Chapter 4

63 6 0
                                    

Chapter 4

Maganda ang gising ko ngayun, dalawang araw na ang lumipas bago yung car issue chuchu.

So far, so good.

Walang kumucontact sakin. Nakalimutan na ata nung lalaki yung nangyari. Mayaman naman siya. Kayang kaya niyang ipaayos yun.

Di kaya, bumili nalang siya ng bago. Hindi ko na din inisip yung naudlot na interview. Pasalamat nalang ako at hindi ako nakulong.

Kagabi lang nalaman ni papa ang nangyari. Kahapon lang kasi siya nakauwi galing sa lakad niya kasama ang kaibigan niya.

Nung una, nagalit si papa sakin kasi muntik nakong makulong. Sana daw hinayaan ko nalang yung lalaki at hindi ko na binato yung sasakyan. Mabuti daw at andun si Kuya Jun. Sa susunod daw, wag ko na uulitin.

Pero halatang naiinis si papa dun sa lalaki. Hindi niya lang pinapakita. Ganun talaga si papa, pag napapaaway ako, hindi niya ako kinakampihan.

Sermon lagi ang nakukuha ko. Ayaw niya kasing ulitin ko. May kasalanan din naman kasi ako, mejo war freak ako pagdating sa mga lalaki. Pero mahal na mahal ako nun. Only girl eh. ^_^

Maganda ang sikat ng araw, kaya maglalaba ako. Kinuha ko ang maduduming damit. Nag sleeveless lang ako at nagshorts, wala namang tao. Nagsimula akong magkuskos ng mga damit, kumakanta kanta pa ako nung may narinig akong nagsalita sa likuran ko.

"Ano yang sa likod mo? May dumi ata?" Sabi ng lalaking may kasamang pangungutya.

"Balat niya yan kuya Bran! Tara. Nakita ko na yung hinahanap ko!" Narinig kong sigaw ng kapatid ko.

Napatalikod ako.

"Balat? Malas daw yan ah. Tsaka ang pangit tingnan."

"Bugwit! Bat andito ang lalaking yan? Kailan pa yan natutong pumasok dito?" Tiningnan ko ng masama ang lalaking nakasandal sa pader na nakatutok ang tingin sakin. Ngumisi ito.

"Ayaw mo bang binibisita kita Adri?" Dumako ang paningin nito sa shorts kong maiksi. Manyak.

"Tumingin ka sa tamang lugar Brando. Baka dukutin ko yang mata mo."

Kabago bago palang nito sa lugar, abay kung sino nang siga. Tatlong buwan palang ito dito sa barangay pero marami nang takot sakanya. Pano ba naman, hobby ata nito ang mangbugbog.

Okay sana eh. Gwapo, matangkad, kaso ugaling imburnal. Ang bastos! Kung makatingin parang hinuhubaran ka.

"At wag mo ngang isama yang kapatid ko. Baka madamay pa yan sa mga kalukohan mo." Sabi ko sabay irap sakanya.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa mga labahin. Nagkuskos ulit ako ng mga damit. Hindi ko na pinansin ang dalawang lalaki sa likod ko.

"Ate, ganyan ba ang tinuro sayo ng mga magulang natin kung pano makipag usap sa bisita?" Seryosong tanong ni Juno. Napaharap ako sa kapatid ko.

"So, ikaw na pala ang ate ngayun, Juno? O sige, pagtanggol mo yang kaibigan mo." Nagtatampong sabi ko sakanya. "Magsama kayong dalawa."

Narinig ko ang mga yapak na papalayo nung dalaw. Teka. May hindi ako nagugustuhan sa mga nangyayari, bakit nagbabago ang loyalty ng kapatid ko? Ano kaya ang ginagawa ni Brando sakanya? Masundan nga sila. Binilisan ko ang paglalaba. Binanlawan ko na ang mga damit at nilagyan ng fabric conditioner. Mamaya ko na isasampay ang mga ito.

Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Hindi pa siguro sila natatapos sa laro nila kaya may oras pako. Nung makabihis nako, dali dali akong lumabas ng bahay nung marining ko si papa.

"Adriana, saan ang punta mo at bakit may towel pa yang ulo mo?" Nagtatanong na tingin ang ipinukol nito sakin. Napahawak ako sa ulo ko. Ayyy.

"Hehe. Nakalimutan kong kunin pa. Babalik nalang ako sa loob." Nagmadali akong bumalik sa loob ng bahay. Tumungo ako sa kwarto at kinuha ang towel na nakapulupot sa ulo ko.

Mukha pala akong Valentina. Yung babae sa palabas sa tv na ahas yung buhok at tinatakpan ng tela yung ulo niya. Sa sobrang pagmamadali ko kasi hindi nako tumingin sa salamin kaya nakalimutan kong tanggalin yung towel. Magsusuklay nako nung marinig kong tumunog ang cellphone ko.

Kinabahan ako bigla. May ideya na ako kung sino ang tumatawag. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang screen. Unknown number. Siya na nga ito. Pinindot ko ang accept button at narinig ang pamilyar na boses.

"Adri.."

Rock, Heart, Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon