A/N
Hello readers! Meet Zanty in this chapter. The super cute kid! Comment. Vote. Enjoy!Chapter 8
Maaga akong gumising at kumain para naman hindi ako mapagalitan nung bipolar na lalaki. Dapat daw 8, andun na.Humanda siya sakin kung 8 andun nako at wala pa siya.
"Wag ka nalang umalis ate. Pabayaran mo nalang kay kuya Brand yung utang mo." Sabi ng kapatid ko nung palabas nako ng kwarto na may dalang maleta.
"At saan naman siya kukuha ng pera aber?"
"Maraming pera yun. Di nga nauubusan eh. Palagi akong busog pag kasama ko yun. Sana kapatid ko nalang siya."
"Pumasok ka sa tiyan ng nanay niya para pag labas mo ulit, kapatid mo na siya." Mataray na sabi ko habang naglalakad patungong pintuan. "Aalis nako Juno. Hindi nako nakapag alam kay papa, maaga kasi siyang umalis eh. Pakisabi nalang nakaalis nako. Mag iingat ka dito ha. Wag kang magpapasok ng ibang tao dito sa bahay. Lalo na yung mga tambay lang jan sa kanto."
"Get in the car." Nagulat ako nung may kotse sa labas ng bahay namin. At nakatayo ang lalaki sa gilid nito. Nice, bagong kotse.
"Stalker ka talaga noh? Pati address ng bahay namin alam mo."
"Just get inside." Sabi nito at pumasok sa driver's seat. Aba aba. Hindi man lang ako pinagbuksan.
"Wala na talagang matinong lalaki ngayun." Sambit ko habang binubuksan ang pintuan sa likod. Lock? Bakit hindi mabuksan?
Kinatok ko ang bintana sa gilid ni Mr. B.
Bipolar.
"Hoy, ano plano mo? Papasakyin mo ba ako o hindi?" Mataray na sabi ko.
"Did I tell you to sit in the back? Put your luggage first in the trunk."
Ay nako. Ang taray talaga. Menopausal stage ba ang lalaking to. Nilagay ko na sa likod ng sasakyan ang maleta ko. Pumasok nako sa front seat ng sasakyan.
"Seatbelt." Nakatingin sa daan na sabi nito.
Hindi man lang ako kinakausap, busy sa pagdadrive. Nakakabingi naman yung katahimikan. Ako nalang kaya magsasalita.
"So.. Ano pangalan ng babantayan ko?"
"He's Zanty."
Grabe. Nagtitipid ata ng sasabihin to.
"Diba sabi mo makulit yun? Gano kakulit?"
"See for yourself. And stop talking, i'm driving." Nakangising sabi nito.
Wahh! Ang gwapo pag nagsmile! Grabe, habang tumatagal mas lalo siyang gumagwapo. Parang alak lang.
Habang tumatagal, lalong sumasarap.
"Kayang kaya ko ang batang yun. Kapatid ko nga ang kulit kulit nung bata pa eh."
"You have no idea, Adri." Sabi nito na nakatutok ang atensyon sa daan.
Ang tagal naman ng byahe. Nakakaantok.
"Gisingin moko pag nakarating na tayo ha. Idlip lang ako."
Ngumiti lang ito. Matutulog muna ako. Ang aga ko gumising eh.
"Wake up. We're here." Sabi nito habang kinakalabit yung braso ko.
Duhh. One minute palang ata akong pumikit, andito na kami. Hindi niya man lang kanina sinabi na malapit na. Argh! Kainis.
Tumingin ako sa labas. Nakapark na kami sa harap ng bahay.
Malaking bahay.
Magandang bahay.
BINABASA MO ANG
Rock, Heart, Baby!
Random"That's why you're here. I'm offering you a job." Napangiti ako sa sinabi ng poging lalaki sa harapan ko. Sa wakas magkakatrabaho na din ako. Kahit sekretarya lang, okay na sa akin. Pero napangiwi ako sa kasunod na tanong nito. "Will you be.."