magarang bahay na to. Magkano kaya ang ginastos sa pagpatayo nito. Ang ganda talaga. Siguro mga 60 million? Or kulang pa. Ang laki at ang ganda talaga eh. Mamahalin pa lahat ng mga gamit. Kailan pa kaya ako magkakaron ng ganito.
BINABASA MO ANG
Rock, Heart, Baby!
Random"That's why you're here. I'm offering you a job." Napangiti ako sa sinabi ng poging lalaki sa harapan ko. Sa wakas magkakatrabaho na din ako. Kahit sekretarya lang, okay na sa akin. Pero napangiwi ako sa kasunod na tanong nito. "Will you be.."