Chapter 12

144 6 0
                                    

A/N
To the readers! I'm sorry, i changed the cover and the title.
Hope you like the changes.
I made this chapter longer compare to the others.

Chapter 12

Biglang namutla ang mukha ng babae.
"Y-your fiancée? Since when." Mahinang tanong nito. Nakakatuwa ang kanyang reaksyon. Haha. Buti nga sayo.

"Since yesterday." Ako ang nagsalita.

Manahimik ka Adriana. Panira ka.

"Yes, since yesterday." Nakangiting sagot ni Drew. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan ako sa ulo.

Galing naman umarte ng mokong na to.

Sige, chansing pa.

"I don't see a ring." Nagsalita ulit ang babae. Umaasa pa rin talaga itong available pa rin si Drew. Nakikinita ko sa mga mata nito ang pag asa ngunit sisirain ko iyun. Bwahahaha!

"Honey, I left my ring in your bathroom." Tumalikod ako sa babae at humarap kay Drew. Pinanlakihan ko ito ng mata.

"It's okay love. We'll get it later." Sabi nito at inalalayan ako pababa.
"Does it still hurt?" Nag aalalang tanong nito habang pababa kami ng hagdan. Sobrang bagal kasi ng paglakad ko at paika ika pa ako.

"Oh my gosh." Napahawak ang babae sa dibdib at nanlaki ang kanyang mga mata.

Nagkatinginan kami ni Drew.

Iba siguro ang iniisip ng malanding babae. Mukhang gulat na gulat ito na hindi na maipinta ang mukha.

Tumungo kami sa sofa ng makababa kami ng hagdan. Pinaupo ako ni Drew ng dahan dahan. "You need to rest hon." Sabi nito sabay halik sa kamay ko. "Sorry, it's my fault."

"I'm fine darling, don't worry." Wika ko at tumingin sa nakatayong babae na hindi tinatanggal ang tingin sa amin. Parang hindi pa rin ito makapaniwala sa nakikita. "Have a seat. What do you want? Juice, coffee, tea?" Tanong ko na parang ako ang nagmamay ari ng mansyon. Minsan lang mangyari to kaya sasagarin ko na.

Namumula ito sa galit. Nilakihan nito ang hakbang patungo sa amin at tumigil sa harap ko.
"Wake up from your dream cause Drew will just drop you like a hot potato, bitch!" Sigaw nito na nagtitiim ang mga bagang sa galit. She looks pathetic. Oh my gosh. Englishera nako. Humanda kang bruha, gagalitin pa kitang lalo. Stupid tramp.

Tiningnan ko ito ng masama at itinaas ko ang kilay ko. "He can't. He's head over heels in love with me. And i'm not a bitch, you pathetic wench!"

Ohh. Where did i get those? Lumelevel up na talaga ako.

Mas lalong dumilim ang anyo ng demonyita, nagtatangka pa itong sugurin ako ngunit mas mabilis pa sa kidlat na pinigilan ito ni Drew.

"Get out of my house Trixy, god damn it!" Nagulat ang babae sa galit na tinig ni Drew at mabilis itong tumakbo palabas ng bahay. Halatang takot na takot ito sa lalaki.

Tiningnan ko ng mabuti ang lalaking nakatayo sa harap ko na onti onting ngumiti nung makitang umalis na ang babae. He looks so fresh in that gray v-neck shirt and sweatpants. Mabasa pa ang buhok nito na halatang kakaligo lang. He's so yummy i wanna die!

I clap my hands. "Nice stunt there, darling." Nakangising saad ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagiging sweet nito kanina. Kahit pagpapanggap lang iyun, nasiyahan pa rin ako. Mas gusto ko tuloy bumalik dito yung bruhang sasali sa beauty contest. I'm looking forward!

Nagiging englishera na talaga ako.

"Nice choice of words, sweetheart." Nakangisi itong lapitan at alalayan ako pabalik sa taas para puntahan si Zanty. "And that dress looks good on you." Pahabol pa nito habang patuloy kaming umaakyat ng hagdan.

Rock, Heart, Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon