Chapter 23
Lumaki ang aking mga mata sa aking nakikita. She's definitely..
I can't find the exact word for it.
Ah basta.
She's BEAUTIFUL!
Her beauty is bewitching. Napakaganda niya. Kung ano kaganda ang boses nito, ganun din ito kaganda. Parang isa itong anghel na bumisita dito sa lupa. Who is this girl? She looks elegant with her knee length dress. Her skin is fair and it looks smooth. Halatang mayaman ito at may pinag aralan. Namumula ang mga pisngi nito at mahahaba ang kanyang pilik mata. She's tall, and her beauty is striking. It can make your head turn. Daig niya pa ang beauty ng mga artista. Mukha pang mabait. Sino ba itong maladiyosang babae na ito? Napakaganda naman niya....
Mas maganda nga lang ako.
Spell ASA
"It's fine Chloe."
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ko ang pangalang iyun. Bigla akong nanliit. Hindi ko na napansin na nasa harapan ko na ang dalawa at parehong nakakunot ang noong nakatingin sakin.
"Are you okay miss?"
Biglang bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan nung tinanong ako ng babae. She's smiling at me. Parang naguilty naman ako kasi nainiis ako sakanya dati. Kung ano ano pa ang mga pinagsasabi ko sa aking isipan tungkol dito. Pero ngayung kaharap ko na siya, parang hindi ko magawang magalit sakanya. She looks innocent and charming and angelic..
"She's fine." Biglang wika ni Drew. Nahalata siguro nito na naspeechless ako sa kagandahan ng kanyang kasama kaya siya nalang ang nagsalita para sakin. Ngunit nagulat ako nung bigla ako nitong niyakap at hinalikan sa noo. "I missed you." Kumunot ang aking mga noo sa ginawa nito.
"This is Adriana. My girlfriend." Sabi ni Drew nung humarap ito sa kasama niya.
May kung anong lungkot ang dumaan sa mga mata ng babae. Ngunit saglit lang iyun. Ngumiti ito ng napakatamis at niyakap ako. "I'm pleased to finally meet you." At hinalikan ako nito sa pisngi.
"I just can't believe you ended up with a Saavedra, Drew." Sabi pa nito at ngumiti lalo. "I'm happy that the Villaraza and Saavedra are now okay."
"She's not a Saavedra, Chloe." Seryosong wika ni Drew at hinigpitan lalo ang paghawak sa aking bewang.
"Ohh.. I'm sorry.. She looks like one." Napayuko si Chloe at mukhang nahihiya ito.
Bakit parang hindi makabasag pinggan ang isang to? Iba pa naman ang naiimagine ko. Akala ko, babaeng naka red lipstick na may sungay at buntot. Ngunit kabaliktaran ang nakikita ko ngayun.
Anyways, hindi pa rin ako makahanap ng salitang sasabihin. Masyado akong nagulat sa mga pangyayari. Ito ngayun si Drew, hawak hawak ang bewang ko at nagpapanggap na girlfriend ako.
Ginawa na niya nanaman ulit.
Pero this time, sa harap ng babaeng mahal niya.Namumuro na talaga. Ayan nanaman siya sa pagpapanggap. Ano bang gusto niyang mangyari? Pagselosin yung babae para makiusap ulit sakanya na makipagbalikan? Aray ha, masakit yun. Ginagamit niya lang ako.
Kahit hindi pa nila sinasabi na ex girlfriend niya si Chloe, malakas ang pakiramdam kong nagkarelasyon sila. Mukhang bitter pa rin kasi si Drew dito. Ano kaya ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawang ito? They look perfect..
Ouch.
Bat nasasaktan ang puso ko?
"It's okay Chlo, even mom thought she was a Saavedra." Wika ni Drew.
BINABASA MO ANG
Rock, Heart, Baby!
Random"That's why you're here. I'm offering you a job." Napangiti ako sa sinabi ng poging lalaki sa harapan ko. Sa wakas magkakatrabaho na din ako. Kahit sekretarya lang, okay na sa akin. Pero napangiwi ako sa kasunod na tanong nito. "Will you be.."