Chapter 2
Shet. Ang gwapo ah.... Pero hindi. Hindi dapat ako mahumaling sa mga taong walang pakialam sa iba. Porket BMW ang sasakyan niya, mamemerwisyo na siya, hindi pepwede yun! Napahinga ako ng malalim nung palapit na siya sa kinatatatuyuan ko."What the hell miss." Sabay tanggal ng sunglasses niya. Ang pogi. Hindi. Masama ang ugali!
"What the hell your face! Nakikita mo ba ang ginawa mo? Ha? Tingnan mo ang damit ko!
Sa tingin mo matatanggal ko tong putik sa loob ng isa at kalahating oras? Hindi na ako matutuloy sa pupuntahan ko!" Sigaw ko sakanya. Wala akong pakialam sa mga taong chismoso at chismosa na nakikinig sa usapan namin."Why? Are you going to the funeral?" Sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa. Gag* to ah. "And look what you did to my car. Have you seen the damage you've caused? You owe me bigtime miss. Now, i'm going to report this to the police and you'll go with me, whether you like it or not"
Ayyy, englisero si kuya.
"Eh kung hindi ako sasama? May magagawa ka ba? At ikaw naman ang may kasalanan ng lahat ng ito!" Singhal ko sa sosyalerong kumag sa harap ko. Wala akong pakialam kung mayaman ba sya o nasira ang sasakyan niya. Basta ang alam ko, nasira niya ang araw ko at ang magiging trabaho ko.
Hindi ko na mahahabol ang interview, wala akong damit. Amoy imburnal na ako, at isa at kalahating oras nalang ang natitira sakin. Tiningnan ko ang lalaking nakakainis na nakaharap sakin. Pano na ako? Pano na ang magiging trabaho ko? Parang nanlamig ang buong katawan ko, hindi ko alam kung sa anong dahilan, siguro dahil basang basa ako ng tubig o kaya dahil sa biglang nawala ang pinaghirapan ko. Pinaghandaan ko ang araw na ito. Nawala lang ng parang bula. At ang may kasalanan ay itong tao sa harap ko.
"Starstrucked?" Ngiting tanong ng lalaki. Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi nya. Wala sa sariling sinampal ko siya sa mukha. Napasinghap ang mga tao sa lakas ng pagsampal ko. Pero parang wala lang sa lalaking ito ang sakit. Nakatingin lang siya sakin. Maulit nga. Sasampalin ko na ulit sana nung may magsalita "Anong kaguluhan ito?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Napangiti ako ng wala sa oras, kakampi to, si kuya Jun, yung traffic enforcer na kapit bahay namin. Nakita ko ang pagkagulat na rumehistro sa mukha niya ng makita ako.
"Abay anong nangyari sayo Adri? Diba may interview ka pa? Bakit ganyan ang itsura mo?
"Tanungin mo yang lalaking nakaitim kuya Jun. Mabilis ang takbo ng kotse, kaya namalas ang araw ko." Pagsumbong ko kay kuya Jun. Kaibigan siya ng papa at madalas ako sa bahay nila nung maliit ako, kalaro ko kasi yung anak niyang babae. "Ipabarangay na natin yan kuya" ngiting tagumpay na sabi ko.
"Excuse me. Have you seen my car officer? Just look at the rear windshield. See the damage? " Nagsaligbat na naman ang lalaki. Hah. Kala niya naman kakampihan siya. Excuse me din, kapitbahay ko yan. Ako ang kakampihan niyan.
"Hala, ang laki ng damage. Sino ang may gawa niyan? at dapat ireport yan sa police. Sayang. Mahal pa naman pa ayos niyan. " Gulat na sabi ni kuya Jun habang nakapako parin ang tingin sa basag na rear windshield ng sasakyan.
"Ask that girl beside you." Seryosong saad ng lalaki.
Napatingin sakin ang matanda. "Anong ginawa mo Adri?" Pag aalalang tanong niya.
"Hehe, he, he ehh ewan po. Napalakas po ang paghagis ko ng bato. Nagulat at nagalit po ako eh. Alam niyo naman ho na pinaghandaan ko ng mabuti ang araw na to kuya, tapos sa wreckless driving ng taong yan, eh namalas ako. Wala na tuloy akong magiging trabaho.""Eh patay kang bata ka"
"Hindi ko naman siguro kasalanan yun kuya, siya ang may kasalanan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Kung maingat lang sana siya sa pagmamaneho, edi sana hindi ako nabasa ng maduming tubig at wala sanang kotseng nasira." Pagpapaliwanag ko. Tama naman ang sinabi ko diba? May point ako.
Bumaling ang atensyon ko sa seryosong mukha ng lalaki. "Anong tinitingin tingin mo? Masaya ka at nasira ang araw ko? Kasalanan mo bat nasira sasakyan mo. Hindi ako makukulong dahil jan. Wala akong kasalanan." Ang totoo, kinakabahan na ako sa kung anong maaring mangyari pag nireport nga ako sa police. Kailangan ko ng malinis na record para makakuha ng magandang trabaho.
"Keep telling that to yourself miss. Let's see if who will be the person standing behind bars at the end of the day. Should really call police inspector Cruz now" ngumiti ito at kinuha nito ang cellphone sa bulsa at magsimulang magdial.
Kinabahan ako lalo. Bumilis ang pintig ng puso ko. Baka makukulong nga ako. Tumingin ako kay kuya Jun ng nagmamakaawa. Back up kuyaa. Hindi ko alam ang gagawIn.
"Ah eh sir, pwede pa naman ho sigurong pag usapan to. Nagulat lang ho talaga si Adri, mabait ang batang yan. Pag usapan niyo nalang muna. Wag naman po sanang umabot sa prisinto to" narinig kong pakiusap ni kuya Jun. Ibinaba ng lalaki ang cellphone niya nung marinig niya ang paliwanag ng huli. Mejo nabawasan ang kaba ko dahil mukhang sumangayon naman ito sa sinabi ng matanda. Pero hindi ko mabasa ang iniisip ng lalaking ito ngaun. Kitang kita ko ang bakas ng ngiti sa mga labi nito. Ngiting may binabalak.
Kelangan ko bang matakot?
BINABASA MO ANG
Rock, Heart, Baby!
Random"That's why you're here. I'm offering you a job." Napangiti ako sa sinabi ng poging lalaki sa harapan ko. Sa wakas magkakatrabaho na din ako. Kahit sekretarya lang, okay na sa akin. Pero napangiwi ako sa kasunod na tanong nito. "Will you be.."