"What dream?"
Napalingon ako sa seryosong tinig ng lalaki. Nakakunot ang mga noo nito at titig na titig sa mukha ko.
Onti-onting nag init ang aking mukha nung mapagtanto ko ang kanyang ibig sabihin.
Yung panaginip.
"Uhmm. W-wala yun. Hehe." Mabilis kong sagot at mabilis akong lumakad palayo. Napakapit si Zanty sakin dahil sa patakbo kong lakad. Sa tuwing nakikita ko si Drew, naaalala ko ang aking panaginip.
Nahihiya ako.
Kahit wala siyang ideya kung ano iyun. Kahit makapal ang balat ko, nakakaramdam pa rin ako ng hiya.
Tao pa rin ako noh.
May pagkadiyosa nga lang ang mukha.
May pagkamahangin din ang utak.
At ikaw ang utak. Hahaha!
Didn't see that coming.
"Why yow face wed?"
Why your face red?
Interpreter ka na pala ngayun ni Zanty?
Napatingin ako sa nagtatakang mukha ni Zanty. Kanina pa pala ako nito tinititigan.
"Because i have rosy cheeks extending throughout my face." Sabi ko dito habang tumutungo sa kanyang kwarto.
"You look like tomato Adwi." Sabi nito at humahagikhik pa.
"What's funny?" Seryoso kong tanong dito.
Tirisan kita eh.
"Yow ugly face is funny." Sabi pa nito.
Aba.
Below the belt yun ah. Ang ganda ko kaya!
"You're kidding right?"
Haha. Alam ko Zanty. Joke mo lang yun!
"I'm sewious." At naging seryoso na ang mukha nito.
OMG! Nagiging kamukha niya si Drew!
Pero infairnes, ang gwapo pa din.
"Joke Adwi, i'm kidding. Yow pwetty." Ngumiti ito ng napakatamis at mabilis akong hinalikan sa pisngi.
Anong masamang espiritu ang sumapi dito?
"I'll mawy you when I gwow up"
Ano daw??
Tange, pakakasalan ka daw niya pag lumaki na siya.
"Hahaha. Kumain ka muna ng isang sakong asin." Wala sa sarili kong wika dito.
"What?" Nakakunot noong tanong nito.
"I thought you hate me." Sabi ko nalang dito.
"I cwush you." Sabi nito na namumula ang pisngi.
Ano ba ang nangyayari sa mga bata ngayun? May crush crush nang nalalaman. Bitawan ko kaya to para matauhan.
Ibinaba ko ito sa kanyang kama.
"You'll take a bath before you sleep, okay?""Okay.." Sabi nito at itinaas na ang kanyang kamay.
Hinubad ko na ang damit nito at dinala sa banyo. Pinaliguan ko ito at binihisan ng pantulog. Alas nuwebe na kasi, kaya dapat ko na siyang patulugin. Pinunasan ko ang ulo nito hanggang matuyo at sinuklay ang kanyang buhok.
"I don't want to sleep Adwi."
"It's late, you need to sleep." Sabi ko dito habang pinapahiga ito at kinukumotan.
BINABASA MO ANG
Rock, Heart, Baby!
Random"That's why you're here. I'm offering you a job." Napangiti ako sa sinabi ng poging lalaki sa harapan ko. Sa wakas magkakatrabaho na din ako. Kahit sekretarya lang, okay na sa akin. Pero napangiwi ako sa kasunod na tanong nito. "Will you be.."