Chapter 19
"Shit. Kailangan mong magtago." Dinala ako ni Zandro sa harap ng malaking cabinet. "Magtago ka jan, dali."
"Bakit?"
"Basta." Sabi nito at isinara ang pinto.
Ang dilim.
Narinig kong naglakad ito palayo.
Alam kong binuksan niya ang pinto dahil tumunog ang knob nito.
"Mom!"
"Darling! You're here!"
Rinig ko ang masayang wika ng ina nito. Mukhang tuwang tuwa ang tinig ng ginang sa kanyang nakita.
Syempre. Ilang buwan ba naman silang hindi nagkita. Mga nanay talaga. Namiss ko tuloy ang mama ko :(
Drama pa.
Tse!
"Tell me Drew, what were you doing with the door?" Tanong ng ginang.
"I was just.."
"We were just having fun." Putol ni Zandro sa sinasabi ni Drew.
"Ohh Alezandro. I missed you so much! I couldn't sleep thinking where you've been."
"It's okay mom. I'm here now."
"I'll make sure your father wouldn't know you're here."
What the..
Spoiled ba itong si Zandro? Halatang paborito ng ina eh.
"Thanks. You're the best."
"Ohh darling. What do you want to eat? I'll cook, then you'll tell me everything, where you've been..who were with you..."
"Alright mom. Lead the way." Mukhang pinutol na nito ang sinabi ng ina.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng cabinet. "You okay?"
"Yeah. I'm fine." Sabi ko at inabot ang nakalahad na kamay ni Drew. Electricity ran through me when i felt my skin in his hand. He always gives me this kind of sensation.
Kaya napapaenglish ako eh.
"What did my brother do to you?" Seryosong tanong nito.
"Wala, pinapasok niya lang ako sa cabinet. Weird." Sagot ko sa kanyang tanong. Tiningnan ko ito ng maigi. Mejo nagdidilim ang kanyang paningin at mukhang inis na inis.
"Don't go near him. He's an asshole." Anito.
"Ikaw ba?" Tanong ko habang naglalakad palabas ng pinto. Sumusunod lang ito sa likod ko.
"At least I'm better." Napahinto at napalingon ako sa kanyang sinabi.
"Sus. Parehas lang kayong dalawa."
"I'm hotter."
Kapal. Pero totoo. Ewan! Parehas naman sila! Magkaiba lang. Ayyy. Naguguluhan ako.
LANDI!
"No comment." Wika ko nalang. Wala akong masabi eh. Ang gwapo niya kasi. Hehehehe!
Ipinihit ko ang door knob at tuluyang lumabas. Basa pa rin ang damit ko pero hindi na tumutulo sa sahig. Iniyikap ko ang aking braso sa aking katawan ng maramdaman ko ang lamig.
"Are you cold?"
"Hindi, naiinitan ako."
Okay, sarcasm. Halata naman kasing nilalamig ako tas magtatanong pa. Kung yakapin niya nalang kaya ako diba? Edi mas okay. BODY HEAT :)
BINABASA MO ANG
Rock, Heart, Baby!
Random"That's why you're here. I'm offering you a job." Napangiti ako sa sinabi ng poging lalaki sa harapan ko. Sa wakas magkakatrabaho na din ako. Kahit sekretarya lang, okay na sa akin. Pero napangiwi ako sa kasunod na tanong nito. "Will you be.."