Chapter 20

137 6 0
                                    

Chapter 20

Napakunot ang noo ko sa sinabi ng isa sa mga katulong. Bigla kong nilapitan ang lalaki.

Hindi ako napansin nito dahil halatang nagcoconcentrate ito sa kanyang ginagawa. Puno na puno na ng pawis ang katawan nito.

At hindi ito kadiri tingnan, he looks hmmmm. Ano bang magandang word na pwedeng sabihin na hindi malandi pakinggan?

He looks..

Yummy ?

Gaga. Ang landi!

Edi sexy nalang.

Tigilan mo na. Okay na.

"Hoy abnoy! Anong ginagawa mo?"

Napapitlag ito sa aking sinabi. Bigla itong tumayo at humarap sakin. Napatingala ako sa tangkad nito. 6'1 ata ang height.

Hindi.. 6'2? Magkasingtangkad lng siguro sila ni Drew.

Giants.

Napasinghap ako sa lapit ng aming mga katawan. Gosh. I could see the sweat from his face running down his..

"-pened next?"

Nagulat ako nung hinawakan nito ang aking baba para isara ang aking mga labi.

"Are you listening to me?" Nakakunot noong tanong nito.

"A-ano ulit?"

"I said, I saw your almost-naked body... What do you think happened next?"

Lumaki ang mga mata ko at uminit ang aking mukha.

Kaya siya nag push ups???

Awkward.

Ganun ba ang effect?

Malamang. Lalaki yan eh.

Bigla kong iniwas ang aking tingin.
Mabuti nalang at umalis na ang mga katulong, edi sana narinig nila.

"And, what's with the sweater and pants? Is it snowing outside?"

"Ibunggo ko nalang kaya ang ulo niyo ng kapatid mo." Sabi ko at tinalikuran na ito.

Tell me. Kambal ba sila? Parehas sila ng sinasabi eh.

Mukhang ewan ka kasi sa suot mo.

Isa ka pa! Tigilan niyo nga ako. Kawawa naman ako. Wala nakong friend.

Ohh, tama na yan. Di bagay.

Bat ang gaganda ng katawan ng mga Villaraza? Siguro nung nagpaulan ng kagwapuhan at kakisigan ang Panginoon, nasa labas sila.

"Bat balot na balot ka Adri?" Napatingin ako sa nagsalita. Grabe naman ang mga paa ko, alam na alam niya kung saan niya ako dadalhin. My comfort zone..

Kusina :)

"Nilalamig po kasi ako nana."
Sagot ko sa tanong ni nana Rosy. Mukhang naglalagay ito ng mga pagkain sa ref.

Tumunog tuloy ang tiyan ko.

"Kumuha ka lang ng pagkain dito Adri." Nakangiting sabi nito at umalis na.

Yes!! Solong solo ko ang kusina. Bwahahahahahhah!

Binuksan ko agad ang ref nung makaalis na si nana.

Shet! Ang daming pagkain. Kinuha ko ang tinapay at nutella. Kumuha din ako ng prutas at fresh milk.

Tumungo ako sa sink para hugasan ang grapes at orange. Umupo na ako sa lamesa at sinimulang lagyan ng nutella ang tinapay. Nilagyan ko na din ng gatas ang basong kinuha ko kanina.

Rock, Heart, Baby!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon