Chapter 5

67 5 0
                                    

A/N
I hope you'll enjoy this chapter :)

Chapter 5

Oh emm gee! Pati boses ang pogi. Lul Adriana. Kailan ka pa lumandi? Magtigil ka nga.

"Hmm. Yes?" Sagot ko. Yun lang ang sagot na nakayanan ng powers ko. Napaupo ako sa kama.

"I'll be needing your help. Can you meet me at Sylvia's? 11:30, lunch. Everyone knows that place. Take a cab." Sabi nito na parang nag uutos lang ng tauhan.

Kung ibang babae lang ako, sisigaw ako ng YESS!. Sexy ng boses eh. Lalaking lalaki. Pero syempre, i'm Adriana Cruz. Pa hard ro get pero gusto naman.

"Of course not. Sino ka ba?" Maarteng sagot ko. Ako pa ba to? Bat parang ang arte pakinggan?

"Such a terrible liar, Adri. Everyone remembers this voice. Don't act like you were not smitten with it." Narinig kong sinabi ng taong nasa kabilang linya.

"Alam ko kung sino ka, okay? Pero hindi ko alam kong sino ka."

Wait. What?

"I mean, hindi ko alam ang pangalan mo. Sino ka ba?." Napakunot ang noo ko sa mga sinabi ko. Nagmumukha akong tanga.

"Drew. It's Drew Villaraza." Sabi nito at binaba na ang telepono.

"Wait!" Pahabol ko pa, pero useless na. Ibinaba niya na ang telepono. Pupuntahan ko ba siya? Alam ko yung lugar, pero nagdadalawang isip ako. Pwede bang hindi na pumunta?

"Sylvia's po." Sabi ko sa driver ng taxi nung magtanong kung saan ako pupunta. Oo, pupunta ako sa lugar na sinasabi ni Drew.

Hindi ko alam bakit.

Nababaliw na ata ako.

Iniisip ko nalang na ang dahilan ng pagpunta ko ay dahil sa utang ko sa gwapong antipatiko. Yun nga ba ang dahilan Adriana? Napailing nalang ako. Oo, yun lang ang dahilan. Yun lang. Period.

Nasa labas pa lang ako ng restaurant, kitang kita ko na ang gwapong mukha ng lalaki. Mukhang inip na inip na ito sa kakahintay sakin.

Pumasok ako ng restaurant at nakita kong nag angat ng mukha ang lalaki. Hindi man lang ito tumayo. Nakalimutan kong hindi pala ito gentleman. Nakatayo lang ako sa harap niya nung magsalita siya.

"What are you waiting for? Sit." Supladong sabi nito.

Napaupo ako sa tono ng boses nito. Nakakatakot naman. "Anong kailangan mo? Sisingilin mo na ako? Wala akong pera. Wala akong trabaho, remember? No work, no money."

Naudlot ang pag uusap namin nung lumapit ang waiter at kinuha ang order namin.

"That's why you're here. I'm offering you a job."

Napangiti ako sa sinabi ng poging lalaki sa harapan ko. Sa wakas magkakatrabaho na din ako. Kahit sekretarya lang, okay na sa akin. Pero napangiwi ako sa kasunod na tanong nito.

"Will you be my son's temporary nanny?"

Parang binuhusan ako ng yelo sa narinig ko. Ang gwapong lalaking to, may anak na? Oh my. Ilang taon palang ba siya. Mukhang nasa mid 20's pa lang.

"Hey. I'm talking to you."

"Sorry nagulat lang ako" Sabi ko nalang sakanya. Bat parang nanlulumo ako?

"Don't be. So, do you accept my offer? If not, you'll pay for my car's damage." Ngumingiting sabi nito. Hayy. Ang gwapooo. Kaso may anak.

"Ang ganda ko naman para maging yaya lang ng anak mo." Pwede mommy nalang? Gaga Adriana. Saway ko sa sarili. "May choice pa ba ako? Kailan ako magsisimula?" Ngumiti ako ng pilit habang sinasabi ko yun.

Labag talaga sa kalooban ko ang magbantay ng batang bunga ng pagkasala.. I mean, bunga ng pagiging gwapo ng lalaking nakaupo sa harap ko.

"Tomorrow, if it's okay with you. He's two years old. You better take good care of him. Or else, you'll make another one for me."

Nabigla ako sa sinabi niya. Biglang uminit ang pisngi ko. Mabuti nalang hindi ako namumula.

"Nahh. I'm just kidding. Don't assume too much." Sabi nito sabay thank you sa waiter habang sineserve ang order namin.

Hindi ko pinansin ang pagkain kahit mukhang masarap. Nainis ako sa sinabi niya. Assuming daw ako. Wala naman akong sinabi ah. Nagmumukhang ilusyonada tuloy ako.

"Wala akong sinabi. Wag feeler." Sabi ko sabay tingin sa pagkain.

Tikman ko nga. Hmmm. Ang sarap. Nakalimutan kong may gwapong lalaki sa harap ko. Nilantakan ko agad ang pagkain. Heaven!

Rock, Heart, Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon