Chapter 14

83 6 0
                                    


A/N
Been very busy.

Chapter 14

Bakit ba ako nakikinig sa usapan ng mga walang kwentang tao? Wala naman akong nakukuha sa mga sinasabi nila kundi f*ck, damn, douchebag, dumbass..name it! Napupuno lang ng mga maduduming salita ang mga inosente kong tainga. So, bakit pa ako nakikinig?

Ito'y dahil may pagkachismosa ka.

Hindi ikaw ang tinatanong ko.

Kailangan ko nang hanapin ang batang yun at parusahan sa mga ginawa niya. Okay, childish na kung childish pero dapat dinidisiplina ang mga bata dahil kung hindi, lalaki ang mga itong suwail. Ano kayang parusa ang ibibigay ko sa kutong lupang yun?

Lunurin sa pool?

Definitely not! Hindi ako ganun kasama.

Itali sa upuan buong araw para hindi makatakbo?

Nope. Dahil pag tinanggal ang tali, tatakbo pa rin.

Wag pakainin?

Wag. Gugutomin. Mamamatay. Hindi ako mamamatay tao.

Hmm. Lagyan ng sili ang pagkain?

Excellent idea!

Napakagenius ko talaga. Mag aalmusal na kami kaya pwede ko nang ikasatuparan ang aking paghihiganti. Bwahahaha!

Humanda kang bata ka.

Oh my gosh, nababaliw na ba ako?

Sa tingin ko.

Malamang hindi, kasi naitatanong ko pa sa sarili ko kung nababaliw ba ako.Hindi ginagawa ng baliw yun!

Bat ka pa nagtanong?

Bakit ka nangingialam?

Tumungo ako sa kitchen para maghanda ng pakain. Sasabihin ko kay Anne na ako na ang bahala sa pagkain ni Zanty at wag na siyang mag abala pa. Tingnan nalang natin kung hindi tumino ang batang yun. Sinusubukan niya talaga ang pasensya ko kaya makikita niya na ang kanyang hinahanap.

Natanaw ko agad si Anne na abalang naghahain ng sa tingin ko ay pagkain ni Zanty.

"Anne, magpahinga ka na. Ako na ang bahala jan. Tutal, ako naman ang yaya ni Zanty." Nakangiti kong sabi. Lumiwanag naman ang mukha nito dahil sa aking sinabi. Siguro aakalain nitong mabait na mabait ako. Well, ngayun hindi ako mabait. Makakaganti na talaga ako sa kutong lupa na yun.

"Salamat Adri ha, ang bait mo talaga!" Masayang wika ni Anne habang naglakad palabas ng kusina.

See? She thinks I'm an angel.

Pagsinabihan palang mabait, anghel na agad?

Bakit ba ang epal mo?

Bat ka affected?

Manahimik ka nalang.

Pati bata pinapatulan.

Pakialam mo?

Tumungo ako sa ref nung makita kong wala na si Anne sa pananaw ko.

Kutong lupang bata.

Tingnan nalang talaga natin kung hindi ka iiyak kung matikman mo na ang pagkaing hinanda ko para sayo.

Saan kaya nakalagay ang mga sili?
Siguro sa baba ng ref.

Napangiti ako nung makita ko ang aking hinahanap. Hindi na ako makakapaghintay na makapaghiganti sa impaktong bata.

Immature. Tsk tsk.

Kumuha ako ng pitong sili na maliliit. Ito kasi ang alam kong sobrang anghang kaya ito ang gagamitin ko. Naeexcite na talaga akong makita ang itsura niya pag nakain niya ang mga ito. Bwahahahahhahaha! I can smell the success of my revenge.

Rock, Heart, Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon