Chapter 7

63 5 0
                                    

Chapter 7

"Pa, mawawala po ako ng ilang buwan, may nag alok po ng trabaho. Yung lalaki po na may ari ng sasakyan na binato ko." Nakayuko ako habang nagpapaalam kay papa.

Feel ko talaga hindi ako papayagan. Parang nawawalan na ako ng gana. Bakit ngayun ko pa sinasabi to, sa harap pa ng hapunan. Masarap pa naman yung ulam.

"Kailan ka magsisimula?" Napatingin ako kay papa nung magsalita siya.

Seryoso ang mukha niya.

"Bukas po." Mahinang sagot ko.

"Anong magagawa natin, may utang ka sakanya. Anong trabaho naman ang ibibigay niya sayo?"

"Secretary po." Pagsisinungaling ko. Malamang hindi ako papayagan kung gagawin lang akong yaya ng lalaking yun.

"Bakit mawawala ka pa ng ilang buwan? Pwede ka namang umuwi uwi."

"Palagi po kasi siyang wala dito. Nag aout of town. Malaki po kasi ang negosyo niya. Eh kailangan niya ng sekretarya sa mga pupuntahan niya. Madami po kasing trabaho. Di niya daw po kakayanin kung mag isa lang siya." Nako. Nagiging sinungaling na talaga ako. Saan ko nakuha ang mga yun? Mukhang expert na expert ako sa pagsisinungaling ah.

"At yun lang po ang paraan para po makabayad ako sa utang ko sakanya."

"Basta mag iingat ka Adri. Hindi mo pa lubos na kilala yang lalaking yan. Malaki ka na. Alam mo na ang ginagawa mo. Basta alalahanin mo lang yung mga self defense na tinuro ko sayo." Sabi nalang ni papa.

Hindi ko inaasahan yun. Akala ko hindi niya ako papayagan. Self defense? Ang korni naman ni papa.

Teka, bat ang tahimik ng bugwit.

"Bugwit, bat ang tahimik mo?" Nagtatakang tanong ko sa kapatid ko. Mukhang malungkot ito. Mamimiss niya siguro ako pag nawala ako.

Awwwh. Nakakatouch naman.

"Hindi ko kasi alam kung pano sasabihin to kay kuya Brando. Malulungkot yun pag nalaman niyang mawawala ka ng ilang buwan." Malungkot na sabi nito.

Napangiwi ako. Akala ko naman malungkot siya dahil mamimiss niya ako. Yun pala, nag aalala lang siya sa kaibigan niya.

"Eh ikaw? Hindi ka malulungkot? Hindi moko mamimiss?" Tanong ko sakanya

"Mamimiss naman. Pero kawawa talaga si kuya."

"Maiwan ko na kayong dalawa. May gagawin pa ko." Sabi ni papa na tumayo na. Tumungo ito sa shop.

"Bugwit, magsabi ka nga ng totoo. Anong pinakain sayo ni Brando?" Seryosong tanong ko sakanya.

"Wala naman. Mabait po kasi siya. Tinutulungan niya din ako sa panliligaw ko kay Cindy. Siya na nga yung bumili ng cake para kay Cindy eh. Kinain mo kasi yung binili ko." Sagot nito sa tanong ko. Kumikislap kislap pa ang mata nito habang nagsasalita.

Lakas ng tama nito kay Cindy ah. Sirain ko nga trip nito.

"Nakita ko nung isang araw si Cindy, hinatid nung gwapong lalaki." Pagsisinungaling ko.

Nawala ang kislap sa mata ni Juno. Napalitan ito ng selos. "Weh? Hindi ako naniniwala. Mailap yun sa lalaki eh."

"Ang gwapo talaga nun. Bagay sila. Tangkad pa, hindi mukhang daga katulad mo." Sabi ko pa sabay ngiti.

Kay Brando pala ang loyalty mo ha.

Napakuyom ito. "Bawiin mo ang sinabi mo ate."

"Ayoko nga. Totoo namang pogi yung lalaki eh. Walang wala ka dun."

"Ipapabugbog ko yun kay kuya." Sabi nito sabay tayo.

Saan pupunta yun?

"Hoy bugwit! Joke lang. Walang lalaki. Binibiro lang kita." Sigaw ko nun malapit na siya sa pintuan ng bahay.

Tumingin ito sakin. "Alam ko. Nagjojoke lang din ako." Sabi nito at bumalik sa upuan niya.
"Kala mo naman, maniniwala ako sa sinasabi mo." Ngumiti pa ito ng napakatamis.

Mabatukan nga.

"Mag tigil ka Juno. Naimpluwensyahan ka na talaga ng kaibigan mo. Makaalis na nga." Sabi ko nalang sakanya. Anong masamang espiritu ang sumanib sa kapatid ko?

Nag iimpake ako ng mga gamit ko nung nag ring ang phone ko.

"Hello?"

"Adri, 8 am tomorrow. Don't make me wait." Sabi nito at pinatay agad ang telepono. Bastos to ah. Hindi pa nga ako nakapagsalita, pinatayan agad ako. Ano ba ang problema ng mga lalaki ngayun.

Bahala kayong mga lalaki sa problema niyo sa buhay. Basta matutulog nako at maaga pa ako bukas.

Rock, Heart, Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon