Chapter 15

193 7 2
                                    

A\N
And to make it up to you guys. I made this chapter longer than necessary. Sorry for the late update.

Read, vote, comment, enjoy!
xoxo <3
Chapter 15

Napamulat ako ng mata sa sakit ng aking ulo nung narinig kong may nagsalita.
"What happened to that college girl bro?"

Napadako ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa di kalayuan na mukhang naghihintay sa sagot ng lalaking nakaupo malapit sa may paahan ko.

"Go home Duke, it's 7:45 pm. Your girls are looking for you." Seryoso ang tono niya ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod siya sa akin.

7:45pm. Seriously? Ilang oras akong nakatulog? At sino ang nagdala sakin dito sa kwarto ni Zanty?

Ipinikit ko ulit ang aking mga mata at nagkunwari paring tulog. Ang sakit pa rin ng aking ulo. At nacucurious ako sa pinag uusapan ng dalawang to.

Chismosa lang?

Shh.

"You're changing the subject." Nakangising wika ni Duke. "You still like her, don't you? Look Drew, stop thinking about that mystery girl of yours and enjoy life with women around you. I have lots and lots of girls. Want some?"

Ulol.

Napapitlag ako nung marinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto.
"What the hell?! You sound like an ass. Are you really my brother? Don't listen to him Drew. I have more girls than that bastard. Prettier and sexier. I'm willing to give half to you."

Isa pa tong epal.

Hindi pa pala nakauwi ang mga ito? Wala bang trabaho ang mga kumag na to at naghasik pa talaga ng kamanyakan dito sa mansyon.

At halata namang andito lang sila para asarin si Drew, at ito namang boss ko, pikon. Hindi marunong makiride, minsan naisip ko na may posibilidad itong maging matandang binata. Ubod sa kasungitan. Kaya't gustong gusto siyang asarin ng mga kaibigan eh.

"Duke, will you do the honours of dragging your brother out of my house? Then kill each other. And go to hell."

"Chill dude. We're just helping you to get over with the girl who doesn't even know your name." Natatawang saad ni Luke.

"It's just unbelievable that she didn't notice you. You were popular, everyone knew you." Duke said.

"Except for this mystery girl." Wika naman ni Luke. "I haven't seen her before. What does she look like?" Pahabol pa nito.

"She's the most beautiful." Matipid na sagot ni Drew.

Ouch. Ang sakit nun ha. Tagos sa puso, abot sa buto.

"She's prettier than the HOT girl behind you?" Hindi ko alam kung sino sa kambal ang nagtanong dahil bigla akong kinabahan nung nasama ako sa usapan.

"What an ass. Haven't you heard he said MOST?" Wika ni Luke.

"You can open your eyes Adri, I know you're listening." Nagulat ako sa sinabi ni Drew, pano niya nalaman na gising nako? Siguro nagba-bluff lang siya. Magkukunwari pa rin akong tulog.

"Shhhh. She's sleeping. Don't wake her up." Si Duke ang nagsalita. "Can I visit her next week, dude? I like her."

Gago to ah.

"Don't. Even. Dare." Seryosong saad ni Drew. Mukhang mapakanib ang bawat salita na sinambit nito. Kaya biglang tumahimik ang kambal.

O. M. G. :D shets! Kilig ako.

Bakit ang tahimik? Wala bang magsasalita? Magsalita na kayo! Ang awkward.

"Why? She's not your girlfriend."

Rock, Heart, Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon