Chapter 3

66 7 0
                                    

Chapter 3

"It's okay now officer, we'll try to settle this. You can leave us now." Ngumingiting sabi ng lalaki habang nakatingin sa mga taong nakapaligid samin. Nagsimulang mag alisan ang mga chismoso at chismosa. Biglang napunta sakin ang atensyon ng lalaki.

"So, do you have the money to pay for the damage? Ohhh. No need to ask that. Of course you don't have. I can't think of something you can do for now. But maybe i'll be needing your help in the future. My insurance will be the one to fix this. And you lady, you owe a lot from me. Now, give me your complete name and your phone number." Nakatingin lang ako sakanya, wala akong masabi. Ang pogi niya kasi. Tangkad, six footer ata. Maganda ang katawan. English speaking pa.

"And, stop drooling. Give me your name and your number. I have a lot of things to attend to. Don't keep me waiting."

Puno ng hangin bungo nito ah. Akala niya naman may gusto ako sakanya. Makaenglish nga din.

"Hey, you! Youu. You full of air in the head. My father told me not to give any information to strangers." Wow. Ilang ATP ang ginastos ko sa linyang yun? Sa lahat ng subjects, English ang pinakamababa ko. Hindi ko alam bakit. Siguro dahil magaling ako sa math?

Nagulat ata ang lalaki sa sinabi ko. Halata din na parang nagpipigil siya ng tawa. May nakatawa ba dun sa sinabi ko? Tama naman grammar ko ah. Di naman siguro ako ganun ka boblaks.

"Just hand over your number. No need for your name or what. Just your number, Adri." Napasinghap ako nung marinig kong binanggit niya ang pangalan ko. Sharp ng memory nitong kumag na to ah. Bilib ako.

"Okay okay. Pahiram nalang ng cellphone mo, ilalagay ko number ko." Nag aalangan ang lalaking ibigay ang cellphone nya sakin.

"Hindi ko itatakbo yung cellphone mo. Meron din ako niyan. Mas mura nga lang."

Malungkot, mabaho, madumi at gutom akong dumating sa bahay. Hindi maipinta ang mukha ng mga tao sa vulcanasing shop ng makita nila ako. Hindi ko na pinansin ang mga nagtatanong na tingin na ipinukol nila sakin. Bahala sila manghula. Basta ang pinaka kailangan ko ngayun ay pagkain. Dahil gutom na gutom na gutom ako.

Nagmamadali akong pumunta sa kusina. Una kong binuksan ang ref. Wow. May cake. Binili siguro ni papa to para icongratulate ako sa interview. Sorry, walang naganap na interview. Kakainin ko nalang. Kinuha ko ang cake at sinimulan ko itong lantakan. Gutom na gutom talaga ako.

"Ate!!! Bat mo kinain?! Para kay Cindy yan! Dalawang linggo kong baon yan eh. Hindi ako gumastos ng ilang linggo para jan." Pagrereklamo ng kapatid ko. Aba aba, mas nag aalala pa siya kay Cindy kesa sa akin. Ako ang ate niya. Mas importante pa ba ang Cindy na yun. Kinain ko pa rin ang cake hanggang sa malapit na itong maubos.

"Wala kang magagawa kung gutom ako. Mas nag aalala ka pa sa girlfriend mo kesa sa ate mo. Nakakatampo ka na ah." Sabi ko habang nakatingin sakanya. Inubos ko talaga ang cake. Grabe. Anong klaseng tiyan meron ako.

Napakamot sa ulo si Juno. Alam kong pinaghirapan niya iyun kaya mejo nakokonsinsya ako. "Hindi ko pa girlfriend si Cindy ate, nililigawan ko pa lang. Pero babayaran mo yang kinain mo ha. Bibili nalang ako ulit. Sa susunod, sasabihan ko si kuya Brando na bilhan ka ng cake. Para hindi ka na nang aagaw ng pagkain ng iba."

"Hindi ko babayaran to. Wala akong pera. Walang interview. Meaning, walang trabaho. Pano ba naman. Minalas ako sa daan. Muntik pakong makulong. At hindi ako kakain ng kahit anong manggagaling jan sa kaibigan mong mukhang ewan. Hindi natin alam, baka gayumahin ako." Ano bang pinakain ni Brando sa kapatid ko at parang botong boto ata ito sakanya? "At saan naman siya kukuha ng pera pambili ng cake? Wala ngang trabaho yun eh. Tambay lang ginagawa nun sa kanto."

"Anong walang pera ate? Eh palagi nga akong nililibre nun. Pati nga mga nagtatrabaho jan sa shop, nililibre niya. Dami ngang pera ni kuya eh."

Napatigil ako sa pag inom ng tubig sa narinig ko. Bigla akong kinabahan para sa kapatid ko. "Hoy Junjun, tigilan mo na ang pagbuntot jan kay Brando. Hindi mo alam kung saan kumukuha ng pera yun. Pano pag galing pala yun sa mga illegal na gawain. Malay mo nakaw lang yung mga pera. Pag naghuli yun, madamay ka pa. Sige ka."

Hindi naman sa pagiging judgmental na tao. Eh nakikita ko naman ang Brandong yun. Hindi ko nga nakikitang nagtatrabaho yun eh. Kahit kargador lang sa talipapa, tamad tamad kaya nun. May itsura nga, oo, gwapo pero. Oh my gosh. Call boy? Oh nooo!

Rock, Heart, Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon