Chapter 6

67 6 0
                                    

Chapter 6

"I bet you liked the food."

"Yeah. I bet I did." Haha. What the. Ako ba yun? Nahahawaan na ata ako sa engliserong to.

Sarap ng pagkain. Solve na solve ako. Buti nalang at restaurant ang naisipan nitong puntahan. Napangisi ako sa katakawan ko.

"Anyways, my son's kinda naughty. That's why i find it hard to look for someone who's willing to be his nanny for more than a month. I hope you can stay longer than that Adri, knowing you owe a lot from me." Sabi nito habang nakatitig sa mukha ko. "And you got spinach between your teeth." Habol pa nito na mukhang nagpipigil ng tawa.

"Excuse me." Sabi ko nalang at mabilis na tumayo. Nagmamadaling tinungo ko ang CR ng restaurant. Nakakahiya!! Tumingin ako sa malaking salamin ng cr. Tiningnan ko ang ngipin ko. Hah! Wala naman eh.

Ogags yun ah.

Naalala ko, wala namang spinach dun sa kinain ko. Kainis talaga yung lalaking yun. Makapang trip naman wala sa tamang lugar.

"Lakas mong mang good time ah." Sabi ko nung makabalik ako sa mesa namin.

"I was just kidding. That look on your face, it was priceless." Ngiting ngiti ito habang nakatingin sa direksyon ko.

Bat ang gwapo mo? Liligawan ko talaga to kung wala pang asawa. Kaso nga diba, may anak na.

Ayy. Adriana. Ang landi ha. Tigilan mo yan. Nakakita ka lang ng maladiyos na mukha, lumalandi ka na. Magtigil ka.

"I better get going Miss Cruz. I'll pick you tomorrow. If not, I'll ask my driver to get you. Same place. 8am sharp." Tumayo na ito at umalis.

Naiwan akong tulala sa upuan ko. Pano niya nalaman ang apilyido ko?

Sa pagkaalala ko, wala naman akong nabanggit na tungkol sakin. Wala nga kaming pormal na pakilala eh. Stalker?

Hindi ko alam kung pano ko sasabihin kela papa to. Ano sasabihin ko? Guys, mawawala ako ng ilang buwan, magbabantay ako ng bata. Ganun ba ang dapat kong sabihin? Hindi ako nagpharmacist para magbantay lang ng bata. Ano ba tong pinasukan ko?

Dumating ako sa lugar namin na wala sa sarili kaya

"Ay tipaklong na mukhang utong!" sigaw ko nung mapatid ako sa malaking bato. Ayan kasi, hindi tumitingin sa daanan. Napatingin sakin yung mga kapitbahay.

"Abay ngayun lang ako nakarinig ng tipaklong na mukhang utong ah." Sigaw ni Ben.

Shortcut for Bentong.

Hindi ko na pinansin ang pang aasar niya. Hayy nako. Kung ano anong lumalabas sa bunganga ko. Binilisan ko ang paglalakad. May isasampay pa pala akong mga damit.

Uminit ang ulo ko nung madatnan kong nasa sala si Brando kasama ang kapatid ko. Nakapatong pa ang paa sa upuan habang nanunuod ng tv.

"Aba feel at home." Napahawak ako sa bewang ko.

"Syempre Adri, malapit ko na ding maging bahay to. Diba tol?" Sabi nito sabay kindat sa kapatid ko. Ewness!

Tumango naman ang kapatid kong mukhang daga. Nalason na talaga ng lalaking to ang ulo ng bugwit. Arghhh! Nadadagdagan ang stress ko.

Biro lang. Ang gwapo kaya ng kapatid ko. Mana sakin.

"C9H8O4 ka pa!" Sabi ko kay Brando. Haha. Hindi niya maintindihan to for sure.

"I know that Adri. It's ASA ka pa. Chemical formula yan ng acetyl salicylic acid. In short ASA!" Nakangiting saad nito. "Hindi ako bobo."

Nagulat ako dun ha. Saan niya naman nakuha yun? Eh tambay nga yun sa kanto diba?

"Yan kasi ate. Masyado mong minamaliit tong si kuya Brando. Eh mas matalino pa yan sayo." Sabi ni Juno na hindi tinatanggal ang atensyon sa pinapanuod.

"Whatever. Makaalis na nga."

Mabilis akong tumungo ng kwarto. Nagbihis agad ako ng pambahay. Umupo ako sa kama at napaisip.

Nakapagtataka talaga ang Brandong yun. Paano niya nalaman yung sinabi ko kanina?

For sure, nakagraduate ng college yun.

Pero bakit tambay lang yun ngayun?

Baka kick out?

Hindi talaga nakagraduate.

O kaya, matalino pero nalulong sa droga.

Hindi din.

Hmmm. Matalino pero nakabuntis kaya hindi nakatapos at nagtatago ngayun sa baranggay namin.

Yun nga! Ganun! Genius ka talaga Adriana! I'm so proud of you!

Ah basta. Alam ko na ang sikreto niya. Akala niya ha. Mas matalino pa din ako. Makasampay na nga ng mga damit.

"Tulungan na kita sa sinasampay mo Adri. Halatang di mo abot ang sampayan eh." Insultong sabi ng lalaki sa likuran ko.

Hindi ko pinansin. Kunwari wala akong narinig.

Nagulat ako nung hinablot niya bigla ang damit na hawak hawak ko.

"Ay ang kulit. Bitawan mo yang damit ko!" Sigaw ko.

Binatawan niya nga.

"Bakit mo binitawan?!!" Mabilis kong pinulot yung damit na binitawan niya. Wala na. Madumi na ulit.

"Sabi mo bitawan ko eh."

"Hindi yun ang ibig kong sabihin! Ang ibig sabihin nun, iabot mo sakin! Common sense naman!" Naniningkit na ang mga mata ko sa galit. Walang common sense! May alam pang chemical formula pero ayyy ewan! Nahahighblood ako.

Mabilis ko siyang tinalikuran dala ang maduming damit. Lalabhan ko nalang ulit to sa banyo. Dinagdagan pa niya ang trabaho ko.

Rock, Heart, Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon