Chapter 9

72 6 0
                                    

A/N
Sorry for the late update. Exam week :)

Chapter 9

Tumingin agad sa mukha ko ang bata. Parang kinikilala niya ako. Yumuko ako at hinalikan ko ang noo nito. Hindi ko mapigil ang sarili ko. Ang cute kasi.

"Aray!!!" Napasigaw ako nung hinila nito ang buhok ko.

Kinukuha ko ang buhok ko mula sa pagkahawak nito pero hindi parin nito binibitawan.

"Zanty, bitawan mo buhok ko. Araaaaay!!!!!" Mas lalo pa nitong hinila ang buhok ko.

"Bad Zanty! Bad." Hinawakan ko ang kamay nito at onti onti kong tinanggal ang pagkahawak niya sa buhok ko. Dumistansya ako sakanya.

Tumingin ito ng masama sakin nung makuha ko ang buhok ko mula sa pagkahawak nito. Umupo ito sa kama.

Nagsukatan kami ng tingin.

Ang unang kumisap,

talo.

Syempre, talo ako. Sanay ata tong batang to. Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok.
Tiningnan ko muna ang bata bago tumungo sa pintuan.

Binuksan ko ito.

"Ipapasok ko lang po yung mga dala nyo." Sabi ng lalaki. Dinala niya ang maleta ko sa loob at iniwan dun.

"Salamat." Sabi ko nalang.

Lumabas na ito ng kwarto. Siya siguro si Dan. Yung inutusan na magdala ng mga gamit ko.
Bumalik ako sa kama.

Himala.

Nakaupo lang ang bata at tinititigan parin ako.

"Ako si Adri. Bagong yaya mo. Wag kang salbahe."

Nakatingin parin ito sakin na mukhang naguguluhan. Hindi niya ba naintindihan ang sinabi ko? Bat parang di niya ko maintindihan? Uulitin ko.

"Ako. Si. Adri. Bagong. Yaya. Mo. Wag. Kang. Salbahe." Ayan. Siguro maiintindihan niya na.

"Whath" Sabi nito. Ay ang cute ng boses! Maliit na mataas.

Teka. English speaking din?

0.o

Mukhang mapapaenglish ako nito. Wait. Mag iisip ako. Pano ba.

Hmmm.

"I'm Adri. Your new nanny. Don't you ssss... ss- you don't ssss. Salvage? ."

Wait what? Ano ba english ng salbahe?

Oh my.

Boblaks ko.

Nagulat ako nung bumaba ito ng kama at tumakbo. Huminto ito sa harap ng maleta ko. Mukhang pinag aaralan nito iyun. Napasinghap ako nung binuksan niya at kinalat yung mga damit ko.

"Zanty! Bitawan mo yan!."

Napasigaw ako nung makita nito at kinuha ang underwear na nasa maleta ko. Tiningnan niya ito ng mabuti. Tapos tiningnan niya ako, tapos ang panty, tapos ako.

Magkamukha ba kami ng panty ko?

Inismidan niya ako at tinapon ang panty at nagpatuloy sa paghalungkat ng mga gamit ko. Tumakbo ako at pinulot yung panty at nilagay sa bulsa ko.

Demonyito.

Ugh.

Dali dali kong binuhat ito. Aba, nagpupumiglas pa. Dinala ko siya sa kama at pinahiga.

Pero bumangon ulit at nagbabadyang bumaba ng kama.

Pinahiga ko ulit.

Bumangon.

Rock, Heart, Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon