A/N
I really enjoyed writing this chapter so i hope you'll like this one.Read and enjoy!
Chapter 13
Kumisap kisap ang mga mata ko nung tumama ang liwanag ng araw sa mga ito. Ramdam ko pa rin ang sakit sa bandang pwet ko ngunit hindi na ito kasing sakit kumpara kahapon. Bigla kong naalala ang mga pangyayari kagabi.Pinagalitan ako ng mokong dahil makati daw ang mga paa ko at hindi ako sumunod sa sinabi niyang 'stay there' at wag umalis sa kinatatayuan ko. Eh anong gagawin ko? Maghintay lang dun? Kailan pa ako nawalan ng freedom? Syempre sumagot ako, kailan lang ba ako nagpatalo. I told him to shut his mouth and get lost.
Joke.
Syempre boss ko pa rin yun. Ang sinabi ko sakanya ay: you're a control freak and stupid to fall in love with the girl who doesn't even know you exist!
Just kidding. I don't have the guts. Ang totoo nun, hindi ako sumagot dahil masakit ang puso ko sa mga nalaman ko mula kay Anne. Nanatiling tahimik lang ako habang ginagampanan ang pagiging yaya. I'm miserable.
Eww. Self pity. Kadirdir!
When will you learn to shut up?
Back to the topic. So, yun na nga. Nanatiling nakaplaster ang bibig ko sa buong gabi. Bumukas lang iyun nung kumain na kami ng hapunan. Syempre, hindi dapat tinatanggihan ang grasya kaya nakatatlong plato ako ng kanin. Hindi ko pinansin ang mga matang pabalik balik na tinitingnan ang plato at ang mukha ko. Tahimik na sinubuan ko ang batang nakatingin lang din sa akin. What's wrong with them? Nung gabing yun lang ba sila nakakita ng babaeng madami kumain? Pero I don't care. Masakit pa rin ang puso ko kaya tahimik ko pa ring pinaliguan si Zanty at pinatulog dalawang oras pagkatapos ng hapunan. Ako ang katabi ng batang matulog. Mabuti at hindi ito naging pasaway kagabi. Ibinaling ko ang atensyon sa batang mahimbing pa rin ang tulog. Nakasiksik ito sa kilikili ko. Nababanguhan ata ang bata sa kilikili ko.
Yuck.
Kontrabida.
Mabagal kong inalis ito sa pagkasiksik mula sa akin. Tinitigan ko ito ng mabuti. Mala anghel ang mukha nito, cute na cute ang ilong na halatang tatangos paglaki nito gaya sa kanyang daddy uncle. Bakit nasali nanaman ang mokong yun. Erase erase! Napakapula ng mga labi nito at makinis ang balat. Ang ganda naman ng dugong dumadaloy sa pamilya niyo. Almost perfect. Except for the attitude. Pero okay lang yun Zanty, dahil hindi ka matutulad sa daddy mong may manic disorder. Sisiguraduhin ko yun. Hinawi ko ang buhok na nasa noo nito. May pagkabrown ang buhok ng bata, pwede mong mapagkamalan itong half.
Half tao, half demonyo.
Joke ba yun? Haha! Funny. Ang korni mo!
Wala akong naririnig.
Gumalaw galaw ang bata. Napasinghap ako nung napunta ang kamay nito sa boobs ko ngunit tulog pa rin ito. Oh my. Wala akong bra. Pinisil pisil pa nito iyun. Omg Zanty, hindi ako ang nanay mo! Kinuha ko ang kamay nito mula sa pagkahawak sakin. May nakahawak na sa boobs ko! Noooo!
Nagulat ako ng bumalik ulit ang kamay niya. Nakakarami ka nang bata ka ha. Tinanggal ko ulit iyun. This time, hindi na bumalik. Good. Onti onting nagmulat ang mga mata ng bata. Brown ang kulay nito. Kumisap kisap ito ng onti. Ganda ng umaga mo ah, nakalibreng chansing ka pa. Bigla itong bumaba ng kama, at tumakbo palabas ng kwarto. Bumalik na naman ang pagkahyper nito.
Zanty!!! Nagmadali akong sumunod sa bata, ganito ba to tuwing umaga? Hindi ko na pinansin ang magulo kong buhok at manipis na puting t-shirt at shorts dahil pag nalaman ng boss na bipolar na tumakbo ang anak niya at hindi ko sinundan, tiyak na malalagot nanaman ako. Anong paa meron ang batang to at ang bilis tumakbo? Runner to paglaki. Hinabol ko ito hanggang sa makababa ng hagdan. Nakita nito na bukas ang pinto palabas ng bahay kaya mabilis itong tumakbo palabas. Ano ba ang problema nito.
BINABASA MO ANG
Rock, Heart, Baby!
Random"That's why you're here. I'm offering you a job." Napangiti ako sa sinabi ng poging lalaki sa harapan ko. Sa wakas magkakatrabaho na din ako. Kahit sekretarya lang, okay na sa akin. Pero napangiwi ako sa kasunod na tanong nito. "Will you be.."